Chapter 1

19.2K 229 24
                                    

Riah POV

Ako si Azariah Candice Andrada. Im a powerful business tycoon. Lahat ng gusto ko nakukuha ko, pero shempre hindi ako nang galing sa mayamang ankan kaya naiinis ako sa mga spoiled brat or kabataan na walang pakealam sa future nila. Pinag hirapan ko lahat ng meron ako ngayon. Kung buhay pa sana ang mga magulang ko alam ko matutuwa sila sa estado ng buhay ko ngayon. Nag iisa lang ako sa buhay, hindi na ako naniniwala sa pag-ibig. Love is for weak only and besides I don't have time for love. My business is my life, kaya ginagawa ko ang lahat mapalago lamang ito. Naputol ang iniisip ko ng bigla nag knock ang secretary ko.

"Come in." sabi ni riah.

"Mam your meeting is in half an hour." Ninerbyos na salita ng secretary niya.

Ano ba yan isang lingo na sha nag ttrabaho sakin pero kinakabahan parin sha. Hmmm, ayoko sa tatanga tanga na mga empleyado. Binabayaran sila para gamitin ang utak nila. "Okay, after ng meeting ko na ito what's next?"

Natataranta si Sandy dahil hindi sha handa sa tinatanong ng boss niya. Hinanap pa niya sa Ipad niya kung ano ang susunod na appointment ng boss niya. Nararamdaman niya ang matalim na tingin sa kanya ng boss niya at naiiyak na sha dahil ngayon pa nag hang ang ipad.

"I'm waiting" sabi ni rhia habang nakataas ang kilay.

"M-a-a-am nag hang po ang ipad, pwede po ba na babalik ako para sabihin sa inyo kung anong oras po ang susunod na meeting niyo? - Sandy. Tinitigan sha ng masama ni Riah at sabi ay "Ano ba yan Sandy binabayaran kita dito para alam mo lahat ng schedule ko for the day dahil ikaw nga ang secretary ko diba. Now tell me am I getting my money's worth? Next time na pumasok ka dito sa opisina ko at hindi ka ready you're fired. Nagkakaintindihan ba tayo? Now get out!"

Nanginginig ang tuhod at umiiyak si Sandy na lumabas ng office ng boss niya. Umupo siya sa kanyang desk at inayos ang ipad. Biglang dating naman ng vice president ng kumpanya na si Kenneth James Anderson. Si Ken ang bestfriend ni Riah kahit nung bata pa sila, nag try sha manligaw sa kanya pero basted sha. Katulad ni Riah galing din sha sa mahirap na pamilya, pero nung yumaman si Riah pinag aral niya ito at pinasok sa kumapanya niya dahil kailangan niya ng taong mapagkakatiwalaan at alam niya na si Ken ay never sha traydurin. Gwapo si Ken, mestizo sha dahil ang ama niya ay isang foreigner na iniwan sila ng kanyang ina ng nabuntis ito, kaya ang last name niya ay "Anderson". Si Ken ay mestizo, medyo singkit ang mata, green eyes, brown hair at makisig at matangkad.

Inabot ni Ken kay Sandy ang panyo niya "Don't cry Ms. Beautiful, you will learn to do your job right. Just be patient" at nasabi ko ba na bolero din sha. "Wipe your tears." dagdag pa niya. Natuwa naman ang secretary ni Riah at tumahan na. He knocked at pinapasok naman siya ni Riah, tinawagan na niya si Riah na dadating sha.

Malake ang office ni Riah. Black, white, brown and gray lang ang kulay ng office niya. Big glass windows from top to bottom, kitang kita ang city sa window niya. Nasa dulo ang ang malakeng desk niya sa harap nito ay sophisticated and modern white sofas. Ang desk niya ay black. Sa Right side niya ay mahabang coffee table at sa taas nito ay ang litrato ng last supper.

"tsk tsk tsk pinaiyak mo na naman secretary mo. Pang ilan na ba sha sa buwan na ito?" habang lumalakad sha ng palapit sa desk ni riah. "Alam mo riah hindi rin masama minsan maging mabait ka sa secretary mo, minsan try mo para maiba naman." Sabi ni Ken habang nakatayo sa harap ni Riah at habang nakapasok ang mga kamay sa pocket ng pantalon niya. Bagay na bagay lang nia ang suit and tie.

"Incompetent people, why is she crying now? Kasalanan ko ba na hindi niya magawa ng maayos ang trabaho niya at bakit ngayon ka lang? Office hours starts at 8am, ngayon ka palang pumasok. Nambabae ka na naman kagabi noh?" sabi ni Riah kay ken pagkaalis niya ng salamin at sumandal sa kanyang upuan. "Alam mo kung hindi lang kita kababata at best friend matagal ka ng nasipa sa kumpanyang ito MR. ANDERSON." naniningkit na sabi ni Riah sa kaibigan niya. Tumawa lamang si ken at umupo sa isa sa white sofa at nag cross ng leg niya.

Journey to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon