Last Chapter

45 0 0
                                    

Nagising ako ng nakahiga sa loob ng elevator. Bumukas ang elevator sa isang tahimik na hallway. Walang tao.

Naglakad ako hanggang sa may marinig akong boses ng isang lalaking hindi ko kilala.

"Gusto kong gumawa ng mundong kaming dalawa lang pero sinira mo ang lahat!", Nakita ko yung lalaking nakasuot ng jacket na may nakasulat na grey intelligence noon na nagsasalita.

Nakaharap na siya ngayon kay---JC!

Tumalikod na ulit yung lalaki at nagpatuloy siya sa pagsasalita na parang nagdadrama.

"Binasted niya ako noon, sabi niya hindi daw niya kayang pagsabayin ang pag-aaral...", Natigilan ako. Kilala ko ba siya? . Napailing nalang ako. Hindi ito ang tamang panahon para magflashback.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto habang nakatalikod pa 'yung lalaki sa amin.

Agad kong tinanggal yung tali sa paa at kamay ni JC.

"Mandy.. anong--". I cut him off.

"Shhhh tatakas tayo okey?". Bulong ko.

"Hoy! " napatingin agad kami sa direksyon nung lalaki at agad kaming tumalon sa magkaibang direksyon ng magpaputok siya.

Maraming nabasag na salamin ang nagkalat sa lugar.

Nagkaroon ng saglit na katahimkan. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Nakayuko lang ako, ng maramdaman ko na may masakit sa bandang ulo ko ay agad ko itong hinawakan . May dugo na sa kamay ko.

Napasigaw na lang ako ng biglang may humila sa akin patayo.

"Mandy---"

Pinalo siya ni JC ng keyboard sa ulo kaya natumba siya at nabitawan niya ako.

"Okey ka lang?" Tanong sa akin ni JC ng makalapit siya sa akin. "You're bleeding. "

Tumango ako. "Kaya ko..." I trailed off, nakita kong nakatayo na iyong lalaki sa likod niya kaya tinulak ko siya agad.

"Ahhh!" Napasigaw ako sa sakit ng ako naman ang tamaan ng lalaki sa ulo. ang sakit sobra! Narinig ko pang sumigaw si JC.

Pakiramdam ko umikot ang buong paligid. Kinailangan ko pang kumurap ng ilang beses para lang maging malinaw ulit ang paningin ko.

Nakasalampak na lang ako sa sahig. Hinang-hina.

"Tignan mong ginawa mo!", narinig kong sigaw ni JC.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang sumunod na ginawa ni JC doon sa lalaki. Para siyang sinaniban ng kung ano. Walang tigil niyang pinagsusuntok iyong lalaki.

"JC..", Tinatawag ko siya pero parang hindi niya ako naririnig. "JC!" Naalarma na ako kaagad. Kapag hindi pa siya tumigil baka mapatay na niya iyong tao at hindi na kami makalabas dito.

Gumapang ako papunta sa kanya. Hanggang sa makalapit na ako sa kanya. Hinawakan ko ang mga kamao niya bago pa niya ulit masuntok iyong lalaki.

The Other Side Of The DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon