Tapos na ang graduation, madaming bisita sa bahay pero wala parin ang mga magulang ko. Naglakad-lakad na lang ako dito sa likod ng mansion. May nakita akong bato sa lupa sa gitna ng Bermuda grass.
Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko pero bigla ko itong sinipa. "Aray! Sinong naandyan?!" narinig ko ang boses ng isang galit na matandang lalaki. Agad akong tumakbo palayo, tatakbo takbo ako ng mabilis habang tumatawa. Maya-maya may nakita akong pintuan. Isang kahoy na pintuan sa likod sa gitna ng dalawang malaking puno sa garden ng mansion.
"Parang wala to dati dito ah.." I murmured habang ine-examin ang pinto. Maya-maya parang may naririnig akong ingay. May paparating!
Hindi na ako nag-isip pa at pumasok na ako sa pinto, agad kong sinarado ang pinto at nagtago, dayami lang ang laman ng maliit na kwarto na tahimik kong ipinasalamat sa diyos.
"Kawawa naman si ma'am, palaging wala dito ang magulang niya.."
"Oo nga e, nakita mo na ba sila ng personal? Diba matagal ka na ditong nagtatrabaho?"
"Hende pa day, kung alam mo lang masungit na mayordoma ang naabutan ko dito noon, maswerte ka at hende mo yun naabutan.."
"Oy, punta ka sa birthday ng anak ko ah.."
"Oy, maswerete ka sa anak mong iyon ah, matalino na mabaet pa."
"Syempre nagmana sa nanay e. Oo kaya nga palagi kong binibigay lahat ng kailangan ng batang iyon e, kahit na mahirap lang--."
Marami pa silang pinag-uusapan at hindi ko na kayang marinig. Tinakpan ko na ang tenga ko at tahimik na umiyak. Pinagmamalaki rin kaya ako ng mga magulang ko sa ibang tao,?.hindi nila naalagaan ang mga anak nila kasi nagtatrabaho sila dito sa mansion, pero kahit na ganoon bakit may time pa rin sila para sa mga anak nila?
I stay in that place for an hour at wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Sa mga narinig ko mas lalo ko lang kinaawaan ang sarili ko. Bakit ganun? Kahit marami silang ginagawang trabaho, may time pa rin sila para sa mga anak nila? Bakit yung saakin wala?
"Mandy! Mandy! Asan ka?" naririnig kong tinatawag ako nila Tiffany at Christian. Tumayo ako at inayos ang sarili ko bago ko pihitin yung doorknob.
"Teka, bakit ganito? Bakit ayaw bumukas?" hinila ko ng hinila yung doorknob pero ayaw talaga bumukas. "Tiffany! Christian!, tulong!" I shouted. Ilang beses akong sumigaw, hanggang sa ang minute ay naging oras, pero wala pa rin. Nagsimula na naman akong maiyak. "Oh, great! Ngayon *sniff* nakulong pa ako dito sa maliit na lugar na ito*sniff*"
Maya-maya ay napagod na rin ako sa kakasigaw, kakahila at kakadabog sa pinto. Umupo na lang ako sa isang sulok at niyakap ko ang binti ko habang pinatong ko naman sa tuhod ko ang ulo ko.
"Mandy?"
Narinig ko ang boses ng isang lalaki kaya napatingala ako. Isang gwapong lalaki ang nakita ko. Nakasuot siya ng white v-neck shirt at black pants with matching black boots. Nginitian niya ako. At aminado akong kahit na natetemp akong ngitian siya pabalik ay pinigilan ko. Sinuswerte siya?
"Sino ka? I don't talk to strangers.." mataray kong sagot. Bigla namang tumunog ng malakas yung tiyan ko tapos tinawanan niya ako. Tinitigan ko siya ng masama at agad niyang tinaas yung dalawang kamay niya na parang nagsusurrender.
"Stranger parin ba ako sa'yo kung may dala ako para sayo?" ang buo ng boses niya. Ang sarap sa tenga na halos makalimutan ko na kung anong sinasabi niya. Parang nagloloading yung utak ko to the point na ilapit niya yung mukha niya sa akin bago niya sabihing "Ayun oh.."
Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko lang naman ang iba't-ibang uri ng pagkain. "Wow!" I said pero agad kung binalik yung tingin ko sa kanya in confusion.
"Baka may lason to ah" nagawa ko pang sabihin matapos kung isubo yung cup noodles sa bibig ko. Yun agad ang kinuha ko. Medyo mainit pa e. Tumawa na naman siya. kahit ako nga rin halos matawa na sa sa sarili ko e. Pero sorey .. tao lang , nagugutom.
Kahit na naiinis ako dahil alam kong ako ang tinatawanan niya, aminado naman akong gusto kong pakinggan ang boses niya kapag tumatawa.
"Nakakatuwa ka talaga. Syempre wala yang lason, para talaga saiyo ang mga 'yan."
"Sheka nga, magkakilala ba shayo? Makit mo alam ang fangalan ko.?" Nagawa kong sabihin habang ngumunguya. At malakas na tawa ang umalingaw-ngaw sa maliit na silid. Sheets,! Napangiti na lang ako sa magadang tunog na naririnig ko habang Tahimik ko namang pinagalitan ang sarili ko. Nakakahiya ka mandy! Bad manners!
Naramdaman ko na lang yung thumb niya sa gilid ng labi ko. "Ang cute mo talaga no.." sabi lang niya sabay iwas ng tingin. Bigla namang uminit yung mukha ko kaya napaiwas rin ako ng tingin. Naisip kong baka hindi niya naintindihan yung tanong ko kaya inubos ko muna yung nginunguya ko.
Inabutan niya ako ng bottled water na malamig. "Salamat ah, pero sino ka ba talaga? Bakit mo ako kilala?" tanong ko at napatingin siya sa akin. Seryooso yung tingin niya.
"Hindi na magiging madali ang buhay mo mula ngayon Mandy, gusto kong matuto ka sa bawat araw at gamitin mo yun para mabuhay.." sabi niya tapos tumayo na siya.
"Oy te-teka.." sabi ko tapos tumayo na rin ako. "anong sinasabi mo? Tyaka Saan ka pupunta? Aalis ka na?" tanong ko, sabay tingin sa pintuan na sirado pa rin. Biglang may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Kailangan ko ng umalis e , pero promise pagkailangan mo ako dadating ako." Ang sincere, seryoso tapos parang totoo pero hindi ako sigurado.
"Sino ka ba talaga?" tanong ko tapos bigla na lang niya akong niyakap. Ang bango niya..
Agad akong napatingin sa pinto. "Anak lumabas ka na dyan?" narinig kong boses ng isang babae sa labas. Tapos nung tumingin ulit ako sa direksyon nung guy, wala na siya.
Lumakas pa yung kalabog sa pinto, kaya lumapit na ako at binuksan yun.
"Anak, bakit ang tagal mo namang lumabas, nag-aantay na mga classmate mo sa baba." Sabi ng matandang babaeng kausap ko.
"Po?"what is happening ?
"Tulog ka parin ba hanggang ngayon? Bilisan mo na at sumunod ka na sa baba.." sabi ng matandang babae tapos bumaba na siya sa hagdan.
Sinarado ko muna yung pinto, only to find out na ibang pinto na pala yung sinarado ko. Pink door na!. napalingon ako sa kwarto na nasa likod ko.
"Where am i?"asaan na yung wooden door at yung maliit na kwarto? Ang lahat ng bagay sa room na ito ay pink.
Napaupo na lang ako sa pink na kama na nasa gitna ng room para lang malaman kong ibang tao ang nakaupo sa kaparehong kama na inupuan ko sa mula sa salamin.
"Sino ka?" tanong ko doon sa babaeng nasa salamin pero agad din akong napatakip sa bibig ko kasi nakita kong sumabay yung taong salamin sa sinabi ko. Oh my. Hindi kaya..
Tumayo ako tapos lumapit ako sa salamin. Mas lalo akong kinilabutan kasi sumunod din siya. hinawakan ko yung ilong, noo at bibig ko. Sumunod pa rin siya. "huli ka!" sabi ko pero talagang sumusunod siya. oh no..
"Ahhh!" napasigaw ako.
Biglang bumukas yung pinto nung kwarto at pumasok yung matandang babae kanina at dalawang babaeng mukhang kikay, yung isa all blue tapos yung isa all green. Ano ba tong mga to cosplayer?
"Anak anong problema?" tanong nung matanda
"Chelsea, ayos ka lang ba?" tanong nung blue girl.
Omg! Anak? Chelsea? What is happening ?
Hindi ko alam kung anong nangyayari. Bakit iba yung mukha ko, sino ang mga taong to at higit sa lahat nasaan ako?
--
Sana po ay magcomment kayo? AYOS BA? TULOY KO PA PO BA? PLS. COMMENT PLS. PLS.
THANKS FOR READING, may nagcommenet itutuloy ko pa po, pero kapag wala. Hindi na.
BINABASA MO ANG
The Other Side Of The Door
Teen Fiction"Ang gobyerno ay nagsasagawa ng mental development test para matuto ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang nila." "Test? Ibig sabihin may pumapasa at hindi?" "Oo. Sa test na ito. Kailangan mong maipasa ang tatlong buhay na ipaparanas sa'y...