Seven

39 3 0
                                    

Ang liwanag.

Napadilat ako dahil sa malakas na liwanag na nangagaling sa flashlight na hawak ng doktor. May sinulat siya sa papel niya tapos agad na umalis. Naiwan akong nakahiga. Bakit hindi niya ako pinansin?

Umalis ako sa hospital bed. At agad na nanlumo ako ng paglingon ko sa hinihigaan ko ay nakita ko ang katawan ko. Ang totoong katawan ko. Madaming nakakabit sa akin. Patay na ba ako?

Nagsimula akong maglakad, pero hindi pa ako nakakalayo ay nakita ko si JC sa kasunod na hospital bed. Kurtina lang ang pagitan ng higaan namin.

Agad ko siyang nilapitan. Napangiti ako. Ibig sabihin, totoong tao siya?

I raised my hand to touch his face but someone hold my arm stopping my movements. And then with a blink of an eye everything went black.

"Palagi na lang ba tayong ganito Arnel! Nakakasawa na!"

"E kung hindi ka titigil d'yan sa mga hinala mo, e talagang paulit-ulit na lang tayo!" Nakarinig ako ng malakas na pagsirado ng pinto at agad akong napadilat.

Agad kong nakita ang isang babaeng umiiyak malapit sa pintuan. Nasaan ako?

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Medyo nakakapanibagong hindi na halos pink ang mga gamit sa kwartong 'to, but I guess that only means that I'm on my way to the finale.

"Anak." Napalingon ulit ako sa babae . Nasa tabi ko na pala siya. Anak? . "Ayos ka lang ba? Nahimatay ka daw sa school kanina?" She looks really worried at hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na hindi ko siya kilala. Na naman.I'm not an idiot. Syempre alam kong nasa ibang katawan na naman ako ano.

"Shine?!" May babaeng nakatayo sa pinto at umiiyak na tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako agad at hindi ko alam kung paano ako mag-rereact.

Umiyak siya sa balikat ko at mas lalo akong naguilty. Hindi ko kasi alam kung kaano-ano siya ng katawang ito. Tyaka bakit ba siya umiiyak?

Pinupunasan na niya ang mukha niya ng ilayo na niya ang sarili niya sa akin.

"Shine, ayos ka lang ba?" Bumaling siya sa katabi niya. "Ma Bakit hindi siya nagsasalita?" Tumingin ulit siya sa akin. "May masakit ba sa'yo?"

Umiling lang ako. Ang dami niyang tanong pero sana maintindihan niyang 'yung last question lang ang sinagot ko. Hindi ko kasi talaga alam kung paano mag-uumpisa. Doon sa unang katawang napuntahan ko ay wala naman talaga akong ideya na may ganito na palang nagaganap.

Bumukas na naman ang pinto at may pumasok na doktor. Madaming tinanong yung doctor tungkol sa mga nangyari bago ako magising pero hindi ako nagsalita. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot. Malay ko ba sa katawang 'to?

Tinignan niya ang mga braso at binti ko. May mga pasang namumuo sa iba't-ibang parte ng katawang 'to. Kailangan ko ng sabihin..

"Doc." Napatingin sa akin ang doctor at humugot muna ako ng malalim na hininga. "Hindi ko po sila matandaan."

With that one phrase, nagkagulo-gulo na. Umingay sa loob ng kwarto. Paano ba naman umiyak este, humagulgol 'yung mommy ng katawang ito. Kaya naman ang ending mag-isa na lang ako dito sa kwarto. Doon na lang sila sa labas nag-usap.

Umalis ako sa kama at naglakad papuntang veranda. Nasa third floor ang room kung nasaan ako.

Hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung napanaginipan ko kanina. Hindi ko naman ikakailang natuwa talaga ako doon sa panaginip ko. Pero sana totoo na lang. Sana totoong tao na lang din siyang tulad ko.

"JC, nasan ka na ba kasi?"

Napansin kong suot ko parin pala 'yung bracelet na bigay sa'kin noon ni JC. Tinaas ko ang kamay ko para matitigan 'yon ng mabuti.

"Pa lucky charm lucky charm ka pang nalalaman. E ikaw lang naman ang..." I trailed off as my eyes burned with tears. "Ikaw lang naman ang gusto ko e. Ikaw lang sapat na."

