"Sorry po sa abala. Sa ibang araw na lang po ulit kami babalik." Paalam ko bago tuluyang lumabas ng room.
Ng makababa na ako ng hagdan ay dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay hawak hawak ang bibig ko dahil sa pag-iyak.
Ang sakit. Sobra. Parang higit sa isang daang espada ang sumaksak sa puso ko.
Napatigil ako sa pagtakbo ng may yumakap sa akin mula sa likod. Si Christian.
Hinarap ko agad siya at agad na nagtagpo ang mata namin ni Tiffany na nasa likod ni Christian. I know she's hurting .
Agad na humakbang ako palayo . "I'm fine."sabi ko ng maglakad na ako pabalik ng kotse.
Pumuwesto ako sa likod, tinabihan ako ni Tiffany at si Christian na ang nagmaneho.
"Sabi ko na nga ba e,manloloko ang tulad niya ! You should know better than to love that guy, hindi mo pa siya ganoon ka tagal na--" binaon ko ang kuko ko sa hita ko para mapigilan ang sarili ko na umiyak . Thank god Tiffany interupt him.
"Pwede ba Chan, kita mo na ngang malungkot na nga si Mandy e. "
Tumahimik naman agad si Christian.
Maya-maya pa ay tumigil na ang kotse.
"I'm fine guys. Wag na kayong bumaba." Bumaba na ko ng kotse pero hindi ko pa sinasara ang car door ay lumingon ako sa kanila. "Nga pala, Happy Valentines Day sa inyo. You guys have fun." Binigay ko ang pinaka sweet smile na kaya kong ibigay pero alam kong nagmukha lang itong peke.
Tumatakbo akong pumasok sa mansion ng may nakasalubong ako. Si mommy.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at agad namang tumulo ang mga luha ko hanggang sa mapahagulgol na lang ako habang nakayakap sa kanya.
Wala siyang sinabing kahit na ano. Hinayaan niya lang akong umiyak.
Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya sa akin habang sinusuklay niya ang buhok ko.
For the first time in my life ngayon ko lang naramdaman to. Iba parin talaga kapag magulang ang nagcomfort sayo.
Mabigat na magaan sa pakiramdam at the same time. Ang daming rebelasyon, at informasyon. Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung anong gagawin.
Pumasok kami ni mom sa room ko. Naupo kami sa kama ko at hinayaan niya lang akong magkwento. Mula noong makapunta ako. Sa MDT at kung paanong malaman kong may girlfriend si JC kanina.
Hindi ko alam kung naiintindihan niya ako kasi kahit ako hind ko na maintindihan ang sinasabi ko dahil sa pag hikbi ko.
Niyakap ako ni mommy. "I'm sorry. Hindi ko alam na ganito na pala ang pinagdadaanan mo. " pinunasan ni mommy ang luha ko. "I don't want to give you false hope pero hindi pa naman natin alam kung anong kwento. Kung mahal mo siya at mahal ka rin talaga niya. I think you should let him explain things."
Ngayon ko lang siya nakita ng.. personal. Yung totoo, yung hindi picture lang?.
Ang ganda niya. Tingin ko kamukha ko siya. So ibig sabihin maganda rin ako? Hahaha.
Napansin niya ata ang pagngiti ko kaya napangiti din siya.
"That's good anak. Mabuti naman at okey kana."
"Thanks ma, buti na lang talaga nandito ka. Sorry po talaga sa insakal ko kaninang umaga."
"It's okey. Naiintindihan ko naman. I know it's my fault because I'm not here with you." Napayuko siya.
"Mind if I ask now what happened ?" Tanong ko pero ngumiti lang siya.
"Not tonight. Alam kong pagod kana. Have some rest. " hinalikan niya ako sa noo at lumabas na ng room ko.
Matapos kong magpalit ng pajamas ay nahiga na ako sa kama at nag-isip.
Tama si mommy. Alam kong mahal ako ni JC. Hindi niya ako magagawang lokohin. Alam ko yun. Nararamdaman ko.
Ng magising ako ng umaga narinig ko agad ang tawa ni Mommy na nanggagaling sa kusina.
"Morning mom !" Bati ko. Lumapit ako kila mommy. "Morning din nay. "
"Morning ma'am. " bati ni manang at lumabas na ng kusina.
Lumapit ako kay mommy at niyakap niya ako ng side ways at hinalikan niya ang sentido ko. Napangiti na lang ako. Ang sweet ni mommy. Medyo nakakapanibago pero ang sarap sa feeling.
"Para san to mom?"
"Well, I decided to teach you how to bake . Nakwento kasi ni manang kanina sa akin yung first time mong magtry e." Natatawang sabi ni mommy at napangiti na lang ako.
"Yes mom, muntik ko ng masunog ang kitchen."
"But not for long. Game?"
"Game."
Tinuruan ako ni mommy magbake ng cupcake. Madaming na kwento si mommy habang nagbebake kami at natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatawa kasabay niya.
Napapakwento rin ako kapag may time na halos pareho ng sitwasyon na napagdaanan namin nung childhood niya.
"Kung hindi lang sana ako nakulong.." nanigas agad ako sa narinig ko.
"What?" Nakita kong nanlaki ang mata ni mommy. "Nakulong po kayo?" Nagsimula ng mangilid ang luha sa mata ko .
Bumuntong hininga si mommy bago humarap sa akin. Ng magtama ang mata namin ay tuluyan na akong napa-iyak.
"I was assigned to go to Singapore for business, pero hindi pa man ako nakakasakay ng airplane hinarang na ako ng mga pulis. And then they found papers. Financial reports about the company kung saan ako nagwowork at doon ko lang napagtantong na frame up ako. Hindi ko pa alam sa ngayon kung sino ang mastermind. Napagbintangan lang ako. Anak I'm sorry."
"Why didn't you tell me?"
"I didn't tell you because --" niyakap ko agad si mommy.
"Mommy, I'm sorry. All this time I'm mad at you. Hindi ko naman alam na naghihirap ka pala." Inangat ni mommy ang chin ko para makita ang mukha ko.
"Hindi ka galit sa akin nak?"
"Ofcourse not. Kung alam ko lang sana nabibisita pa po kita." Pinunasan ni mommy ang luha ko at napangiti ako.
"Woah. Mukhang nakakaistorbo ako sa inyo ha? Where's my hug?" Napalingon kami ni lola sa dumating.
"Lola!!!" . I ran towards her and hug her tight.
"Hindi sana mangyayari yon kung hindi lang sana matigas ang ulo ng mommy mo. It's obvious why the set you up. Because they want you out of that company. Maybe they find you as a threat. " Lola respond ng makwento namin sa kanya kung bakit kami nag-iiyakan ni mommy kanina sa kitchen.
"Ma.." -mommy.
"Now, gusto kong sa akin kana magtatrabaho. Isama mo na rin itong apo ko. Together will bring them down."
"What. Do you mean Lola?" I asked.
"I am going to take you with me in California. "
--
--A/N:
Happy Hearts Day guys!!!
Vote for Kathryn on #KCA #VoteKathrynFPP
#HappyBALentinesDayKathNiels.
BINABASA MO ANG
The Other Side Of The Door
Teen Fiction"Ang gobyerno ay nagsasagawa ng mental development test para matuto ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang nila." "Test? Ibig sabihin may pumapasa at hindi?" "Oo. Sa test na ito. Kailangan mong maipasa ang tatlong buhay na ipaparanas sa'y...