ch 14

4.8K 93 10
                                    

Riah POV

Kakahatid ko lang kay Raine galing bakasyon namin. Sobrang saya ko dahil tanggap kami ng family ko. The best talaga sila coz they always understand me and my situation. Kakahiwalay lang namin dalawa pero parang miss ko na agad siya. Miss ko na ung mga ngiti niya, ung boses niya at ang napaka sarap pakinggan na tawa niya. Kahit corny ang jokes ko tinatawanan niya. Napapangiti ako. Buo na ang plano ko, tatanungin ko na siya maging gf tonight baka makawala pa. I decided to text her.

My text to her:

"Hi gorgeous. I miss you. Tonight ah may date tayo. Pls be ready by 7pm. =)"

============= SENT ============

Tinawagan ko yung event coordinator na lage ko kinukuha pag may mga parties ako for business or for personal. I want tonight to be perfect for both of us, ngayon ko lang gagawin toh for someone. Bigla ko naalala si Ken. I need to tell my bff. I texted him and asked him if we can meet up for lunch and he said yes naman. I told him to meet me sa favorite namin italian restaurant sa Makati.

Tinignan ko oras 10am pa lang. Maaga pa may oras pa para mag freshen up, kaya umuwi muna ako para maka ligo at magpalit. Simple lang outfit of the day ko today para maiba naman. Pag tingin ko sa orasan 1130am na ang bilis naman ng oras 12pm pa naman usapan namin, ok lang un lage naman late un. Tinawagan ko na sila manong at sinabi ready nako at aalis na kami. Hindi ko naman talaga kailangan ng driver at security guard pero matagal na sila family friend they need a job so ito na lang hindi pa sila hirap.

Pag dating ko sa restaurant naka upo na sa fave namin spot si bff. He saw me right away at nag wave siya sakin. Bumeso ako sa kanya at tumayo naman siya para ipag hila ako ng upuan. Ganyan talaga yan gentleman. Bigla ako kinabahan parang ang saya kasi niya at alam ko malulungkot siya sa sasabihin ko sa kanya sana lang wala magbago between us. Nag palpitate ako bigla. Hinawakan ko dibdib ko at nagbuntong hininga.

"Ok ka lang?" -Ken. Bigla naging worried ang face niya.

"I'm fine, naka order ka na?" Pinilit ko sarili ko ngitian siya.

"Yes, i odered our usual. Is that ok with you?" -Ken

"Yup, thank you." Nginitian ko ulit siya. "Kamusta naman ang week mo? Is everything ok sa company? Pati secretary ko pinagbawalan mo mag report sakin. Pero salamat, i had a stress free one week vacation." Hinawakan ko kamay niya at pinisil pisil. Ngumiti siya sakin.

"Ano ka ba ano pa at naging mag best friend tayo kung hindi mo ko maasahan sa mga ganyang bagay and don't worry about your company everything is well. The expansion is going as planned. So what do you want to talk about na parang napaka importante ata?" -ken

"That's good to hear eh ikaw kamusta naman love life mo?"

"Okay naman ako, wag mo ko alalahanin. Ano ba yun gusto mo sabihin at parang hindi mo masabi sabi sakin?" -ken tinaas taas niya ung dalawa niyang eye brow at uminom ng juice niya.

Bigla naman dumating ang pagkain namin at kahit gano ito mukang kasarap parang wala akong gana.

"Can i have white wine pls." Sumang ayon naman ang waiter at umalis na.

"Aga naman wine niyan, kinakabahan nako ah ano ba un Andrada?" -ken habang mix niya ang carbonara niya.

Parang natuyuan ako ng laway, sakto naman nilapag ng waiter ang wine that i ordered kaya nilaklak ko agad ang kalahati ng baso. Here goes nothing. Bahala na si batman at superman.

"I like someone, actually no I'm inlove"

Bigla lumiwanag ang mukha niya at napaka lake ng ngiti niya.

Journey to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon