Nagising ako sa ospital. May nakakabit na oxygen at kung ano-ano pa sa katawan ko.
Bumukas ang pinto at ng makita ni Tiffany na gising na ako ay dali-dali siyang lumapit sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi ko siya masyadong marinig.
Parang slow motion ang lahat habang yung bigat ng pakiramdam ko andon parin. Umiiyak siya sa harap ko habang nakangiti siya. Tapos lumabas siya ng pinto ng kwarto ko. Paglabas niya bumalik din siya agad pero may kasama na siyang doktor.
Madaming tinanong 'yung doktor pero ni isa wala akong sinagot. Doon palang kasi biglang bumalik lahat. Lahat ng sakit. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak habang inaalala ko ang lahat. Ang MDT, si Chelsea, Shine, Sarah at .. si JC.
Mabuti sana kung panaginip lang lahat pero hindi. Sila Tiffany at Christian mismo ang nagsabi. Agad silang nagkwento sa akin pagkalipat ko ng room.
"Napansin kasi namin na habang comatose ka may kung anong nakasulat sa palapulsuhan mo. Hindi ko na maalala e. Then we found out na hindi lang pala ikaw ang nakakaranas ng ganon." Patango-tango pa si Christian habang nakatingin sa kawalan na parang binabalikan ang mga nangyari.
"At ng malaman namin, nagpa-investigate agad kami and then the operation stopped. Pinahuli na namin 'yung mga scientist na napag-utusan at syempre pati na rin 'yung mga officials at foreigners na nasa likod nung operation." Tiffany said.
"Para saan daw ba kasi yung ganon?"
"Para daw 'yun sa pagbuo ng mental game blah blah basta ganon.. wala daw kasing pumapayag na sumubok dahil nga sa delikado kaya random daw silang namimili. Which is illegal." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Christian.
Hindi talaga siya marunong magkwento!
"Pero kahit napatigil na namin ang operation, nanatili paring tulog ang mga victims. Sabi nung mga experts na sasainyo na daw kung malalalabas pa kayo or hindi na. Almost One Thousand kaya lahat ng biktimang tulad mo frend? At parang ikaw palang ata ang nagigising." Napatingin ako kay Tiffany.
"Tama! Alam mo bang maraming reporters sa baba kanina? Gustong nilang malaman ang pinagdaanan mo. Mabuti na lang at napakiusapan." Christian said with a smile. Na para bang sinasabi niya na nadala niya sa charms niya yung mga reporters.
"Asus ayan na naman tayo!" Hiyaw ni Tiffany.
Napangiti na lang ako. Hindi parin sila nagbabago pero nakaramdam ulit ako ng maalala ko si JC.
"Asaan na daw 'yung iba pa?" Tanong ko but Tiffany just shrugged.
Kung totoo 'yung nakita ko last time na magkatabi kami ni JC ng hospital bed. Baka andito din siya sa ospital na 'to?
Natatarantang lumapit sa akin si Tiffany ng umupo ako. "Teka, saan ka pupunta?"
"May hahanapin tayo. Dali tulungan niyo ako." Nagpalitan pa sila ni Christian at Tiffany ng tingin.
Hindi ko alam kung bakit hirap na hirap akong maglakad. Siguro kasi isang taon na akong tulog at nanigas na ang mga muscles ko.
Nakaakbay ako kay Christian habang naglalakad tapos si Tiffany naman ay nakasunod lang sa amin.
"Excuse me miss, itatanong ko lang sana kung may na confine ba ditong John Clifford Mendez ang pangalan?" Tanong ko sa front desk.
"Wait I'll check po." Sabi nung nurse tyaka tumingin sa computer. "Yes ma'am meron po kaso na discharge na po siya last month."
Last month?
"Miss pwede malaman 'yung address niya?" Tanong ko pero sabi ng nurse hindi daw pwede.
Pero atleast alam ko na totoong nag-eexist pala siya no?
Ang saya-saya ko! Feeling ko sasabog na ang puso ko sa saya!
"Oh, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Tiffany na tumabi sa akin sa higaan.
Umiiling lang ako.
"Masaya kasi ako."
"E sino ba kasi 'yung John Clifford na 'yun? Tunog palang pang bakla na!"
"Oy! Christian mas lalaki at mas gwapo 'yon kaya wag ka magsalita ng ganon sa kanya! " tinalikuran ko nga.
Bakit ba siya biglang nagagalit?
"Guys tama na yan, mabuti pa frend ikwento mo na lang sa amin kung sino ba kasi 'yang John Clifford Mendez na yaan para naman malaman namin kung bakit ka natutuwa?" Napangiti ako sa sinabi ni Tiffany.
Masaya akong nagkwento sa kanila mula nung gabing umuwi ako galing sa bar. Wala akong pinalampas na kahit anong detalye hanggang sa 'yung mga panahon na paalis na ako sa lugar na 'yon.
Natapos ako magkwento na halos hindi ko na masabi ang mga gusto kong sabihin kasi humahagulgol na ako.
"Wow! That was awesome frend! Hindi namin alam na nakahiga ka lang dito pero nasa ibang katawan ka na pala?!" Napangiti ako kay Tiffany habang naalala ko ang mga panahong bago palang ako sa ganon.
"Pero about doon sa John Clifford na 'yon.." napatingin kami ni Tiffany kay Christian na nasa harap namin at naka-upo sa couch. "Hindi ka ba nagalit? Nagsinungaling siya diba? Bakit gusto mo parin siya?"
Sasagot na sana ako pero si Tiffany na ang sumagot para sa akin.
"Hay nako! Wala ka talagang alam! Syempre hindi siya nagalit kasi si JC mismo ang umamin! Oh ano!? Gets mo na ba ha?!" Tiffany shouted.
"Bakit ikaw sumagot?! Ikaw ba kausap ko?! " Christian fights back.
"May sinabi ka bang pangalan?! Ha?!" Tiffany.
Napailing na lang ako sa dalawa. Pinalipat-lipat ko ang tingin ko kay Tiffany at Christian.
Bagay sila.
Kung alam lang no Christian na may gusto sa kanya si Tiffany.
Dahil nga sa hindi ako makalakad ng maayos. Inabot din ako ng three days sa ospital dahil sa therapy ko.
Pero hindi ko naman hinayaan na mauwi lang sa wala ang three days ko sa ospital. Pinahanap ko si JC.
"Ma'am Mandy, welcome back!" Salubong sa akin ni Kuya Baste 'yung guard namin sa mansyon.
"Salamat po." Dumiretso ako sa kwarto matapos ang kaunting salo-salo na hinanda ng mga kasambahay namin sa bahay na kami-kami lang din naman ang kumain. Sila lang naman talaga ang pamilya ko..
Medyo na guilty pa nga ako noong una kasi naaalala ko, nasigawan ko sila last time. Mabuti na lang at naiintindihan nila ako.
Nakapikit na ako ng may kumatok sa kwarto ko kaya agad akong bumangon para buksan ang pinto.
Napakunot ang noo ko ng makita 'kong umiiyak si Manang pagbukas ko ng pinto.
"Nay! Bakit po kayo umiiyak?!" Napayakap agad ako kay manang.
"Ma'am, ang mommy niyo po nasa baba inaantay po kayo."
--
--AUTHOR'S NOTE
Gosh! Nakita niyo na ba 'yung post ni Kathryn Bernardo sa IG last time?
P R O T E C T O R!!! Waaaahhh kilig no!!!!
#TeamBernardoFordGoesToJapan is for Real !!!!And let's not forget. Ang KathNiel ay nasa vietnam ngayon para tumanggap ng isang award. Galing no?!!!
#2016IsKathNielYear ♥
BINABASA MO ANG
The Other Side Of The Door
Novela Juvenil"Ang gobyerno ay nagsasagawa ng mental development test para matuto ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang nila." "Test? Ibig sabihin may pumapasa at hindi?" "Oo. Sa test na ito. Kailangan mong maipasa ang tatlong buhay na ipaparanas sa'y...