Hindi ko alam kung paano at kailan pa 'to nagsimula e. Dati kasi hindi pa ako sigurado, pero ngayon sure na ako sa nararamdaman ko. Gusto ko siya.

Noong huli ko siyang nakita, tumatakbo siya palayo sa akin matapos niyang lagyan ng coat ang balikat ko noon. Hindi ko alam kung bakit niya ako iniiwasan. Paano ko malalaman kung hindi niya sinasabi?

Miss ko na siya.

Gusto ko siyang makita.

"Dadating ako kapag kailangan mo 'ko."

Napatingin ako sa baba ng veranda. Mataas masyado. Kapag walang sumalo sa akin sa baba baka magkalasog-lasog ang katawan ko. I gulped. Dadating kaya siya kung subukan 'kong tumalon mula dito ngayon?.

"Bahala na." Despirado na ako. Wala na akong ibang paraang maisip. Sasabog na ako. Mababaliw na ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng kumapit na ako ng mahigpit sa railings. Kinakabahan ako. Ramdam ko ang pagpapawis ng mga kamay ko sa kaba. Sino ba naman ang hindi kakabahan? Pero may tiwala ako sa kanya. Alam kong dadating siya.

Tinaas ko na ang isang binti ko kaya nakasampa na sa railings ang half body ko. Diyos ko po.

"JC. Dumating ka talaga kundi.. naku!" Nagdadalawang isip 'kong sinampa ang isa ko pang paa sa railings kaya nakaupo na ako doon ng bigla na lang kumulog ng malakas.

Dahil sa gulat ko ay nadulas yung paa ko na nakatapak sa lower part ng railings. "Ahh!"

Nagtataka ako kasi ilang minuto na akong nakapikit pero hindi pa rin ako bumabagsak sa lupa. I slowly opened my eyes only to find out that I'm only an inch away to the ground. Dahan-dahan akong nilapag sa bermuda grass. Nakayuko lang akong nakatingin sa bermuda grass ng tumulo ang mga luha sa mata ko. Napangiti ako.

Hindi niya ako binigo.

Nandito siya.

Tumayo ako at mabilis kong tinignan ang paligid. "Anak.." napatingin ako sa taas at nakita ko ulit ang mom ng katawang to. "Anak?! " ng makita niya ako ay dali-dali siyang bumalik sa loob ng kwarto.

"JC!? Nasan ka? Magpakita ka. Alam ko nandyan ka.." I shouted as my eyes became blurry pero wala. Walang JC na nagpakita. "Bakit ka ba umiiwas? Wala naman akong ginawang masama sa'yo ah?!" Nagbagsakan na mga luha ko. Nagsimula na rin akong mainis. Hindi ko siya maintindihan! . "Bakit ka pa ba kasi dumating sa buhay ko kung aalis ka rin naman?! " I sobbed. "Nakakainis ka! Ayoko na sa'yo!."

"Anak?!" Naramdaman kong humawak sa balikat ko ang mom ni Shine. Hindi ko 'yun pinansin.

"Sige, bibigyan pa kita ng last chance. Magbibilang ako ng tatlo, kapag hindi ka lumabas bahala ka na sa buhay mo.." hinahabol ko ang hininga ko. Tuloy pa rin ako sa pag -iyak to the point na halos hirap na ako huminga pero wala pa rin? Ano pa bang gusto niya?

"Anak, sino bang kausap mo?"

"Isa!"

"Anak tara na sa loob, baka maabutan ka pa ng ulan dito."

"Dalawa!" Umaasa pa rin ako. Nagbilang ako ng 1 to 100 sa utak ko bago ako ulit magsalita.

"Shine.."

"Dalawa't kalahati..." wala na.

"Anak, tama na."

"Tatlo." Bulong ko habang nakayuko. Naikuyom ko ang kamao ko. Never ko pa 'tong ginawa sa kahit kanino sa buhay ko. Sa kanya lang. Kung ayaw niya magpakita, edi sagarin na niya! Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya! "Sige, maging masaya ka sana sa desisyo mo! Wag na wag mo na akong tutulungan! Tatapusin ko 'to mag-isa! Do you hear me?!" I stopped, hoping for a respond pero wala. Sino bang niloloko ko? Kung may problema siya sa akin, bakit hindi niya ako kausapin. Ang duwag niya ! Kainis siya! " I hate you!"

The Other Side Of The DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon