"What should I do now?. Hindi ko naman ata kayang magkunwaring mahal ko ang paul na 'yun no?! Pero kapag hindi? Paano na lang ang may ari ng katawang ito? Pagbalik niya dito wala na siyang boyfriend? Edi naka sira pa ako ng lovestory diba..naman e!
Asar akong nagpapadyak sa pink na kama habang nakatingin sa pink na kisame.
"Urgh! Kainis!"
Napatigil ako sa pag-iingay ng makarinig ako ng ingay mula sa labas ng kwarto. Napabalikwas ako ng bangon at agad na tinungo ang pink na pinto ng kwarto.
Pagbukas ko wala namang tao. Could it be na may akyat-bahay gang na nakapasok dito sa bahay?
Lumabas ako ng kwarto at naglakad papuntang hagdan. Pero ikinagulat ko ng Makita ko ang nanay ni chelsea sa dulo ng hagdan at nakahandusay.
"Diyos ko.." agad akong tumakbo pababa ng hagdan at nakita kong may dugo ang ulo nito. Hala...
"Ma'am gising po.. gising!" Hindi ko alam kung anong gagawin . Nanginginig na ang kamay ko sa kaba at agad namang humapdi ang mata ko.
"Tulong! Tu---" pagtayo ko at pagharap ko papunta sa pinto ay agad kong nakasalubong si JC.
Saglit akong natulala sa kanya. Minsan nagugulat pa rin ako sa pabigla-biglang pagsulpot niya pero dapat ba masanay na rin ako? Ayoko!
Nilagpasan niya lang ako at binuhat yung nanay ni chelsea. Umiiyak lang akong sumusunod sa kanya. Paglabas kasi namin ng bahay, may ambulansya na agad.
Feeling ko tuloy ang layo-layo niya sa akin. Parang araw at buwan. Hindi pwedeng magkatagpo.
Sumama ako sa ambulansya kasi buhat ng pinasok ang mama ni Chelsea sa ambulansya, naglaho na ulit siya. Nakakainis siya!
"Hindi ko po alam dok, basta nakita ko na lang siya sa dulo ng hagdan. Please, help her.." sagot ko sa doktor ng tanungin niya ako kung anong nangyari.
"Wag ka mag-alala hija, we will do everything to save your mother. "
Iniwan na ako ni Doktora sa tapat ng emergency room. Mag-isang umiiyak.
"Chelsea!" Napalingon ako sa mga tumawag sa pangalan ng katawan na ito. At nakita ko sina Hani, Karen at ... si Paul. Kinabahan ako.
"Chelsea.. sori ah na late kami, natulungan ka sana namin." -Hani.
"Nga pala Chelsea, pasensya ka na dito kay paul ah. Ikinuwento na niya sa amin.. " siniko ni Karen si Paul at nag step forward ito.
"Chelsea, sorry kanina ah. Mukhang nainis ata kita e. Nagkunwari lang naman akong boyfriend mo kasi gustong kung itest kung talagang wala kang naalala." Napakamot pa ito sa ulo kasabay ng pagkunot ng noo ko.
"Chelsea, i love you.." sabi niya pero hindi ko siya nagawang sagutin.
"Ahm sige na ah, medyo late na e." Sabi ko at naglakad na ako papuntang pintuan ng bahay.
"Chlesea, wala bang 'i love you too' dyaan?" Sigaw niya tapos tumakbo na ako at madaling isinarado ang pinto. Hiyang-hiya ako noon.
"Ibig sabihin wala akong boyfriend?! Hindi kita boyfriend?!" Sigaw ko.
"Be, pwedeng hindi sumigaw.." bulong ni Karen. At napatingin ako sa paligid, oo nga't pinagtitinginan na kami.
"Sorry po" sabi ko na lang sa mga tao. Buti na lang kakaunti lang ang mga tao sa paligid.
Umupo muna kaming apat ."Oo be, wala kang boyfriend.." -Hani.
BINABASA MO ANG
The Other Side Of The Door
Novela Juvenil"Ang gobyerno ay nagsasagawa ng mental development test para matuto ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang nila." "Test? Ibig sabihin may pumapasa at hindi?" "Oo. Sa test na ito. Kailangan mong maipasa ang tatlong buhay na ipaparanas sa'y...