Chapter 5

5.8K 98 1
                                    

Ken POV

Nakaupo si Ken sa silya niya sa opisina niya at kakatapos lang niya kausapin sa telepono ang bestfriend niya. Nag-aalala siya dito dahil never naman ito umuuwi ng maaga unless masama talaga ang pakiramdam pero ng nakausap naman niya ito she sounded fine. Natahimik na ang kanyang loob after nila mag usap. Ako nga pala si Kenneth James Anderson kagaya ni bestfriend hindi din ako galing sa mayaman na pamilya.

KayRiah ko utang ang lahat ng meron ako ngayon pati kung ano meron ang pamilya ko. Hindi niya ako kinalimutan nung nakaka-angat na siya, binalikan niya ako at tinulungan ako iahon sa hirap pati ang parents at kapatid ko. Kaya lahat gagawin ko for her. Niligawan ko din siya dahil sino ba naman ang hindi maiinlove sa kanya super bait, matalino na at napaka ganda na pero ako daw ang kapatid na never siya nagkaron. Naisipan ko puntahan ang secretary ni Riah para icheck kung may kailangan ako gawin for my bestfriend and para narin ilagay sa desk niya ang resulta ng investigation sa anak ni Mr. Salazar, siyempre may kopya din ako at nabasa ko na. Pwede ko naman siya tawagan pero I want to see her maganda kasi siya at malake ang hinaharap hahahaha umiral na naman ang pagka player ko. Wala pa akong sinisiryoso na babae kaya tama narin na binasted niya ako kasi baka pati ang bestfriend ko paiyakin ko din, she doesn't deserve any of that.

Bumukas ang elevator door sa floor ng office ni bff, I was walking towards sa desk ng secretary niya at napansin ko na may dalawang babae ang nandun. Siya siguro ang anak ni Mr. Salazar. Nakatungo siya kaya hindi ko maaninag sa kalayuan ang muka niya pero pag lapit ko yung secretary lang dapat ang kakausapin ko pero ng tiningala niya ako dahil napansin niya na nasa harapan na nila ako. Napatigil ako sa sinasabi ko sa secretary ni Riah, dahil super ganda ng katabi niya. Napaka inosente niya tignan. Napatitig lang ako sa kanya, parang nagging dry ang bibig ko, binuksan ko ang aking bibig pero walang words na nalabas.

Bigla bumilis ang tibok ng puso ko, ano toh nararamdaman ko para akong nagpalpitate. Never naman ako na tameme sa harapan ng kahit na sinong babae. Mag salita ka bobo, nag hi sayo ang pinaka magandang nilalang sa harapan mo HELLO!?!?! SPEAK UP ANDERSON!?!?!

"Hi Sir Ken" Nag wave ng kamay sa harap ko ang secretary ni Riah. Ano ba nag mumuka akong tanga at pinakilala niya sa akin si Alexandria Raine Salazar. Ngumiti sakin si Raine at nilabas ang kamay para kamayan ako. Lumipas pa ang ilang Segundo bago ako nakagalaw at nakapag salita.

I cleared my throat bago ako nag salita. "Hi Ms. Salazar. Welcome to our company" at kinamayan ko siya. Ang lambot ng kamay niya. "Kamusta naman ang orientation day mo?" Nakangiti ako sa kanya.

"Medyo palpak na late kasi ako, nagalit tuloy si boss." Nag pout niyang sabi.

Omg nag pout pa ang cute niya tignan muka siyang bata, natawa ako hindi ko na napigilan. "huwag mo masyado pinapansin yung boss mo ganon lang talaga yun, bumawi ka nalang bukas."

"What can you suggest para naman makabawi ako sa kanya?"

"Huwag kang ma-late haha" natawa kong sinabi sa kanya pati siya natawa din.

"Alam ko na yun pero meron pa bang iba ako pwede gawin para mawala yung first impression niya sa akin. Gusto ko malaman niya na siryoso ako sa pag work ditto para naman matuwa si papa"Siryoso sinabi ni Raine.

"aaah yun ba, every morning pag timpla mo ng kape hindi na iinit ulo nun sayo" Parang na excite naman siya sa sinabi ko kasi nagkaron siya ng pag asa na gumanda ang papel kay Riah para narin siguro maganda ang ireport sa kanyang ama.

Ito ba ang sinasabi nila na spoiled brat at lage napapa away sa bar? Eh mukha siyang mahinhin at inosente. Looks can be deceiving talaga but I like her wow like na agad wala parang isang oras mo palang siya nakaka usap like na talaga. Baka pwede ko siya mapatino natawa ako sa naisip ko. Ako nga hindi matino siya pa patitinuin ko. Ilang minutes pa kami ng kwentuhan pero nag paalam narin ako para makapag work na ulit at para naman hindi niya mahalata na may gusto na agad ako sa kanya pero dadating din tayo diyan.

"Salamat ha sa mga tips mo para hindi na ako mapagalitan."

"wala yun. Welcome ulit sa company namin and we are lucky to have such a beautiful creature here in our office. I am looking forward to get to know you better and to work with you Ms. Salazar." Nakangiti kong sinabi sa kanya then I winked at her.

Sinuklian din naman niya ang ngiti ko na yun ng isa pang matamis na ngiti niya.Tinignan ko pa siya ulit bago mag sara ang pinto ng elevator. Pag balik ko sa office ko I texted Riah right away.

"Psst! Bakit hindi mo sinabi sakin na andiyan na pala anak ni Mr. Salazar. Infairness maganda siya." -Ken

"Hay nako Ken pwede ba wag mo na siya isali sa flavor of the month mo, baka imbes na mapasaya natin ang ama niya eh isumpa tayo nun pag nalaman na nilalandi mo" - Riah

"Bakit naman eh single naman ako and ready to mingle single siya and best baka siya na ang magpapatino sakin hahaha! Kamusta ka na nga pala?" - Ken

"Hay nako basta wag siya. Im okay naman pauwi na ako galing tagaytay and magkikita kami ni Joe" - Riah

"Aba aba kumain ka sa restaurant ni tita hindi mo man lang ako isinama!?!?! HMPPPP!!! nakakinis ka namimiss ko na sila ang ang sisig na bangus ng tita mo!!!! Ano ba kasi problema mo? At akala ko ba masama pakiramdam mo bakit lalandi ka pa? MATULOG KA NA!!!." -Ken

"May binili na akong mga fresh fruits for you papadala ko na lang kay manong driver diyan sa condo mo. Im fine at walang problema I guess pagod lang ako, I wanted to relax. You know naman tao din may pangangailangan hahaha" - Riah

"hahaha kaya kita bestfriend eh may tinatago Karin pagkasira ng ulo at kalandian manang mana ka. Oh siya sige balitaan mo na lang ako bukas. Papasok ka naman bukas diba?" - Ken

"Yes ofcourse sige kwentuhan na lang kita bukas. Ingat" - RIah

"sige galingan mo hahahahahaha ingat din." - Ken

Bumalik na ako sa pag work after naming mag text. Pero napapatigil ako at napapa day dream dahil bumabalik ang imahe ng mukha niya sa utak ko at naalala ko ang conversation naming kanina hindi ko mapigilan matawa at mapangiti. Hmmmm ano ba ito? hay nako pero ayaw ni best friend ligawan ko siya pero gusto ko siya at wala pang babae na tumatanggi sakin si bestfriend palang pero hindi counted yun kasi wrong move yun. Haaay parang ngayon ko lang ata susuwayin ang sinasabi ni best sakin, bahala na basta I want her.








pasensya na po at short lang po ito. Thank you po.

Journey to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon