Ch 28

3.6K 78 6
                                    

Rhia POV

Naka subsub ako sa trabaho ko, simula nung na engage kami ni Joe hindi na ako tumigil sa pag ttrabaho, pinapagod ko ang sarili ko para pag dating ng gabi ay wala na ako panahon pa mag isip tungkol sa sitwasyon ko. Minsan effective pero minsan naiisip ko parin na hindi na kami magkakasama ni Raine at dun ako nag sisimula umiyak.

Nandito ako sa office ko, naka upo sa aking silya. Kakatapos lang ng conference call ko with my board members and for some reason wala si Ken sa opisina. Tumayo muna ako para mag stretch dahil inabot din ng isang oras ang meeting namin. Hindi naman sila nag tanong kung bakit ako wala lage sa opisina, masaya pa nga sila na ikakasal na kami ni Joe dahil dagdag ito sa publicity ng kumpanya. Nag iinat ako ng bigla may kumatok. Time check: 1pm na pala, siguro dadalan ako ng lunch ni manang.

Tok! Tok!

Rhia: Pasok po kayo.

Manang: Iha naka impake na ang gamit mo. Nakahanda ka na ba?

Tanong sa akin ni Manang. Nagulat naman ako dahil wala naman sinabi si Joe na may pupuntahan kami.

Rhia: bakit po san po kami pupunta?

Manang: Hindi ka ba tinawagan ni Sir Joe?

Rhia: hindi po.

Manang: Ay pasensya ka na iha ang sabi lang nila ay impake ko na ang gamit mo at susunduin ka daw nila.

Rhia: Sige po salamat po manang. Anong oras daw po ako susunduin?

Manang: Papunta na daw sila.

Rhia: Sige po mag reready na po ako.

Nag kibit balikat na lang ako at dumiretso ako sa kwarto ko para mag palit dahil naka office attire ako para sa conference call ko kanina. After 15 minutes ay nakapag palit na ako nakapag retouch narin ako ng aking light make up. Narinig ko na may dumating at kinatok ulit ako ni Manang para sabihin andito na sila. Pag labas ko ng kwarto nakita ko si Mr. Salameda Sr. and Joe. Nakangiti sa akin si Mr. Salameda and naka open ang arms niya para yakapin ako, he doesn't have a daughter kaya malapit ako sa kanya, napaka bait niya hindi ko alam kung kanino nagmana si Joe. Si Joe naman ay nasa isang corner, iba ang aura niya mukha siyang hindi mapakali. Pabalik balik siya malapit sa may bintana at kinakain niya ang kanyang daliri, and I can hear him talking to his self. Lumapit ako kay Mr. Salameda para siyay yakapin at magmano.

Sr: Iha, napaka galang mo talaga. Maswerte ang iyong mapapangasawa.

I looked at him in a confuse way.

Rhia: So sinasabi niyo po ang anak niyo ay maswerte?

Sr: No hindi ang anak ko ang para sayo.

Umiling siya at dismayado niyang sinabi ito. Nagulat ako at tinignan ko lamang siya na parang ako ay nagtatanong then he continue.

Sr: I already know everything. I had a meeting with Ken and Raine kanina sa restaurant namin. Nasa baba na sila at hinihintay ka. You can go home now. Ako na ang bahala sa anak ko. Pasensya ka na sa nadulot namin perwisyo sa inyo.

Sa sobrang tuwa ko ay napaiyak ako at niyakap ako ni Mr. Salameda. Tinignan ko si Joe at parang siya ay may sariling mundo. Tinignan ko ulit si Mr. Salameda at siya ay umiling parang sinasabi niya na hayaan mo na siya.

Sr: Ano pa hinhintay mo halika na at baka mag bago pa isip ko haha ihahatid na kita sa baba.

Sinabi niya sa akin habang nakangiti. Magpapaalam sana ako kay Joe dahil kahit ganito ang ngyare sa amin ay naging mabuti ko parin siyang kaibigan dati pero bigla siyang lumabas ng condo unit kasama ang kanyang mga body guards. Sinamahan ako ni Mr. Salameda Sr hanggang lobby ng condo building. Tanaw ko hanggang lobby sila Ken and Raine kakadating lang nila at kasunod nilang pumarada ang mga bodyguards ni Ken. Tinatawagan lang niya ang mga bodyguards niya pag alam niyang may gulo siyang papasukan. Nagpaalam na ako kay Mr Salameda at ako naman ay niyakap niya ulit. Lumakad na ako papalayo sa kanya ng bigla ko nakita si Joe na nakatayo malapit sa may pintuan katabi ang mga body guards niya, hindi ko na siya pinansin pa at dumiretso na ako sa pintuan para lumabas.

Nakangiti akong lumabas at naka tingin sa akin si Raine at Joe. Baba na ako ng hagdan at sasalubungin ako ni Ken ng narinig kong sumisigaw si Joe sa aking likuran. Nakita kong bigla niya inagaw ang baril ng isa sa kanyang bodyguards at lumabas siya ng pintuan at tinutok sa akin ang baril.

Joe: If I can't have you, no one can!!!

Ken: RHIAAAAAAAA!!!!

Nakatutok sa akin ang baril at narinig ko na lang na pumutok ito at sakto naman na bigla ako niyakap ni Ken mula sa likuran at bigla niya ako inikot, narinig ko pa siya sinigaw ang pangalan ko. Nakarinig ako ng isa pang putok ng baril pero hindi ko na alam kung saan ito nggaling. Hinarap ko si Ken para yakapin dahil wala ako nararamdaman sakit, kinabahan ako. Pag yakap ko sa kanya bigla ko nakapa ang isang bahagi ng kanyang likod ay basa, tinignan ko ang aking kamay at puro ito dugo. Nakita ko din si Joe na bumagsak at may tama naman siya ng baril sa may dibdib, siya naman ay nilapitan ni Mr. Salameda Sr.

Rhia: No no no no! Keeeeen! DAMN IT KEN BAKIT MO SINALO YUNG BALA!?!

Dahil narin sa kabigatan niya ay napaupo kaming dalawa at yakap yakap ko parin siya. Nginitian lang niya ako.

Ken: Syempre mahal kita eh. Pang bawi sa mga katarantaduhan ko noon.

Rhia: Asan na ang ambulansya!?!?! Stay with me Ken. STAY WITH ME!

Tuloy tuloy parin ang pag agos ng dugo mula sa tama ng baril. Bigla siya nawalan ng malay. Lumapit si Raine at tinakpan niya ang may tama ng bala para tumigil ang pag daloy ng dugo. Bigla ako naiyak ng nawalan ng malay si Ken. Narinig kong sumigaw si Raine para hanapin ang ambulansya. Niyakap ko ng mahigpit si Ken at tuloy tuloy ang aking pag iyak. Nadudurog ang aking puso.

Rhia: KEEEEEEEN!!!!!

Journey to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon