Chapter 37

62 3 0
                                    

“Don't be like that, Cal,” napatawa pa ito na para bang may nakakatawa.

Sa tuwing tumatawa siya ay parang tinatawanan niya rin ako. Sinamaan ko siya ng tingin at umupo sa higaan ko.

“Stop making fun of me, Gallen. It's not funny.” Huminto siya sa pagtawa.

Niyakap niya ako sa likod. Ramdam ko ang malalim niyang paghinga sa aking leeg. Mainit ito dahilan ng pagka init ng aking katawan. Napakagat na lamang ako ng labi. I hate this.

“I'm not making fun of you, Cal. I'm not that bad.” Yes you're. Hindi mo na ako mauuto pa ulit. “Alam kong hindi ka pa rin naniniwala pero mahal talaga kita.”

Napangiwi na lamang ako. Ewan ko ba kahit anong sabihin niya na mahal niya ako ay hindi talaga kaya sa sarili ko na tanggapin iyun eh. Feeling ko niloloko niya lang ako.

“Iba ang mahal sa obsession, Gallen.” Nawala ang kanyang ngiti sa sinabi ko.

Tumalikod na lamang ako at humiga na sa kama. Pinikit ko nalang ang mata ko. But i can feel his gaze looking at me sharply. Pinilit ko ang sarili ko na hindi imulat ang mata ko.

Takot na takot na ako.

Hindi ko alam kung sino ang magliligtas sa akin. Hinawakan niya ang leeg ko dahilan para hindi ako makagalaw dahil sa takot.

“Are you not scared of me, Cal? Mmh?” he asked.

Kahit mahinahon ang tono nito ay alam kong gusto na niya ako saktan. Parang ilang saglit lang ay mamatay na ako sa kamay niya.

“Ginaganito mo ba siya dati kaya siya namatay?” Natigilan siya sa tanong ko. Tumingin ako sa kanyang mata habang hindi ko maiwasan na maging malungkot para sa kanya. "Gallen, what is love to you?"

Halos hindi siya makagalaw dahil sa tanong ko. Halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na naguguluhan ito.

“Stop it, Cal.” Tumayo siya at pumunta sa bintana. “Don't ruin my mood.”

Pumunta ako sa likod niya habang malungkot na nakatingin sa kanya. He really don't know what love is.

“Is this what love to you? Because all I know hindi ganito ang pagmamahal, Gallen. This is not love.”

“I said stop asking nonsense questions! You bitch!” Agad siya lumapit sa akin at sinakal ako.

Napaatras na lamang ako pero mas lalo niyang hinigpit ang pagkakahawak sa leeg ko. Tumulo na ang luha ko. Wala lang ba sa kanya ang pinagsamahan namin dalawa? Lahat bang ito ay panggap lang?!

“Ganito ba ang ginawa mo s-sa kanya?” I asked.

Napahinto siya at binitawan ang kamay ko. Napaatras ito habang malalim ang kanyang paghinga. Lumabas ito at hindi man lang ito nagpaalam sa akin.

Napaupo ako sa sahig at hinawakan ko ang leeg ko. Umubo naman ako at huminga ng malalim habang nakikipagsabayan ang lakas ng tibok ng aking puso.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at umiyak na talaga ako.

•••

Bumaba na ako sa kwarto at napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatulala sa lamesa habang nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Napalunok na lamang ako ng laway.

"Gallen." Dahan-dahan ito napatingin sa akin.

Napalunok ako ng laway at dahan-dahan umupo sa upuan. Napatingin ako sa kanya habang naka seryoso siyang tingin sa akin.

“Kumain ka na. Don't worry wala iyang lason,” seryoso niyang sabi.

Dahan-dahan ko naman kinuha ang kutsara ko at kumain na. Tahimik ang nakapalibot sa aking paligid. Ni hindi siya nagsalita at nakatingin lang ng seryoso sa akin.

“Stop looking at me like that,” irita kong sabi sa kanya.

“I can't help it.”

“Hindi ako komportable, Gallen. Hindi ka ba nasusuka na tumingin sa akin?!” irita kong tanong sa kanya.

Hindi lang siya nagsalita kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Ni hindi man lang siya kumain at nakatingin lang ito sa akin. Nang matapos na akong kumain ay kinuha ko na ang mga plato ko at nilagay sa labanggera pero alam ko pa rin na nakatingin pa rin siya sa akin.

•••

I look at the moon habang may kasamang bituin sa itaas. Tumatama ang ilaw ng bilog na buwan sa akin. Sobrang puti naman ng babaeng ito. No wonder sobrang ganda niya.

Halos nasa kanya na lahat ng hinahanap ng mga lalaki habang sa akin ay kabaliktaran. Napabuga na lamang ako ng hangin.

“Why are you sad?” I looked at him at nasa ibaba siya habang ako ay nasa balcony. “Hindi bagay sa'yo ang nakasimangot.”

“Kasi maganda ako?” Kapag panget bagay na.

He chuckled, “Ano bang kinakaselos mo, Cal? You and Nesrin are the same.”

I rolled my eyes at napahawak sa earrings ko. Nang dahil sa earrings na 'to naging si Nesrin ako. Nag exist si Nesrin ng dahil sa earrings na 'to.

“Kapag wala itong earrings na 'to, alam kong hindi ko makukuha ang atensyon mo,” bulong ko.

Nakatingin lang ito sa akin ng inosente na para bang walang alam sa sinasabi ko.

“Pardon? Can you repeat what you said?” He look clueless. I just chuckled at umiling na lamang.

“Matulog ka na, Gallen. Don't think too much.” Natigilan siya sa aking sinabi.

Hindi ko na hinintay pang magsalita siya at umalis na lamang ako.

•••

Muntik na ako mapasigaw ng bigla nalang nandito siya sa tabi ko.

“What the fuck?!” Ayan na naman ang kanyang inosenteng tingin na para bang wala man lang siyang kaalam-alam sa kanyang ginawa. “What are you doing here?!”

“Chill, Binabantayan lang kita,” natatawa niyang sabi.

“Binabantayan?! For what?!” irita kong tanong sa kanya. Napaupo na lamang ako.

At mukhang natuwa pa ito sa inasta ko. Nakakaloka ang lalaking 'to! Gustong-gusto na matakot ako sa kanya!

“You look sad yesterday, so chinicheck ko lang kung okay ka.” mahinahon niyang sabi.

“Stop acting like nag alala ka sa akin. Kasi alam kong hindi.”

Nawala ang kanyang ngiti sa kanyang labi. Nakatingin lang ako ng seryoso sa kanya. Kahit pa may nararamdaman ako sa kanya hindi pwede na hayaan ko lang siya na ganituhin niya ako. Hindi ko siya papatawarin sa paglaro niya sa nararamdaman ko.

“Are you still mad at me?”

Nights With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon