Chapter 5

160 12 0
                                    

Habang naglalakad ako ay hindi mawala sa isip ko ang pag iwas sa akin ni Gallen. Hindi ko na alam kung sinong nababangga ko.

Nagulat nalang ako ng biglang may humila sa akin kaya nabangga ako sa dibdib niya. Shit! Ang sakit ng ulo ko! Napahimas ako sa ulo ko at masama siyang tinignan. 

“Ano ba?! May balak ka bang magpakamatay?!” inis niyang tanong sa akin.

“Isaiah?” Ilang beses na ba niya ako niligtas? “What are you doing here?”

Umiwas siya ng tingin dahilan para taasan ko siya ng isang kilay. Sinusundan niya ba ako?

“Wala ka ng pake do'n at isa pa tumingin ka nga sa dinadaanan mo?!” irita niyang sabi sa akin.

“Pasensya na, may iniisip lang ako.” Binigyan ko siya ng pilit na ngiti.

Nawala naman ang inis na ekspresyon sa kanyang mukha. Mukhang nahalata niya yata ako.

•••

“Ganun pala ang nangyari.” Napabuga nalang ako ng hangin ng maalala ko na naman si Gallen parang ang laki ng problema ko. “Kalimutan mo nalang siya.”

“What?”

“Hindi naman kasi pwede na palagi ka nalang humahabol sa taong hindi ka naman gusto.” He heavily sighed at hinawakan ang balikat ko. “Masasaktan ka lang para rin naman ito sa sarili mo. Nag aaalala lang ako sa'yo.”

“You're right. Panahon na siguro para mag move on ako.” Wala rin naman mangyayari kung 'yong taong mismo ang ayaw sa akin.

Sino ba naman si Calla para mahalin hindi ba? Hindi naman ako maganda, wala pang talent tapos hindi pa matalino.

Napakagat nalang ako ng labi ko para mapigilan ang pagtulo ng luha ko. 

•••

“Nesrin!” Napalingon ako sa tumawag sa akin at napangiti ng makita ko ang mukha niya.

“Gallen, nandito ka na pala.”

“Kanina ka pa ba nandito?” he asked.

“Yes.” I'm always here simula pa kaninang umaga.

“Bakit ka biglaang napatawag? Ano ba 'yong sasabihin mo?” he innocently asked. 

Magsasalita na sana ako pero bigla nalang sumagi sa isip ko na wag ko na sabihin sa kanya. Wala rin naman siyang alam sa akin in the first. I gave him a warm smile at umiling.

“Gusto lang kita makita,” mahinahon kong sabi sa kanya. 

“Weee? May kailangan ka lang sa akin eh.” Napairap nalang ako at ngumiting napailing.

“May gusto akong puntahan. Can we?” Kahit hindi niya alam kung saan kami pupunta ay tumango nalang siya.

•••

Agad ko hinubad ang shoes ko at tumapak sa dagat habang umiikot. Matagal-tagal na rin ako hindi nakapunta sa beach. Napahinto ako ng mapansin kong kanina pa siya nakatingin sa akin.

“May problema ba?” I asked.

“Wala. Nabighani lang ako sa ganda mo,” nakangiti niyang sabi.

Nights With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon