Chapter 7

138 10 1
                                    

“Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan ko sa lalaki na iyon.” Kahit ako ay nagtataka eh.

“Baka nagustuhan mo lang talaga ang mukha niya?” Napaisip naman ako sa sinabi niya.

“Hindi ko rin masasabi na mukha niya lang ang nagustuhan ko. Kasi sa totoo lang may mas gwapo pa sa kanya eh pero wala eh,” nagtataka kong sabi.

Hinawakan niya ang balikat ko at bumuntong hininga na para bang wala talagang pag asa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Bahala ka na sa buhay mo. Total buhay mo naman iyan.” Sinapak ko siya sa braso dahilan para mapa 'aray' siya. 

•••

Pilit kong inaabot ang libro ngunit hindi ko talaga maabot. Letse 'to! Hindi na talaga ako tumangkad. Nagulat na lamang ako ng may kumuha sa libro. Paglingon ko sa kanya ay nakita ko si Gallen na sobrang lapit sa akin. He gave me a warm smile ng magtagpo ang aming mga mata.

Nilahad niya sa akin ang librong gusto kong basahin.

“Hindi ko akalain na mahilig ka pala magbasa ng mga fantasy na libro,” ani niya.

Nang makabalik ako sa realidad ko ay agad ko kinuha ang libro at sinaman siya ng tingin. Ewan ko ba pero ng kausapin niya ako ay ang sarap magtampo. Feeling jowa na naman nito. Akala ko naman kung sino akong importante sa kanya.

“Akala ko ba habang buhay mo na akong hindi papansinin.” Mukhang ngulat siya sa sinabi ko.

Nilagpasan ko na lamang siya pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay hinawakan niya ang wrist ko.

“Galit ka ba sa akin?” Hindi pa ako nakaharap sa kanya ay napairap ako. Tinatanong pa ba iyan? Hindi ba obvious?!

Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng pekeng ngiti. Matalino naman si Gallen para mahalata niyang hindi ako natutuwa sa kanya.

“No. Bakit naman ako magagalit sa'yo? You have the right to ignore me if you don't like me.”

“I have my reason to ignore you, Cal.” Ewan ko ba pero nasaktan ako sa narinig ko.

“Bakit pinapansin mo na ako ngayon?” Magsasalita na sana siya pero agad ako nagsalita. “Kung papansinin mo ako tapos iignore mo na naman ako ulit. Wag mo nalang akong pansinin habang buhay. Tao rin ako, Gallen. Nasasaktan.”

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad na ako umalis.

•••

Napatampal nalang ako ng noo. Bakit ko ba nagawa 'yon?! Ang tanga-tanga ko talaga! Pwede naman ako manahimik nalang eh. 

Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin ang mga estudyanteng dumadaan sa akin ay nakatingin sa akin.

“Oo nga pala si Nesrin nga pala ako ngayon,” ani ko.

Napabuga nalang ako ng hangin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Napahinto ako ng makita si Isaiah na nakatingin sa akin.

Namilog ang aking mata at umiwas ng tingin. Nagsimula na akong maglakad palayo. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang repleksyon niya sa screen ko. Nakasunod siya sa akin habang seryosong nakatingin sa akin. Oh my god! Sinasabi ko na nga ba eh! Dapat nasa bahay nalang ako.

Lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

“What do you want from me?” seryoso kong tanong.

“You caught me huh?” Sinamaan ko lang siya ng tingin.

“Are you a stalker?! Bakit mo ako sinusundan?!” irita kong tanong sa kanya. Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang sa akin. “Alam mo bang maari kitang ipatawag sa police?”

“Pffft! Do you think matatakot mo ako niyan?” Hindi lang ako nagsalita at seryoso lang na nakatingin sa kanya. “That earrings.”

Napahawak ako sa earrings ko. Nakakunot pa rin ang noo kong nakatingin sa kanya hindi alam kong ano ang pakay niya.

“What about my earrings?” I seriously asked.

“Sa kaibigan ko iyan?” Tinaasan ko siya ng isang kilay.

“Pardon?”

“Suot iyan ng kaibigan ko.” I heavily sighed.

Pagkamalan pa akong magnanakaw nito? Hindi ko akalain na sa ganda kong 'to ay pagkakakamalan pa akong magnanakaw.

Ang weird naman ng lalaking 'to. Hindi talaga siya tinatablan ng ganda ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay at ito naman si loko ay hindi pa rin iniiwas ang tingin niya sa akin. Aba! Ang tapang ng lalaking 'to ah! Suntukan nalang oh!

“At ano ang pinapabalabas mo? Magnanakaw ako?” mataray kong tanong sa kanya.

“Ikaw na ang nagsabi niyan.” Napamewang nalang ako.

“Iyan din naman ipinapamukha mo sa akin eh!” irita kong sabi. “Fyi! Madaming kaparehong design ng earrings na ito beh! Wag kang assuming! Sa ganda kong 'to?! Pagkakamalan mong magnanakaw?!”

“Ang hangin mo talaga! Ang pangit mo nga eh!” inis niyang sabi.

Napahinto ako at mukhang ngayon niya lang namalayan ang kanyang sinabi. Hanggang ngayon ba naman nakikita pa rin akong panget ng mga ng mga tao? Wala na ba talaga akong pag asang gumanda?

Dahan-dahan akong napatango. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko.

“I'm sorry hindi ko sinasadyang sabihin iyon. I didn't mean it.” Halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na nagui-guilty siya.

“NO need to exlain yourself. Naintindihan ko naman. Hindi ko naman nakikita ang sarili ko na maganda in the first place eh,” seryoso kong saad sa kanya.

Hindi lang siya gumalaw at nakatingin lang ito sa akin. Mukhang naubusan na siya ng sasabihin.

•••

“Cal!” Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Isaiah na unti-unting lumalapit sa akin.

I gave him a warm smile. Nakita kong napalingon siya sa tenga ko. Akala niya siguro kinuha ni Nesrin ang earrings ko. Hindi niya alam na si Nesrin at ako ay iisa.

“Yes?” Hindi pa rin siya nagsasalita at nakatingin lang sa earrings ko. Napahawak ako sa earrings ko habang nakakunot ang noo. “What's wrong?”

“Wala naman. Umm... Sabay tayo mag lunch mamaya.” Walang gana ko lang siyang tinignan.

“Wala akong pera beh. Alam ko naman na bibili ka lang ng lunch mo ngayon.”

“Libre ko,” nakangiti niyang sabi.

Tinignan ko naman siya ng hindi makapaniwala look at proud pa siyang tumango.

“Himala! End of the world na ba?! Katapusan ko na ba para ilibre mo ako?!” tuwa kong sabi.

Napatawa nalang siya at ginulo ang buhok ko. Tumawa rin ako pabalik pero hindi mawala sa isip ko na may nakatingin sa akin.

Palagi.

Nights With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon