chapter 8

5K 89 0
                                    

Raine POV

It's been days since I saw her, Monday pa yun nung nagkita kami sa office niya at dumating naman si Joe para agawin siya sakin ng araw na un. Hmmm pero hindi naman pwede agawin ang hindi sayo diba!? Friday na ngayon and i didn't do anything the whole week but to stay here in my room at hindi man lang siya tumawag sakin para mangamusta. Parang wala akong lakas lumabas ng bahay or gumawa ng kahit na ano. Ewan ko ba simula nung nalaman ko yung sa kanila ni Joe parang nalungkot ako, hindi ko alam kung bakit. Si Sandy lang tumawag sakin yung secretary niya to let me know na okay na yung business proposal na pina review ko kay Riah at hinatid naman sakin yun ni Ken. Nakilala tuloy siya nila papa at pinaalam pa niya na manliligaw siya sakin, may dala pang bouquet of flowers. Ano ba ang meron sa bulaklak at napakahilig nila mag bigay nun hindi naman nakakain yun, hahahaha! Hindi lang siguro ako mahilig sa flowers.

I know naman na nag aalala din sakin sila mama kasi wala na ako ginawa kung hindi magkulong dito sa bahay pero ano magagawa ko nalulungkot ako. Bigla na lang bumukas ang pinto ko at nagulat ako kasi andito si MK remember her from chapter 2 siya yung bestfriend ko. Ayos ah hindi man lang nakatok.

"Ano ginagawa mo dito? Parang wala naman tayo usapan na magkikita tayo? at bakit hindi ka man lang nakatok huh?!?! eh pano kung nakahubad pala ako dito eh di nakita mo na ang lahat lahat ko !?!" singhal ko sa kanya

"Pano naman tayo magkakaron ng usapan eh hindi ka nasagot ng tawag ko!?! akala ko kung ano na ngyare sayo. Pati sila tita nag-aalala na. Ano ba problema mo??" sita naman sakin ni MK. Take note nakapamewang siya at para siyang nanay na galit na galit sakin hahahaha nakakatawa itsura niya.

"lumabas ka muna at kumatok ka then i'll tell you" sorry may sapak lang ako.

"alam mo ikaw hindi ko alam kung bestfriend kita.....para kasing maluwag na yang turnilyo mo sa utak, paki higpit higpitan din pag may time pls!!!" ang dami pa sinabi ni MK pero lalabas din naman pala siya at kakatok.

TOK!

TOK!

TOK!

"PASOOOK!!! HAHAHAHAHAHA KUNG AKO SIRA ULO IKAW UTO UTO HAHAHAHAHA!!!" pagkasabi ko nun ay hinampas niya ako tas umupo siya sa tabi ko at bigla naging siryoso ang mukha niya. Ayan na siryoso na si bff ko.

"hindi nga best ano ba problema mo?" concern na sabi niya.

tinignan ko lang siya at nag iisip ako. Ano nga ba problema ko? Dahil lang dun sa nalaman ko about Joe and RIah eh nalungkot na ako at ganon ba ako kalungkot para magkulong dito sa bahay for a week?? obviously you are that sad sagot ko naman sa sarili ko.

"Ewan ko best hindi ko rin sure kung bakit. Parang may nag iba sakin pero hindi ko alam kung ano." tumalikod ako sa kanya at niyakap yung unan ko. Bigla ako naiyak haaaaay peste ka Raine why are you crying just because of her seriously you are crying because of a woman....SERIOUSLY!?!? Kasi naman ni hindi man lang niya ako itext or tawagan, friends naman kami dba? exactly friends lang kayo wala siya obligasyon sayo. Nag tatalo ang isip ko ng niyakap ako ng bff ko.

"Oh sige best if hindi ka pa handa sabihin andito lang ako, just call my name and I'll be there" natawa kami sa sinabi niya. Pinahiran naman niya yung luha ko, para tuloy akong bata na humihikbi pa. Hindi ko talaga alam kung pano ako kung wala tong bff ko, para ko na siyang kapatid.

"Thank you best" yun lang sinabi ko sa kanya at ngumiti na ako.

"halika dun sa baba best, may dala akong" hindi ko na siya pinatapos. Tumayo na ako at tumakbo papalabas ng room ko. Tuwan tuwa ako kasi alam ko na kung ano yung dala niya eh di ano pa yung paborito kong....

"IIIICEEEE CREEEAAAAAAAAAM!!!!!" sigaw ko hanggang sa makakababa ako papunta sa dining area at nakita ko si manang hinahanda niya yung paborito ko na pasalubong ni bff. Sinabi ko na ba na spoiled ako dito kay bff at mahal na mahal ko siya dahil dun hahahahaha! Siyempre favorite flavor ko yung dala niya mocha ice cream hehe. Nag bago bigla timpla ng mood ko. Bipolar ata ako.

"Ice cream lang pala makakapag pasaya sayo at talagang iniwan mo pa ako" nakangiti niyang sinabi sakin at tinapik pa ako "hoy mag hintay ka naman!!!" ngumiti lang ako sa kanya at sinubo ko na yung ice cream.

"MMMmmmm! Sarap! Thank you best! ikaw naman kasi ang bagal mo para kang si pong pagong hahahahahaha" sabi ko sa kanya. hahahaha okay na ako for now.

"Nga pala isa pang reason why I'm here is to invite you. Today is the grand opening of my bar. There will be a live band and if you can sing also, it would be a wonderful gift to me too." sabi niya sakin ng napaka laking ngiti at nag puppy eyes.

"Aaaaaah so kaya ka pala mabait at dala mo pa tong favorite ice cream ko dahil may favor ka hihingin. Akala ko naman na miss mo ko, hay nako ayoko na nga nito." Pag ddramang sabi ko. Tatayo na sana ako ng bigla niya ako hinila paupo.

"Tigilan mo nga ako Alexandria Raine Salazar andito ako dahil namiss kita. Andito ako dahil nag aalala ako sayo at andito ako dahil para ipaalam sayo na buhay pa ako si Mary Kate Dela Cruz na bff mo since bata pa tayo. Kaya wag ka mag inarte diyan at ubusin mo yang ice cream mo tapos pupunta tayo ng mall to shop for your outfit tonight ng masilayan ka naman ng araw ang putla putla mo na." ang haba ng sinabi niya noh nagbibiro lang naman ako.

"Grabe ka naman sa litanya mo MK nag joke lang naman ako. Dahil mabait akong kaibigan sige payag na ako kumanta later" tas naging siryoso ako at hinawakan ko braso niya at tinignan sa mata "best sorry ah hindi ako nagpaparamdam, I miss you and thank you ulit" tas nag puppy eyes din ako.

"OO na alam mo naman hindi kita matitiis." Sabi ni MK sakin.

After naming kumain ay nag bihis na ako para mag punta kami ng mall to shop for our outfits tonight. Bakit nga ba ako nalulungkot diba so I decided to have fun tonight. Ako narin ang bumili ng outfit ni MK pambawi sa hindi ko pagpaparamdam ng 1 week. Kung ako ice cream ang kahinaan siya naman shopping kaya tuwang tuwa siya. After namin bilin ang buong mall joke hehe nagutom kami kaya dun kami kumain sa fave namin resto. Kwentuhan at tawanan lang kami as usual. Hinatid ko na siya and she reminded me for tonight sumang ayon naman ako and i told her that im coming. She kissed me sa cheeks bago pa siya bumaba ng kotse ko.

Pag dating sa bahay napagod ako so i took a nap maaga pa naman mamaya pa yung grand opening niya. Nag pa alarm narin ako dahil baka ma-late pako later lagot ako kay bff. Nagising nako ng kusa, nauna pa ako sa alarm clock. Pagkagising ko i went straight to my bathroom to take a shower. After ng one hour and 30 mins ready nako, shempre kailangan todo ayos rarampa ako tonight. I need to have fun tonight. I look myself sa mirror and then left with a smile on my face. Tonight will be a good night.

Journey to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon