Chapter 1

308 24 0
                                    

Sh*t! Late na ako! Bakit ba kasi ako iniwan ng babaeng 'yon?! Loko 'yon ah! Sinira ba naman ang alarm clock ko!

Nagulat nalang ako ng bigla nalang may bumangga sa akin. Napapikit ako ng mata at hinayaan nalang na matumba. Ready na sana ako masaktan pero mas lalo ako nagulat ng bigla niya nalang ako sinalo.

“Miss, are you okay?” he asked.

Panaginip ba 'to? Totoo ba 'to?! Kung panaginip man 'to sana hindi na ako magising. Sobrang gwapo niya talaga para siyang kpop idol, parang prinsepe, para siyang anghel. Nasa kanya na lahat. White hair and pink eyes, pale white skin. Mapayat na matangkad. Para talaga siyang walang dugo at mapupula ang kanyang labi.

Bampira ba 'to?

“Miss?” Nabalik ako sa realidad pagkatapos ng ilang beses niya akong tawagin.

“Y-yes, I'm okay.” Inayos ko ang salamin ko at agad umatras.

Oh shoot! Late na pala ako! Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad na tumakbo.

•••

“You're late again! Miss Sali! Get out of my class! Now!”

Napakamot ako ng ulo na lumabas ng classroom. Nagtawanan naman ang dalawang babae na dumaan sa harapan ko habang nakatingin sa akin. Mga pelingera.

Yeah, ganito na talaga buhay ko.

Sobrang malas! My name is Calla Sali 14 years old. Grade 9 student lang ako, isang simpleng babae—no... Isang kilalang panget na babae at pinakabobo dito sa school.

Hindi naman ako tamad mag aral, sadyang slow learner lang ako. Clear skin naman ako pero sadyang panget lang talaga ang pagmumukha ko. I have brown hair and green eyes, hindi masyadong kaputian, mapayat naman. Medyo matangkad.

Hahay buhay.

Umupo ako sa sahig at hinintay nalang na matapos ang klase. Isa na naman akong kahihiyan ng mga magulang ko.

•••

“Bakit sinira mo ang alarm clock ko?” Nagulat siyang tinuro ang kanyang sarili.

“Me? Sinisisi mo pa talaga ako, Cal.” Mas lalo siyang lumapit sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ate ko sana siya pero mukhang walang pinag aralan. Tsk! Spoiled brat! “Hindi ko kasalanan na nagpuyat ka na naman kagabi at nanuod ng anime.” Napabuga siya ng hangin. “Hay, ang malas talaga ng mga magulang natin na naging anak ka nila.”

Natigilan ako sa aking narinig. Hindi na siya nagsalita pa at nilagpasan na lamang ako.

Tama naman siya eh.

Proud silang mama at papa kay ate. Bukod pa sa maganda, talented... Matalino pa siya. Eh ako? Opposite ako sa ate ko.

Tumulo ang aking luha kaya pinunasan ko 'to. No! Hindi ako iiyak! Nag promise ako sa sarili ko na hindi ako iiyak.

Aalis na sana ako pero nagulat ako ng bigla nalang nasa harap ko si crush.

“You're the girl kanina.” Ngumiti ito.

Sh*t! Nawawala na naman astig ko!

“I'm Gallen Salcedo by the way. 16 years old.”

“Alam ko na ang pangalan mo. Hindi mo na kailangan pa magpakilala.” Base sa reaksyon niya mukhang nagulat siya.

“My name is Calla Sali. 14. But you can call me Cal for short.” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti na sinuklian din naman niya.

“Ang cute mong ngumiti. Bakit minsan ka lang ngumiti?” Hindi ko akalain na sasabihin niya iyan sa akin. Niloloko lang yata ako ng lalaking 'to eh.

I just smiled habang hindi nakatingin sa kanya.

“Nambula ka pa. Hindi bagay sa akin ang ngumiti.”

“Wanna go with me pagkatapos ng klase.” Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. “Makabawi nalang sa pagbangga ko sa'yo kanina.”

“Hindi mo na kailangan gawin 'yon. Okay na ako.” Hinawakan niya ang kamay ko at feeling ko talaga lalabas na ang puso ko dahil sa lakas na pagtibok.

“No, let me repay you. Susunduin kita mamaya ha. Inaasahan kong makikita kita.” Bago pa man ako makapagsalita ay nilagpasan na niya ako at tuluyan ng naglakad palayo.

Napakagat nalang ako ng labi ko. Bawal kasi ako magabihan. Lagot talaga ako sa mga parents ko.

•••

Napahinto ako ng makita ko siya sa gate. He looked at his wrist watch halatang may hinihintay. Lumingon siya sa akin and he wave at me.

Oh crap! Hindi talaga siya nagbibiro! He's waiting for me!

Ngumiti nalang ako ng peke at kumaway din pabalik. Bahala na mapagalitan basta nakasama ko na si crush. 

“Nandito ka na pala.” Ngumiti siya at sheyt! Ito na naman ang aking pakening heart!

Ang lakas ng tibok ng puso ko mader!

“Kanina ka pa ba nandito?” I asked.

“Yes. But don't mind it.” Kinuha niya ang bag ko at hindi ko man makita ang aking mukha sa salamin pero alam ko na ang pula-pula na ng pisnge ko.

Yumuko na lamang ako habang sinusundan siya.

•••

Nang makarating na kami sa bahay ni Galen ay napahinto ako ng biglang manindig ang aking balahibo.

Napayakap ako sa aking sarili ng bigla akong nakaramdam ng sobrang lamig.

“What's the matter?” Mukhang napansin niya yata ang inasta ko.

Ngumiti lang ako ng peke at umiling kahit na nilalamig na ako ng sobra.

“Malakas ba ang aircon niyo?” I asked.

Kumunot ang kanyang noo, “Hindi. Normal lang naman iyan ah. Do you want me to turn off the aircon?”

“No need. I'm okay.”

Sinenyasan niya akong umupo sa upuan na nilapitan niya kaya umupo ako.

“Wait here, okay. May kukunin lang ako.” Tumango naman ako at umalis na siya.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Mga ilang oras pa ang nakalipas, hindi pa rin siya bumabalik. 

Tumayo na ako dahil na rin sa nabobored na ako. Napagdesisyunan ko nalang na hanapin siya. What if niloloko lang pala ako ng lalaki na 'yon at gagawin niya talaga akong magnanakaw? I fra-frame up niya ako? O hindi kaya gagawin niya akong prostitute?! What if kidnapper siya?

Napahinto ako sa paglalakad. Teka? Nasaan na ba ako? Natigilan ako ng makita ang nasa harapan ko. Isa siyang earrings na heart na umiilaw na pink.

Kumunot ang aking noo at dahan-dahan lumapit sa earrings na 'yon. Hindi ko alam pero bigla nalang gumalaw ang katawan ko.

“A-anong nangyayari?”

Nights With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon