Chapter 3

6.7K 168 9
                                    

Riah POV

Habang busy ako na nag aasikaso ng mga papeles narinig ko na nag bukas ang pinto at pumasok sha. Naririnig ko ang ingay ng heels niya papalapit sa desk ko, hindi parin ako tumitingin sa kanya.

"You're late Ms Salazar!" sabi ko tiyaka pa lang ako tumingala at tinanggal ko ang ang aking reading glasses para Makita ko ang spoiled brat ni Mr Salazar. I was stunned ng nakita ko sha. Parang nag slow motion ang paligid, may sinasabi sha pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Wala akong maisip kung hindi ang ganda niya, para akong may kaharap na isang anghel. Namatay ba ako ng hindi ko nalalaman at may kaharap akong anghel ngayon parang nasa opisina ko parin naman ako tumingin pa ako sa paligid ko para makasigurado para lang akong tanga.

Nag sungit na lang ako para hindi niya mahalata na wala akong naintindihan sa sinabi niya. "I don't care Ms. Salazar about your nonsense reasons on why you're late. If you will work for me you always need to be on time at isa pa ayoko sa taong tatanga tanga ngayon pa lang sinasabi ko na. You may sit." sabi ko sa kanya. Ngumiti lamang sha at umupo. Bakit ba ganito ang iniisip ko ang sexy niya at ang ngiti na yun nakakatunaw. I had to turn around kasi baka Makita niya na napangiti din ako. Ano ka ba Riah, ayan ka na naman hindi pwede toh tuwid ka diba. Narinig ko na lang sha nag sorry ulit.

Humarap na ulit ako sa kanya "Since it's your first day palalampasin ko ang pagiging late mo. I know you're here by forced, I just want you to know I don't really care sa business nio mag ama. You will work for me as my personal assistant bibigyan kita ng sweldo at every week bibigyan ko ng report ang ama mo as he wish regarding your work performance. Now, it's either you will make it easy for you or you will make it harder. I will treat you like my other employee, no special treatment. Do we understand each other? Do you have any question?" Sa haba ng sinabi ko na yun hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil baka mawala ang iniisip ko. Buti na lang hindi niya nakita na tinignan ko sha mula ulo hanggang paa.

May ganito palang nabubuhay na nilalang sa mundong ito. Hindi ko maintindihan toh nararamdaman ko bakit ba gandang ganda ako sa kanya. Madami naman ako kakilala mga models or artista at iba pang magaganda pero sha yung itsura niya yung kagandahan niya hindi nakakasawang tignan. Naka dikwatro sha sa harapan ko at nag iisip ng maitatanong sakin, ang sarap niyang titigan.

Nawala ang iniisip ko ng narinig ko sha nag salita. "Ummm magkano ang sweldo ko in one month?" mahinahon at nakangiti niyang tanong.

"10,000 pesos at pag na late ka bawas yan sa sweldo mo." sabi ni Riah. sobrang simple lang ng outfit niya pero ang lakas ng dating. I cleared my voice bago mag salita ulit "and always be wearing casual but if we have a meeting wear something formal. Kunin mo na sa secretary ko lahat ng appointments ko, I want you to know them by heart and paki timpla narin ako ng coffee." yun lang ang sinabi ko at bumalik na ako sa ginagawa ko pero isa or dalawang minute pa ang nakalipas at nakatingin lang siya sakin parang nagiisip sha "Ano pa ang hinihintay mo get up and start working!" pag susungit ko sa kanya.

Tumayo sha at pinag timpla ako ng kape. "Panong timpla ba ang gusto mo sa coffee mo" tanong niya sa akin.

"3 creamers and 3 sugars" tipid na sagot ko. I'm trying to concentrate sa ginagawa ko pero hindi ko magawa, pasulyap sulyap ako sa pag gawa niya ng kape. Parang natural na natural sa kanya ang ginagawa niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko tanungin sha "Are you a coffee person or do you prefer tea?" Natanong ko na bago ko pa namalayan ang ginagawa ko. At kelan ka pa nag start ng conversation sa isang empleyado Azariah Candice Andrada pag tatanong ko sa sarili ko.

"I love coffee, I also drink tea but not so much" nakangiti niyang sinabi.

"Magkape ka narin before you start working, para buo ang umaga mo." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun sa kanya pero halatang nabigla siya sa sinabi ko.

"Thank you pero wag na nakakahiya naman." Pag tanggi ni Raine sakin.

Tumaas ang kilay ko, wala pa natanggi sakin pasalamat nga siya at inaalok ko pa siya. Umiral ang pagkasungit ko tuloy "Who said that you can say no to me? Isa pa sa ayoko ang hindi nasunod sa sinasabi ko. You are here to work for me so that means you will do everything I tell you to do. " I snapped at her.

"Okay salamat" tumaas din ang kilay niya at mejo pagalit niyang sagot. Natawa ako sa sarili ko, umiiral na ang pag ka spoiled brat niya. I am sure never pa toh nautusan ng kung sino lang.

"Galit ka ba Ms. Salazar?" Pang aasar kong tanong sa kanya in a masungit tone of voice parin ofcourse.

"No mam" matipid niyang sagot at nakita ko siya kumuha pa ng isa pang mug para sa kape niya. Ng natapos na niya timplahin ang aking kape naglakad siya papunta sa desk ko, bakit parang ang sexy niya maglakad para shang model na rumarampa sa entablado. Hindi ko namalayan na nakatitig pala ako sa kanya.

"Ito na po ang kape niyo mam" sabi niya habang nilalapag niya ang kape ko sa desk ko at nakangiti shiya. Nahalata niya kaya ang pag check out ko sa kanya. Grrrr I have to stop this! sabi ko sa sarili ko. Pagkalapag niya ng kape ko tumalikod na sha at naglakad ulit papunta sa coffee table. Last check out na toh I swear dahil nakatitig ako sa kanyang butt, infairnes she has a nice butt hindi ko mapigilan ang ngiti ng aking mga labi buti na lang nakatalikod sha.

"Thank you" Mahina at matipid kong sagot sa kanya. This will be an interesting 3 months, I need to behave. Bumalik na ako sa aking ginagawa.

"Lalabas na ako para makausap ang secretary mo. Salamat dito sa kape." Nakangiti niyang sabi, yun lang at umalis na sha. Narinig ko na bumukas at sumara ang pinto ko. Napasandal ako sa upuan ko at napabuntong hininga ng malalim.

Haaay hindi toh pwede Riah hindi ba matagal mo na sinara ang puso mo kung sa kahit na sinong tao. You need to shake this off and just remember she is here for you to get the most important account for your company. Focus! Focus Riah!!! Kailangan ko lang siguro ng boy toy ko.

Tinawagan ko si Joe ang halos 3 months ko ng FUBU, nanligaw din sha sakin pero hindi ko talaga sha gusto ng pang siryosohan hanggang FUBU lang sha. Madami nag ttry na manligaw sakin pero sa umpisa pa lang hindi ko na sila pinapansin, wala akong panahon sa pag ibig na yan and tama na yung nasaktan ako ng todo ng isang beses. I dialed his number, naka dalawang ring pa lang at sumagot na sha.

"Hey are you busy?" - Riah

"No hindi nman." - Joe

"Magkita tayo mamaya same place?" - Riah

"Sure, basta ikaw im always free." - Joe. Sabi niya at alam ko nakangiti ang loko.

"Okay 7pm, see you later" -Riah

"Okay. bye" - Joe. Hindi na ako nag bye at pinatay ko na ang tawag.

I tried to go back to my work pero hindi na ako nakapag concentrate hindi maalis sa isip ko ang mukha nia. Never pa ngyare sakin toh. Ano ba toh never pa ako na distract ng ganito. Kahit sa mga exes ko dati, sabagay isa lang naman ang ex ko na siniryoso ko at bigla ko sha naalala, i felt sad ayoko na balikan ang memories na matagal ko ng ibinaon sa nakaraan. I stood up at tumitig ako magandang tanawin. Bumalik ako sa desk ko at tinawagan ang aking secretary.

"May meeting ba ako today?" Tanong ko sa kanya.

"Meron po mam with Mr guillermo's right hand to update you sa negosyo nio."

"Cancel it at sabihin mo sa kanya na ipadala na lang ang reports niya and i will just read it then tska na lang namin pag usapan kung may comments ako about it. Then after you train ms. Salazar at tapusin lahat ng pinapagawa ko sau for the day both of you can go. Im leaving for the day. Make sure she knows everything she needs to know."

Inayos ko ang desk ko at tumayo ako at lumabas na ng opisina ko dala gamit ko. Pag labas ko kinuha ng security ko ang bag ko. Nakita ko ang secretary at si ms salazar busy sa ginagawa nila. I didn't say anything. I just walk straight to the elevator at pinindot ng security ko ang button to go down. Pag bukas ng elevator pumasok muna security ko then ako naman. Pag harap ko nakita ko pa sha nakatingin sakin at nagkatitigan kami sa mga mata ng biglang sumara ang door ng elevator.










Ok po ba mga people? comments and votes lang po kung nagustuhan niyo. Maraming salamat sa pag babasa.

Journey to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon