Chapter 2

8.9K 144 2
                                    

Raine POV

Nagising ako sa sigaw ni papa sa labas ng pinto ko, parang sisirain niya pinto ko sa pag katok. Pano ba ako nakauwi? haaaay ang sakit ng ulo ko, bwisit na hangover toh bakit ba kasi nauso pa toh. Wala na naman ako maalala sa ngyare kagabi. Ako nga pala si Alexandria Raine Salazar, ang pamilya namin ang nagmamay ari ng 7 star hotels sa asya at America. Pero hindi ko inaangkin ang mga yun aminado naman ako na mga magulang ko ang mayaman at hindi ako. Aminado din ako na bulakbol ako at kung sino sino lalake ang kasama ko gabi gabi. Maganda at sexy ako sabi nga nila kamuka ko si Kristine Hermosa kaya halos puro lalake ang kabarkada ko pero may bff din nman akong babae si Mary Kate Dela Cruz sila naman ang may ari ng pinaka malaking construction sa bansa. I like to live my life to the fullest because life is short. I live in the present at wala akong pakealam sa future ko, coz im not really sure kung may future pa naghahantay sakin all I know is I need to enjoy my youthful years because minsan lang maging bata, wala ng balikan toh unless may makaimbento na ng time traveling then I am so going to try that. Nabibingi nako sa kalampag ng pinto ko, ano bang ginawa ko kagabi at nggagalaiti na naman sa galit si papa. Narinig ko na lang si mama na dumating at pinapakalma si papa.

"Huminahon ka Frederico ang puso mo" mahinahon na pagpapakalma ni mama kay papa. Ang ama ko ay si Antonio frederico salazar III.

"Buksan mo toh pinto na toh alexandria!!!! Umaga ka na naman umuwi at nasa front page na naman kayo ng barkada mo!!!! Pinapatay mo ba talaga kami ng mama mo sa kunsimisyon!?!!!?!?" Sigaw ng aking ama "pano ako kakalma eleanor tignan mo toh basahin mo toh newspaper" sabi ni papa kay mama.

Ang pangalan ni mama ay maria eleanor salazar. "Wala ka ng magagawa ngyare na ang kailangan mo gawin ngayon ay mag damage control" narinig kong sabi ni mama kay papa.

Tumayo ako binuksan ang pinto. Humuhikab pa ako at nag iinat ng lumabas ako. "Bakit ba ang aga aga galit ka na naman Papa. Good morning mama" bati ko sa dalawa. Nakatingin sila sakin at ako ay hinalikan sa pisngi ni mama si papa naman ay nanlilisik ang mata na nakatingin sa akin.

"Kasabwat na naman kayo ng barkada mo sa gulo kagabi!!! Alam mo ba ang aga aga kanina walamg tigil ang ring ng telepono ko??!!! At anong maaga pa for your information tanghali na alas tres na ng hapon!!!! Pano ka aasenso nian kung wala kang ginawa kung hindi magbarkada at mag cutting classes!?!?!!! That's it i had enough i will cut your allowances, i will take your car and condo and you are grounded until i say so!!!!!!!" Umuuusok ang ilong na sinabi ni papa at tumalikod aakma aalis na.

"You're so unfair papa. You asked me what happened pero you didnt even wait for my explanation!!!" Ako naman ngayon ang galit, lage na lang ganito magtatanong tas hindi man lang ako bibigyan ng chance mag explain, sinasaway ako ni mama na wag na sumagot at manahimik na lamang pero shempre matigas ulo ko "may nambastos samin ni MK kaya pinagtanggol lang kami ng barkada namin!!!!! Buti pa sila may malasakit eh ikaw wala kang pakealam sakin kung, sana ako na lang ang namatay ng gabing yun!!!!!" I slammed my door ng sobrang lakas rinig sa buong mansion namin.

Narinig ko ang galit na yabag ng paa ni papa at binuksan nia ang pinto pero imbes na galit ang nakita ko sa mga mata niya ang nakita ko ay lungkot. "Kaya nga ako nagagalit sayo dahil ayoko na mangyare ulit yun at ayoko na pati ikaw ay mawala samin ng mama mo. Kaya ngayon palang tuturuan kita ng leksyon. Nakausap ko na ang bago kong business partner ko at mag ttrabaho ka sa kanya for 3 months. Bukas ng umaga puntahan mo sha for your first day. I want you to learn from her. She would be able to teach you a lot. Wag mo ipapahiya ang pamilya natin, we've had enough embarrasment for the past years of our lives. Titino ka sa ayaw mo at sa gusto mo. Pag hindi ka sumunod sa gusto ko itatakwil kita at kalimutan mo na isa kang Salazar." Umalis na ang kanyang ama at naiwan sila mag ina.

Tumabi sa kanya ang kanyang ina at inaalo siya "sundin mo na lang ang papa mo. Ayaw lang niya mas lalo ka pa mapariwara, mahal na mahal ka niya anak ikaw ang little princess niya. Magpakatino ka na kasi anak." Nakasandal sa kanya ang anak at naiyak.

Journey to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon