Raine POV
Drive lang ako ng drive after ko takbuhan si Riah sa bar ni MK. Hindi din ako nakapag paalam kahit kanino, basta umalis lang ako. I just found my self parking my old red mustang car dito kung san nilibing si kuya. Umupo lang ako sa harap ng puntod niya. Dito ako napunta pag malungkot ako or pag gusto ko mag isip, kinakausap ko siya dahil before pa siya napatay close talaga kami. He was my protector and mentor.
Laging wala sila mama and papa before dahil inaasikaso nila ang negosyo na minana ni papa from lolo na palugi na at malapit ng magsara. Malake ang utang ng company that time pero kahit ganun hindi nagkulang ang magulang namin samin. Sa private school parin kami napasok and kahit na sa maliit na bahay lang kami nakatira mukhang maayos naman at malinis. Si yaya na ang kasama namin ni kuya simula pa ng bata kami. Si kuya naman ay tumayo na para kong magulang he was 7 yrs older than me.
"Hi kuya ummm sorry ngayon lang ako nakadalaw ulit. Naiinis ako sa sarili ko kuya kasi lage na lang akong failure." Hindi na niya napigilan tumulo ang luha niya na kanina pa pinipigilan.
"Sana ikaw na lang ang andito kasi I'm sure kung ikaw ang buhay ngayon you will exceed papa and mom's expectation. You will not be a failure like me. I'm sorry kuya" umiiyak na siya ngayon.
"Kuya hinalikan ko siya. I know mali dahil pareho kaming babae pero it felt so right. Anong gagawin ko kuya i really really like her, i dont know how, when and why pero i really do like her. Ngayon ko lang toh naramdaman, sa kanya lang. Pag nalaman toh nila mama at papa magagalit na naman sila at ma disappoint lang sila. What should i do kuya? Sana andito ka to tell me what to do." Pinahiran niya ang kanyang luha.
Nag stay pa siya ng mga dalawang oras sa puntod ng kuya niya. Nag kwento siya pano sila nagkakilala ni Riah, lahat sinabi niya at madidinig sa boses niya ang excitement at lungkot everytime na maalala niya ang magulang at ang iisipin nila.
Pag uwi niya sa bahay ay diretso kwarto na siya. Nag ready na siya matulog. Pag higa niya sa kanyang kama naalala niya ang ngyare kanina sa bar. Hinaplos niya ang kanyang labi at ngumiti. Kinikilig siya everytime na naalala niya ang halikan nila at ang yakap sa kanya ni Riah. Hindi niya akalain na mahahalikan niya ang tao matagal na niyang gusto pero bigla siya natakot dahil naalala niya kung sino yung nakakita sa kanila. Naisip din niya bakit kaya siya hinalikan ni Riah and she decided to go to her office on Monday to talk to her at tuluyan na siya nakatulog.
>>>>>>>>> Monday <<<<<<<<<
Pagkagising ko tumayo agad ako at naghanda sa pag punta sa office ni Riah at dadalhan ko din siya ng fave sandwich niya na lage ko dinadala before nung P.A niya pa ako. Habang nag ddrive ako papunta sa office niya kinakabahan ako actually kanina pa ako nervous naka ilang palit ako ng damit para akong trumpo na hindi mapakali and finally i just decided to wear something simple a pink floral dress and a white dolce and gabana sandals and light make up.
Pag park ko i breathe in breathe out parang yung pinapractice pag nag yoga "kalma lang....." sa ibang panahon effective siya pero bakit ngayon hindi. Kahit anong gawin ko kinakabahan parin ako. Pano kung sabihin niyang wala lang yun or it was just a kiss what did i expect or waaaah!!!!! Nakakainis!
Ting!!!
Elevator door opens.
I walked towards Sandy her secretary. As usual busy siya sa desk niya ang daming folders na naka kalat sa desk niya.
Lub
Dub
Lub
DubBreathe in breathe out.....
Kalma lang si riah lang yan....act normal....
Hellooooo si riah nga ang taong gusto mo! Bwisit na isip toh!
"Hey Sandy! Musta na" nagulat pa siya ng nakita ako. Napaka magugulatin talaga niya sinabi ko na kasi magbawas sa kape.
"Oh hey Ms. Salazar may appointment ka ba?" -Sandy
"Ah wala ummm naisipan ko lang na bisitahin kayo eto nga pala sandwich.... busy ba boss mo?" -sabi ko kay sandy habang nakangiti.
"Wala siya dito and she told me na hindi daw siya papasok for the whole week si Mr Ken lang nandito. Do you want to leave a message or tell her na dumaan ka?" -Sandy
"No it's okay....ummm did she tell you kung asan siya and if she's fine?" -raine
"Hindi eh sorry pero thank you dito sa sandwich mo hindi pa ako nag breakfast eh" -Sandy
"Wala yun ikaw pa. Sige daan na lang ako next time. Thank you din."
"Ok. Ingat"
Nagmamadali akong umalis at pag sakay ko sa kotse ko i decided to look for her. Hmmmm san kaya nag punta yung tao na yun?
Ring! Ring! Ring!
"Hello? Oh Mk what's up?"
"Anong what's up? You have explaining to do young lady bigla ka nawala nung opening ko!?!?"
Grabe tong bff ko kung makasigaw nakakabasag ng eardrum.
"Sorry na bigla lang sumakit ang tiyan ko." I know it's a lame excuse but what am i going to do hindi ako prepared sa tawag niya.
"Bakit? Nakakasakit ba ng tiyan ang halik ni Riah?!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig, bigla ako kinabahan.
Oh shoot she's the one who walked in on us. Caught in the act pala kami pano ko toh lulusutan pero atleast siya lang nakakita samin."Ummmm ah eh hindi ako yun noh i didnt even see her that night andun pala siya....." sana makalusot.
"Hoy Alexandria Raine Salazar wag mo ko lokohin at wag ka magsinungaling. Pumunta ka dito sa bar ko at mag explain ka pa"
Yun lang ang sinabi niya at binaba na niya ang telepono. Sinunod ko na siya dahil mas nakakatakot pa siya sa mama ko pag nagagalit lalo na at ginamit niya ang complete name ko. Pag dating ko sa bar niya dumiretso nako sa office niya. Hindi narin ako kumatok, she's expecting me naman na and there she is busy sa mga paperworks niya.
"Seat." She said with a stern voice, feeling ko tuloy nasa principals office ako. Napalunok ako pag upo ko.
"Explain." Sabi niya hindi parin siya natingin sakin galit ata siya sakin. Haysh kung bff ko palang magagalit na pano pa kaya sila mama.
"Ok... I get it... Mali yung ginawa ko pero -" she cut me off at ngayon lsng siya tumingin sakin.
"Ganyan ba tingin mo sakin? Na hinusgahan kita? Na makitid utak ko.... Na galit ako dahil same sex kayo? I don't care about that... nag tatampo ako dahil hindi mo man lang sinabi sakin kung hindi pa kita nahuli hindi ko pa malalaman. Look tanggap kita kahit sino pa ang magustuhan mo lalake man or babae, basta mahal ka din niya at aalagaan ka then I'm okay with that and sa looks of it naman gusto ka niya" pagkasabing pagkasabi niya nun para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at ang kanina ko pa pinipiglan na luha ay tumulo na and now it's because i'm happy and relieved coz i know na naiintindihan ako ng bestfriend ko. Tumayo siya at niyakap ako from my side.
"Thank you best. Hindi naman sa hindi kita pinagkakatiwalaan i was just scared and confused. Siya ang unang babae na nagustuhan ko and i tried not to like her i tried dating men pero wala talaga siya talaga gusto nito (tinuro ko dibdib ko) and sorry for not telling you right away." Nginitian ko siya habang pinapahiran ko ang luha ko.
"So ano na plano mo? Pagka alis mo nagpaka lunod sa alak yung minamahal mo." -MK
"Nag lasing siya? I need to go and see her. Kailangan ko mag explain." -Raine
"Oh eh ano pa hinihintay mo. Go na! Go get the love of your life!!!" Sabi ni MK sakin sabay wink.
Dali dali akong tumayo at niyakap ko siya ng mahigpit at nag pasalamat ulit ako tapos tumakbo nako papunta ng kotse ko. Pinaandar ko na ang kotse ko papunta kung nasaan ang my labs ko. Hintayin mo lang ako my labs padating na ako hehe.....
A/N: Salamat po sa lahat ng nagbabasa. Kahit ano pong suggestions ay tinatanggap ko. Pwede din po kau mag vote.
BINABASA MO ANG
Journey to your heart
AcakCredit to the owner of pictures. girlxgirl story po ito close minded people can leave open minded people pls enjoy hindi din pwede sa mga super batang readers sa isip bata pwede pa. Lahat po ito ay isang kathang isip lamang. Pasensya narin po first...