ch 22

3.6K 104 0
                                    

Rhia POV

I'm staring blankly on my computer. Maaga ako pumasok dahil end of the month na at madami na ulit reviewhin especially ang budget ng company and ang monthly report ng kumpanya. Sa dami ng kailangan kong gawin wala pa ako nauumpisahan dahil sa pakulo na ginawa ni Raine kagabi sa condo ko and to be honest kung hindi dumating si Joe may ngyare na sa amin. Hindi ko alam kung disappointed ako dahil walang ngyare sa amin or matutuwa ako dahil atleast walang pag sisi na ngyayare today.....

Wala nga ba??? tanong ng kunsensya ko. haaaaaaysh! Nakakainis hanggang ngayon she still has that power over me. She can still make me drool over her and lastly hindi ko makakaila na sobrang na miss ko siya. I can't get enough of her last night parang mauubusan ako ng chocolate kagabi, that's how much na gusto ko siya angkinin kagabi. Alam kong mali pero iba ang sinisigaw ng lecheng puso ko. I did not want to let her go. Mas gusto ko pa nga si Joe ang umalis at hindi siya. Sa tuwing maalala ko ang ngyare , hindi ko mapigilan ngumiti at kiligin.

OMG ANDRADA YOU ARE IN SOOOOOO MUCH TROUBLE!!!

I stood up from my chair, closed my laptop and turned off my desktop...I know too much comps... It's a CEO thing...then I realized san ba ako pupunta? I looked at my watch and it's already 8:30am, siguro naman andito na si Raine. Lalabas na sana ako ng opisina pero bigla ko naisip bakit ko naman siya pupuntahan? What am I going to tell her? I went back to sa harap ng table ko. Pabalik balik ako ng lakad, nag iisip ng sasabihin sa kanya. Do I apologise?

ANO BA NAMAN!?!? PARANG MAS MADALI PA MAG SARA NG BUSINESS DEAL KESA HARAPIN KO SIYA...

Nasa gitna ako ng pag iisip kung ano ang sasabihin ko kay Raine ng bigla pumasok si Sandy at may inabot na sobre. Tinignan ko ang sobre at tinignan ko si Sandy, bigla ako kinabahan ng hindi ko alam kung bakit.

"kanino galling toh?" sabay kuha ko sa sobre

"Kay Raine" matipid na sagot ni Sandy.

Binasa ko ang letter at bigla ako nanlamig. I crumpled it and threw it in the trash.

"Asan siya?"

"She just left." -Sandy

"Turn off the security camera in my elevator" utos ko kay Sandy at sumang ayon naman siya.

Dali dali akong lumabas ng opisina at pag labas ko nag aantay si Raine sa elevator. Malapit na ako sa kanya ng bigla ko narinig na nagbukas ang pinto ng elevator kaya tinakbo ko na ang pagpunta dito. Nagulat pa si Raine ng pinigilan ko ang pag sara ng pinto at pumasok ako sa loob.

Tahimik lang kaming dalawa. It's my private elevator, only people that are permitted to see me have an access to it kaya I know walang iistorbo sa amin. Bigla ko pinindot ang emergency stop.

"Bakit mo ginawa yun" inis na tanong ni Raine.

"Bakit ka nag resign?" inis naman na tanong ko sa kanya.

"I have the right to terminate my-"

"yeah yeah you know na hindi yun ang tinatanong ko! Ano ang tunay na dahilan bakit mo ako iniiwasan?! Is it because of what happened last night!?!" Galit kong tanong sa kanya. "Baka nakakalimutan mo ikaw ang pumunta sa condo ko at ikaw din ang may gusto na mag train under me and then now you're just going to leave!?! Ganon ganon lang yun?"

Tahimik pa din siya at naka yuko lang.

Sa sobrang inis ko sa kanya dahil ayaw niya mag salita hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat at isinandal ko siya sa elevator wall at mapusok na hinalikan, gusto ko malaman niya na naiinis ako sa kanya at galit ako dahil iiwan na naman niya ako sa ere.

IKAW NAMAN KASI ANDRADA HINDI KA PA NATUTO...singhal ng kunsensya ko.

Itinulak niya ako palayo sa kanya at sinampal..... Tinignan ko siya sa mga mata. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit ang sampal niya or the fact that she doesn't want to kiss me... Bigla ako nalungkot. I straighten my self at inayos ko ang sarili ko. I put on my poker face.

"Fine kung yan ang decision mo. I'm accepting your resignation and you don't need to work the 2 weeks. You can go now and don't ever ever come back again."

Tinalikuran ko siya at ng pipindutin ko na ang emergency stop para makalabas na ako ay hinawakan naman niya ang kamay ko at bigla niya ako niyakap. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"I'm sorry pero hindi ko lang kaya ang Makita na may ibang dahilan ang ngiti sa iyong mga labi at hindi ako yun. When I came back here in the Philippines I only had one mission and that is to get the love of my life back. Pero kung siya talaga ang mahal mo at masaya ka na sa kanya, sino ba naman ako para hadlangan ang kaligayahan mo. I'm letting you go Rhia....." Sincere niya pag kakasabi at alam ko naiyak siya dahil narinig ko ang paghikbi niya. Bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sa akin. Parang tinusok ng milyon milyong karayom ang puso ko nung narinig ko na pinapalaya niya ako.

Hinarap ko siya at niyakap.

"I never asked you to let me go. Ikaw lang naman toh alis ng alis...." bulong ko sa kanya. Pinunasan ko ang luha niya. "Aaminin ko nagalit ako ng iniwan mo ako noon because I went through hell pero hindi ko alam kung bakit kahit anong gawin ko" kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa puso ko "ikaw parin ang sinisigaw nito" Tinignan niya ako and smiled at me. Binigyan niya ako ng pinaka passionate and soft kiss, lalo ko siya niyakap. Ayoko na siya bitiwan baka iwan niya ako ulit.

Pag dating talaga kay Raine nawawala ang pride ko. Wala na akong pakealam pa sa sasabihin ng ibang tao basta ang mahalaga mahal ko siya at sa kanya lang ako tunay na masaya. We both smiled.

"Mahal kita" -sabi ni Raine sa akin habang nakatingin sa aking mga mata. Ramdam ko ang sincerity niya.

"I love you too Ms. Salazar" nakangiti kong sabi sa kanya at niyakap ko ulit siya ng mahigpit. "Mag reresign ka pa din?" nakangiti kong asar sa kanya.

"Shempre hindi na, dito lang ako noh babantayan kita." sabay kurot sa tagiliran ko. "Pano na si Joe?" siryosong tanong ni Raine.

"May dinner date kami tonight. I will tell him." Magkayakap parin kami.

"Gusto mo samahan kita?" -siryosong tanong ni Raine.

"No I can handle him..." ngiti ko sa kanya "Pano si Ken?" siryosong tanong ko.

"Hindi naman kami" -Raine

"Akala ko ba nanliligaw siya sayo?"

"Dati yun matagal na niya alam na friends lang turing ko sa kanya"

Bumalik na kami ng opisina ko at nakangiti naman si Sandy na sinalubong kami.







A/N: Pasensya na po at natagalan. Maraming salamat po sa mga nagbabasa at bumoboto and shempre sa mga nag cocomment.

Journey to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon