chapter 12

4.8K 135 4
                                    

Riah POV

Na-alimpungatan ako, it took me awhile to realize na wala ako sa kwarto ko at biglang bumukas ang pinto at niluwa ang mala anghel na si Raine hmmmm nanaginip pala ako akala ko gising na ako. Kung panaginip ito sana hindi na ako magising. I'm sure it's a dream pano naman niya malalaman kung nasan ako, wala naman ako pinagsabihan na uuwi ako dito sa Tagaytay. Ganito ko ba talaga siya ka-miss that even my subconsious is wanting to see her and now my brain is playing tricks on me. She's here in my room. Umupo siya sa tabi ko, nginitian niya ako. Haaaay ang ganda niya kung ganito lage ang panaginip ayoko na magising. Dito ko na lang siguro sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko, panaginip lang naman eh kahit dito magpakatotoo ako.

She was going to say something pero pnigilan ko siya nilagay ko ung isa kong daliri sa mapulang labi niya. Kung pwede lang halikan lage ang mga malalambot na labi na yan ay gagawin ko. Ngumiti ako sa kanya. Nakahiga pa din ako.

"Sssshhh, it's okay i understand naman kung bakit ka tumakbo and sorry kung nabigla kita hindi ko lang napigilan dahil sobrang miss kita tapos nagselos pako kay Ken. Since panaginip lang naman toh i will admit na i like you...... i really really like you and believe me i tried to stop it pero hindi kaya ng powers ko. Sorry for kissing you the other day. Sorry for liking you." Hinawakan ko siya sa kamay. It feels soft, warm and real. Hindi parin siya nag sasalita nakangiti lang siya and the unexpected happened.

She kissed me on my lips. Buti na lang panaginip toh kasi hindi pako nag tooth brush. I thought she would just walk away again after ko sabihin sa kanya ang nararamdaman ko but here she is kissing me. Napaka lambot ng mga labi niya, tastes like cherry. Tumugon ako sa mga halik niya. Malumanay lang hindi nagmamadali hinayaan ko lang siya and then her naughtyness came out coz she bit my lower lip.... wait masakit yun ah and i stopped and pushed her away softly. Tinignan ko siya at kinapa ang mukha niya. Teka lang bakit parang totoo.

"Will you pinch me?..... Pls!" Nag pls nako kasi mukhang aangal pa siya. Kinurot niya ang mukha ko.

"Ouch!!!!" - Riah

"Sorry nasaktan ba kita sabi mo kasi kurutin kita nggigil tuloy ako haha!" -Raine sabi niya habang hinihimas ko ang pisngi ko na kinurot niya. Masakit yun ah.

"Wait.... totoo toh hindi ito panaginip? Andito ka?????" Nataranta ako at bigla at tinakpan ang bibig ko omg morning breath at hinalikan niya pa ako. Omg at sinabi ko sa kanya na gusto ko siya. Bigla ako namula na parang kamatis.

"Ano ginagawa mo dito? At pano mo nalaman andito ako and sino nagpapasok sayo???"

"Hahaha ang cute mo pala pag namumula ka. Yes I'm real and you're not dreaming. To answer your question pinuntahan kita sa office and Sandy told me na nag day off ka tas MK told me na naglasing ka sa bar niya so i figured na andito ka, dito ka lang naman napunta pag gusto mo mag isip or pag malungkot ka and Tita mo nagpapasok sakin." Nakangiti lang siya ng pagkalake lake. Namumula parin ako, nararamdaman ko na nag iinit ang mga tenga ko sa sobrang hiya. Omg i just confessed sa kanya.

Tumayo ako bigla at pumasok sa banyo. Nag tooth brush ako at nag ayos. Narinig ko siyang natawa. Kainis! Ano na ang mukhang ihaharap ko sa kanya ngayon!?!? Pero wait she kissed me..... inayos ko ang buhok ko, tinali ko na lang para malinis tignan. Nakakahiya naka black sando lang ako at white short, naka pambahay lang ako. Lumabas ako at nakita ko siya na nakaupo sa bean bag at bigla siya ngumiti sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang aga aga mo naman mang istorbo." Kailangan ko mag sungit para hindi ako lalo mapahiya. Omg pwede nako lamunin ng lupa ngayon.

"Pssssh istorbo eh hinalikan mo na nga ako" - natawang sabi ni Raine.

"Hoy fyi ikaw ang humalik!!!!" Namumula na naman ako and this time sa inis. Inisin ba naman ako, hindi pa nga ako nakakapag kape. Sabi nga nila mag biro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising. "Ano ba kasi ginagawa mo dito!?!?" Nakataas parin kilay ko at nakapamewang pa pero hindi umuubra ang pag susungit ko dahil hindi mabura ang ngiti niya sa napaka gandang mukha niya. BWISET!!!

"Okay im sorry i did not come here para inisin ka. Im here to say sorry at magpaliwanag." Sincere na sabi ni Raine.

"Ano pa ipapaliwanag mo eh halata naman na ang pinahiwatig mo" tumalikod ako dahil baka makita niya na naiiyak ako. Ang sakit sa puso pag naiisip ko na wala siyang gusto sakin. Nagulat na lang ako ng naramdaman ko niyakap niya ako habang nakatalikod ako sa kanya and i can feel her breathing sa neck ko.

"I know and Im sorry. Nabigla lang ako. Natakot... pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi kita gusto." I think my heart skipped a beat when she said that at iniharap niya ako sa kanya and she cupped my face with both of her hands.

"Gusto din kita" nakatingin siya sa aking mga mata. Hindi ko alam ang sasabihin ko, naramdaman ko na lang na kusa na ako nangiti and this time tinignan ko ang mga labi niya at ang mga mata niya. Nakapikit na siya at nag hihintay sa susunod kong gagawin. Dahan dahan kong nilalapit ang aking mukha sa kanya para muli ko matikman ang kanyang mga labi at ng malapit na bigla na lang may kumatok.

TOK! TOK! TOK!

Nagulat kami bigla pareho kami nataranta at naghiwalay kami. Umupo ulit siya sa bean bag at ako naman ay umupo sa kama.

"Ate kakain na ng agahan, pinapatawag kayo ni mama" tawag samin ng aking pinsan.

"Oo sige baba na!!!" Kainis ayun na eh mahahalikan ko na ulit eh naudlot pa.... istorbo naman at bigla nag ingay ang tiyan ni Raine at pareho kami natawa.

"Halika na at mukang nag proprotesta na mga alaga mo hahaha" nilapitan ko siya at nilahad ang aking kamay sa kanya para matulungan ko siya tumayo. Kinuha naman niya ito at pag tayo niya hindi ko na binitawan at bagkus ay hinalikan ko ang likod ng kanyang malambot na kamay. Tinitigan ko siya sa mga mata bago ako nag salita. Hindi ako makapaniwala na gusto niya din ako. Parang kahapon lang na naiisip ko na wala ng pag asa pero ngayon heto kami magkasama at magkaholding hands pa. Ibang iba na ako ngayon at yun ay dahil sa kanya.

"Look....it fits" sabi ko habang nakatingin sa aming mga kamay at pag tingin ko sa kanya ay nakangiti siya. Ang sarap pala ng feeling ng ganito ang hawak mo ang kamay ng taong mahal mo. I can get used to this.







A/N: kilig moments muna. Hahahaha!


Journey to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon