Never in my wildest dreams kong naisip na gagawin ko 'to. Kapag nalaman kaya ni JC na gagawin ko to magagalit kaya siya? Asaan na ba kasi 'yun? I tucked my hair to my ear na nililipad ng hangin. Bigla ko tuloy namiss sila Christian at Tiffany, namimiss rin kaya nila ako?
Biglang kumulo naman yung dugo ko dahil sa magboyfriend na naghaharutan sa may harap. Ano ba mandy, bakit ka ba naiinis?! Ang Bitter mo! Napailing na lang ako habang hinahayaan 'kong liparin ang buhok ko ng hangin.
Huminto na ang jeep at bumaba na ako. Malayo pa lang ako pero tanaw na tanaw ko na ang mga babaeng nakatayo sa pader. 'Yung iba na ninigarilyo at 'yung iba naman ay nag-aayos ng make-up.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Parang gusto ko ng umalis, umatras. Pero alam kong hindi 'yon magandang gawin sa mga oras na 'to.
Tumayo na rin ako sa pader kung nasaan ang nga babae at sumandal doon. Nagsimula ng kumabog sa kaba ang dibdib ko. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin.
"Bago ka?" Napalingon ako sa babaeng katabi ko. Mas matangkad siya sa akin ng kaunti. Mestisa at mahabang buhok. Nakasuot siya ng super maiksing maong short at sando na kaya kitang-kita ang kanyang clevage.
"Oo." I responded.
"Makakatulong 'to." Inabutan niya ako ng isang bote ng maliit na red horse at binuksan niya 'yun sa harap ko.
Tinitigan ko lang 'yun kaya kinuha na niya ang kamay ko at pinahawak na niya sa akin ang malamig na alak sa bote.
"Wag mong sabihing hindi ka umiinom?" Tanong niya bago niya tunggain ang sarili niyang bote. "Maniwala ka sa akin, mas magiging madali ang lahat kung makakawala ka sa sarili mo. Mas wild ka, mas malaki ang bayad sa'yo."
Ofcourse I know what alcohol can do, it's just that hindi ba mas nakakatakot kapag wala kang control?
"Nakita mo 'yon?" Tinuro niya ang isang babaeng papunta sa isang kotse kung saan siya tinawag nung matandang babaeng parang tagabenta sa amin. "Two days, palang siya dito pero kumokota na siya. Salamat sa red horse!" Hiyaw ng babaeng katabi ko at tumungga ulit siya.
Napatingin ako sa boteng hawak ko. At bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay tinutungga ko na ang bote. The hot liquid steers something inside me to the point na parang may sumipa sa ulo ko. At naging buhay bigla ang dugo ko. Oo matapang nga ito.! .
Naririnig ang pagsigaw ng babaeng katabi ko and the moment na binaba ko ang bote ay umiikot na ang paligid ko ng kaunti.Doon ko lang napansin na nakaka tatlong bote na pala ako.
"Whooh!" I think I heard myself shouted. Mandy , umayos ka nga! Sinermonan ako ng inner being ko but all I did was shouted her back saying Shut up!. Ano ba yan?! Isa pa lang tuliro na ako? Hung hang! Sino ba naman kasi ang may sabi sayong uminom ka ng walang chaser!!! I scolded myself but found myself giggling. Nababaliw na ata ako!
Nag-offer ang katabi ko ng sigarilyo and I declined it with a giggle at napangiti siya. "Bakit ba ka ba naninigarilyo, don't you find it odd to kiss someone kapag mabaho ang hininga mo?" I asked without thinking at pinanuod kong magbago ang mood ng babaeng katabi ko.
"Anong sinabi mo?!" Mukha siyang galit and from that moment alam kong dapat ay natatakot na ako but instead I laughed.
"You heard me, I said you have a bad breath. " I repeated and I can't help it. Gosh, Mandy stop it! I said to myself pero parang iba na ata ang may ari ng katawa ko.
Namula ang babaeng katabi ko sa galit bago niya ako sugurin at hindi ko mapigilang tumawa. Shit alcohol!
"Bumalik ka dito!" Sigaw ng babae habang pinipigilan siya ng iba na makalapit sa akin. "Papatayin kita!" Sigaw niya pero ang lasing kong katauhan ay tawa pa rin ng tawa. Nagmukha na kasi siyang kamatis sa paningin ko e.
BINABASA MO ANG
The Other Side Of The Door
Teen Fiction"Ang gobyerno ay nagsasagawa ng mental development test para matuto ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang nila." "Test? Ibig sabihin may pumapasa at hindi?" "Oo. Sa test na ito. Kailangan mong maipasa ang tatlong buhay na ipaparanas sa'y...