ch 32

4.2K 95 6
                                    

Raine POV

Naiinis ako today dahil nakaraan na naman ang isang linggo at hindi man lang kami nag kita ni Rhia sobrang busy kasi niya this week. Kaya andito kami ngayon ni MK sa fave coffee shop namin dalawa sa Tagaytay to chill and relax dahil Sabado na at hindi parin nagpaparamdam si Rhia, akala ko pa naman babawi siya this weekend katulad ng ginawa niya last time.  (Nag init ang pisngi ko ng naalala ko ang ngyare last weekend, hehe namula ata ako na parang kamatis.)

Nakaupo kami sa may tagong side ng coffee shop sa wala masyadong tao dahil nag smoke si MK ayaw daw niya may mag reklamo sa usok.

Raine: Haysh! Kainis talaga! Nakakunot ang aking mukha habang kinakamot ko ang aking ulo sa inis.

MK: Oh kala ko ba you understand her? Mahinahon naman pagkasabi ni MK after niya inumin ang kanyang mainit na kape.

Raine: Naiintindihan ko naman pero naiinis parin ako dahil ~ pinutol ni MK ang sasabihin ni Raine.

MK: Alam ko na yan na mimiss mo siya. Girl! nung isang araw mo pa yan sinasabi. Bakit ba kasi hindi mo siya puntahan? asan ba siya today?

Raine: May meeting daw siya.

MK: Sabado may meeting? nasobrahan naman ata sa sipag yang GF mo. Inumin mo na nga lang yang green tea mo at lalamig yan. Sarkastikong pagkasabi ni MK at sabay sindi niya ng kanyang yosi.

Raine: Akala ko ba you're trying to quit smoking? What happened? Mahinahon kong pagtatanong sa kanya pagkatapos ko inumin ang aking green tea at ibinalik sa lamensa.

MK: Akala ko din eh. Sabay buga ng kanyang usok na para bang isang taon na siya hindi nakakapag yoc. Ako ang na-sstress sayo Girl, try mo baka kumalma ka jan.

Raine: Ayoko matagal na ako nag quit diyan.

MK: Fine! suit your self. Huwag mo na lang kasi isipin si Rhia magkikita din kayo nun. Purket sinuko mo na ang Bataan na mimiss mo na siya!

Namula ako ng parang kamatis at naihagis ko tuloy sa kanya ang lighter niya.

Raine: hahahaha! Hindi kaya!

MK: hahahaha! anong hindi!?! bakit namumula ka jan?

Raine: Inggit ka lang!

MK: Makakahanap din ako! Si Ken kasi torpe ata!

Muntikan ko na maibuga yung green tea na iniinom ko.

Raine: You like him!?!

Gulat kong tanong sa kanya.

MK: Grabe ka naman parang kasalanan magkagusto sa bff ng GF mo ah.

Raine: Yaan mo ilalakad kita sa kanya.

MK: Itong ganda kong toh ako pa manliligaw!?!

Raine: 2016 na po pwede mo na gawin yan kesa naman mag intay ka na mag expire uterus mo bago ka pa kumilos. Ako bahala sayo. Mabait yun may pagka player lang noon pero sa tingin ko naman nag bago na siya ngayon.

MK: Hay naku girl ikaw bahala para dalawa naman tayo masaya hindi lang ikaw. Mag CR muna ako and mag refill ng kape. Ikaw gusto mo pa ba ng green tea or you want something else?

Tanong niya sa akin habang tumatayo sa kanyang pagkaka upo at pinatay niya ang kanyang yosi.

Raine: No, I'm good thank you. Bilisan mo na lang.

She nodded at me then went inside the coffee shop. Wala pang isang Segundo at lumabas na agad siya, ako naman ay nagulat dahil ang bilis niya.

Raine: sobrang bilis mo naman. akala ko ba mag restroom ka pa? asan na yung kape mo?

Journey to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon