Nine

45 2 0
                                    

Napadilat ako.

Napahawak ako sa puso kong mabilis na tumitibok. Naghahabol ako ng hininga.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Puting dingding, sahig, pintuan at kama. Hospital. Nasa hospital ako.

Panaginip. Nakahinga ako ng maluwag.

Mabuti na lang at panaginip lang.

Bumukas ang pinto at pumasok si Ate Star. "Oh, shine. Gising ka na pala." Sinarado ni Ate Star ang pinto at lumapit sa akin.

"Ate, anong nangyari? Why am I here?" Ako.

"Don't worry. Si mommy stable na habang ang professor niyo naman ay hinahanting na at..." Umupo si ate star sa tabi ko.

What?! Ibig sabihin, hindi panaginip 'yon?! Totoo lahat ng 'yon?!  "Shine, nandito ka sa hospital ngayon kasi kailangan ka na nating ipagamot e. P-pero wag ka mag-alala ha?" Nagsimula ng maging teary eyed si Ate Star. "May pag-asa pa. Gagaling ka pa."

I was stunned. What?  "What do you mean Ate?"

Ate Star told me na may leukemia daw ako. Kailangan ko raw at ng katawang ito ng bone marrow transplant. Dati pa daw alam ni Shine. Nalaman ko na yung totoong shine, ayaw na ayaw sa ospital. Kaya naman pala noong dumating ako sa katawang 'to ay nasa bahay ako.

Natakot ako. Natakot ako sa ideyang may ganoong sakit ang katawan kung nasaan ako.

Sino ba naman ang hindi? Wala pa sa ideya ko ang sumakabilang buhay no! . Napaisip tuloy ako kung anong mangyayari kapag  mamatay ang katawang ito habang ako ang nasa loob nito. Maraming tanong ang namuo sa utak ko, pero isa lang ang sigurado.

Kailangan ko ng matapos ito. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa totoong shine. Ang bawat oras ay mahalaga, walang dapat na masayang. Kailangan makasama niya ang mga magulang niya sa mga panahong tulad nito.

Inalis ko ang mga nakakabit sa katawan ko at tumayo. Nagpalit muna ako ng damit ,nagsuot ng cap at ng jacket na rin bago lumabas.

Saktong nasa labas na ako ng ospital ng may mag vibrate sa bulsa ko. I received one message from unknown number.

It says *Wag ka ng umalis d'yan sa kinatatayuan mo. Delikado. Baka mapano ka!*

Wala sa sarili akong napalingon sa paligid. Lingon dito lingon doon pero wala. Wala akong ibang nakita kundi ang mga nurse , doktor at mga pasyenteng labas masok ng ospital.

Si JC to. Nararamdaman ko. Alam ko na siya 'to. Ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko ang patunay nito.

Nakaramdam ako ng inis at dali-dali ko siyang nireplayan. *Pa'no kung umalis pa rin ako, may magagawa ka ba?* panghahamon ko sa kanya.

Wala pang isang minuto ay may reply na agad. "Hano ba yan!" Pati ba 'to sakop ng powers niya! I said while swiping the message icon.

*Ano bang gusto mong gawin ko?* he replied. I rolled my eyes. Kainis to. Kailangan ko pa ba talagang sabihin?

*CHE! EWAN KO SAYO! MAGTAGO KA NA LANG HABAMBUHAY!* Oha? Caps lock pa yan para ma feel niyang galit ako. Pagkasent ko ay nag-umpisa na akong maglakad.

Pero hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay nag-ring na ang cellphone ko. Mabilis ko iyong sinagot sa inis ko.

"Ano ba--!" Hindi ko na natapos pa ang gusto kong sabihin ng may narinig akong iyak ng isang babae.

Nilayo ko agad ang tenga ko sa phone para tignan kung sino ang tumatawag pero unknown number 'to.

"Hello? sino--"

"Shine, tulungan mo 'ko." Boses ni Cheen ang narinig ko sa kabilang linya.

"Cheen! Nasaan ka!?"

"Shine! Shine!"

"Cheen! Nasaan--"

"Pumunta ka sa address na itetext ko sa'yo."

"Wait, Hello! Hello!" The call ended.

Kinakabahan ako. Mabilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Sa ikalawang pagkakataon, the pressure to save someone's life is in my shoulder again. Ang laking responsibilidad. Hindi pwedeng magkamali kasi may mapapahamak. Then it hit me.

This is not a test.

Kung test lang 'to, dapat walang totoong taong involve. It was never the government. Alam ko. Hindi 'to magagawa ng gobyerno. May ibang dahilan kung bakit ako nandito. Pero tyaka ko na muna iisipin.

Mabilis akong pumara ng taxi at sumakay. Sinabi ko agad kay manong driver ang address .

"Ma'am may sira po. Mukhang hanggang dito na lang po tayo."

"Ano?! Kuya, malayo pa po ako e. Tyaka asa highway po tayo. Wala ako mahahanap na taxi dito manong."

"Pasensya na po ma'am." Sabi ni kuya. Pero may bigla akong naisip.

"Ay kuya, wait lang po. Gagawa akong paraan." Mabilis kong kinuha ang phone ko at nagtext.

*psst. Oy JC. Gusto mo bang bati na tayo?* hinintay ko ang reply niya at hindi naman ako binigo ng loko.

*Oo. Pero dahil parang alam ko na kung anong kailangan mo. Okey lang kahit hindi na.* nag-init agad ulo ko sa reply niya. URGH!

*EWAN KO SA'YO BAHALA KA NA SA BUHAY MO! AYOKO NA SAYO! BAKIT BA KASI KITA NAGUSTUHAN E!* huli na ng ma-realize ko kung anong na send ko pero wala na akong pakealam. Hindi pa nga pala niya alam na gusto ko siya. E sa ano ngayon kung malaman din niya!

"Manong, salamat po. Sige bababa na po ako." Nahawakan ko na yung pinto ng biglang magsalita ulit sa manong driver.

"Ay, ma'am tignan niyo ho oh umaandar na !" Sabi ni manong.

"Sige po manong. Tuloy na po tayo."

Si JC, ginamit na naman niya ang powers niya para paandarin ang taxi kung nasaan ako. Hindi ko alam pero parang I felt like crying. Hindi ko alam kung anong dahilan.

Sa ideyang hindi niya ako gusto kaya siguro ayaw niyang magpakita sa'kin kasi sinabi ko na ngang gusto ko siya pero dedma at parang naiwas pa siya o sa ideyang miss na miss ko na talaga siya pero eto siya nagpapamiss. Nagtetext siya  kahit malapit lang siya. Kainis siya!

Naiintindihan ko naman na ayaw niya akong mapahamak. Pero sana kung totoong nag-aalala siya, dapat nandito siya. Kasama ko. Katabi ko. Pero hindi e. Wala siya.

The Other Side Of The DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon