Twelve

46 2 0
                                    

"Sarah?! Sarah?!" naimulat ko agad ang mata at bumungad sa'kin ang napakaraming taong nakapaligid sa'kin.

Umupo ako at inalalayan  nila ako. Marami silang sinasabi pero parang wala akong marinig. Oh talagang ayaw ko lang makinig.

Masyado parin kasing sariwa ang nangyari. Masakit kaya yung sinabi niya. Ilang beses ba niya akong irereject?  Pero yung nagpapagulo talaga sa isip ko ay 'yung sweet gestures niya. His actions contradict his words at alam ko na may mali. Alam ko na may rason at gusto ko 'yung malaman.

Gusto ko rin itanong sa kanya 'yung tungkol sa nakita ko last time kung saan nasa hospital bed kami pareho at 'yung tungkol narin dito sa napapansin ko sa MDT na 'to. Para kasing may mali talaga.

Wala akong nakuhang matino sa last time na napuntahan ko. Not that I didn't learn anything pero kasi parang wala akong nakitang nagkonek sa pagiging mabuti sa magulang.

I did nothing actually and that bothers me the most. If anything na may nangyari, yun ay ang mapansin ko lang na parang may kakaiba. Sa last encounter naman halos si JC lang ang dahilan kung paanong nakatakas kami kay Professor Miguel. Tapos 'non na connect ko na 'yung sitwasyon nila pagtapos non wala na, napunta na agad ako dito. May mali talaga.

Andito na nga ako sa last kong pupuntahan. Usual lang ang nangyari. Hindi ko sila kilala kaya lumabas na wala akong naaalala and then boom! Go with the flow na naman ako.

Tumunog ang bells na nakasabit sa pinto hudyat na may pumasok sa loob ng cake shop pero hindi ako lumingon. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at napahigpit ang kapit ko sa tray na hawak ko. Nandito siya.

Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya.

"Ahm...hi?" Hindi niya ako sinagot, instead lumapit siya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit at hinayaan ko lang siya.

Ito na nga ba ang sinasabi ko noong una pa lang e. Ito ang pinakakinatatakutan kong sitwasyon. Isang love story.

Itong yumakap na lalaki sa akin ay ang lalaking mapapangasawa sana nitong si Sarah kung nasaan ako. Si Brandy.

Feeling ko tuloy panggulo ako. Bakit ba kasi ako dito nagpunta e parang wala namang problema? Wala akong ibang maramdaman kundi ang maging guilty .

"Sorry kung hindi kita maalala." Sabi ko. Sana lang gumaan ang pakiramdam nitong taong 'to. Alam kong nahihirapan din siya.

Bigla ko tuloy naalala si JC, asan na kaya 'yon?

Kumalas siya sa pagkakayap. "Ayos lang, medyo mahirap 'to para sa akin pero kakayanin ko 'to para sayo." Ngumiti si Brandy at ganon din ako tapos iniwas ko na agad ang tingin sa kanya. Magkatabi lang kaming nakatingin sa malayo habang nakasandal sa sink sa kusina.

Naguguilty talaga ako. Kung sabihin ko na lang kaya sa kanya na wag na siyang malungkot kasi aalis din naman ako dito sa katawan na ito at babalik din naman ang totoong sarah na mahal niya at mahal siya.

"Ahm.." sabihin mo na! "Brandy?"

"Hmmm?"

"May sasabihin ako."

"Ano yun?"

"A..ano kasi-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang phone ni Brandy. In-excuse niya ang sarili niya kaya naiwan akong nakatayo. Mag-isa.

I sighed.

Ilang minuto lang ay bumalik na si Brandy pero nagpaalam rin siya agad. May biglaang meeting daw siya na pabor naman sa akin kasi medyo nahihiya ako sa kanya.

The Other Side Of The DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon