"What?"
"Ilang araw ka na kasing hindi lumalabas sa bahay kaya naisip ko na baka na gusto mong lumabas?" Napangiwi na lamang ako sa kanyang sinabi.
Baka alam niyang nakatanggal na ang tali ko kaya pinaglalaruan niya ako.
"Himala may pake ka sa akin." He heavily sighed at kahit pa nakakatakot na ang kanyang aura ay nagpanggap lang ako na hindi ako natakot sa kanya.
"Kung makapagsalita ka parang hindi kita mahal ah." Ngumuso ito na para bang bata na hindi pinagbigyan ng ice cream. "Mahal kita, Cal. If you think na hindi kita mahal, you're wrong honey."
"Hindi mo na ako maloloko, Gallen. Kahit ano pang sabihin mo hindi na ako maniniwala sa'yo!" inis kong sabi sa kanya.
Sumeryoso ang kanyang tingin sa akin at hindi ko man lang iniwas ang aking tingin sa kanya. He smiled warmly dahilan para mas lalo manindig ang balahibo ko. He's really out of his mind.
"Oww~ that hurts, Cal. But never mind. It's okay if you don't believe me." Hinawakan niya ang pisnge ko at binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Pero malalaman mo rin soon kung bakit ko ito ginagawa. Ginawa ko lahat ng ito para sa'yo."
Para sa babae mo. Iyan ang totoo! You're selfish. Hindi mo tanggap na ikaw mismo ang pumatay sa kanya, hindi mo tanggap na wala na ang babaeng pinakamamahal mo. Tumulo na lamang ang luha ko at napangiti na naman ang baliw na lalaki na 'to.
Gustong-gusto niya talaga na umiyak ako.
•••
Bumalik na naman siya at ngayon ay nakatali na naman ako. I learn how to tie myself in order for me to survive in this hell.
"Hi!" Umiwas lang ako ng tingin dahilan para mag act ito na malungkot.
Ngayon ay nakasimangot naman siyang nakaharap sa akin. Pinipigilan ko na talaga sarili ko na mapairap.
He heavily sighed at ramdam ko na naman ang kanyang pagka dismaya. Everytime he sees my face nadidismaya siya. Lalong- lalo na't hindi pa ako naging si Nesrin.
He is really obsessed with her na kahit pa ay matagal na patay ang tao na iyun ay obsessed pa rin si Gallen sa kanya.
Ano bang nakita ni Gallen sa kanya? Bakit baliw na baliw ang lalaki na 'to sa kanya?
Napailing na lamang ako. Kung pwede lang sampalin ang sarili ko ay ginawa ko na. Bakit ko ba inisip iyun? May panahon pa talaga ako mag isip ng ganyan.
"You ignore me again." Napapuot pa ito at hindi lang ako nagsalita.
Pumunta siya sa likod ko at tinanggal ang tali. Napahinto ako at kumunot ang aking noo dahil wala akong idea kung ano ang plano niya.
"Stand up." Hindi nalang ako nagsalita. Kahit pa naguguluhan ako ay tumayo na lamang ako.
He gave me a warm smile dahilan ng mas lalong ikinakunot ng noo ko. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at natanong ko na lamang siya.
"Why are you doing this? Ano na naman ba ang pinaplano mo?" Sumeryoso ang kanyang tingin sa akin dahilan para mapalunok ako ng laway.
"I just wanna make you smile just for once, Cal." Napangiwi na lamang ako sa sinabi.
"If you wanna make me smile, give me freedom," seryoso kong sabi sa kanya.
Hindi lang siya nagsalita at mga ilang segundo pa ang nakalipas ay bigla na lamang ito napatawa.
"Hindi ko akalain na palatawa ka pala, Cal." Sumeryoso ang kanyang tingin sa akin. Mabibigla nalang talaga ako sa pabagong-bago na emosyon niya. "Alam mong hindi ko kayang gawin iyan and never iyan mangyayari." Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking labi dahilan para samaan ko siya ng tingin. "After kita mahanap it takes years to found you, Cal. Kaya bakit papakawalan pa kita? Hindi ako ganyan ka bobo." Hindi nalang ako nagsalita at umiwas ng tingin. He gave me a warm smile. Ayan na naman ang pagbabago ng kanyang emosyon. "Now let's go!"
Hindi pa ako nakapagsalita ay hinawakan na niya ang wrist ko at hinila ako palayo. Nang makalabas na kami sa bahay niya ay dumaan ang hangin sa akin. Ilang araw o buwan na ba ako nakastay sa bahay niya?
I miss going out.
"Diba sinabi ko na sa'yo na sasaya ka?" Nawala ang aking ngiti sa kanyang sinabi.
Did he really think na ganito lang ang magpapakasaya sa akin?
"Hindi mo talaga alam kung sino ako." Umiwas lang ako ng tingin.
"Oh did I ruin the mood?" nakapout niyang tanong sa akin dahilan ng mas lalo akong mairita. "Oh come on! I make an effort for this!" Napahinto ako ng maramdaman ko ang paghigpit ng kanyang paghahawak sa aking wrist dahilan para mapangiwi ako sa sakit. "Smile for me, please."
Ngumiti na lamang ako. Napatingin ako sa araw na unti-unting lumulubog hanggang sa naging Nesrin na naman ako ulit. Mas lalo lang siya napangiti.
"Can we go home na?" I asked.
"Already? Eh kababago lang tayo nakalabas ah. Gusto mo na naman umuwi." Nakapout naman siya sa sinabi ko.
"I'm tired, Gallen." Tumalikod na ako.
At halos nabulunan ako sa aking sariling laway ng hawakan niya ang dalawang braso ko. What is he doing? May balak ba siyang patayin ako?
"What? Hindi kita marinig. Can you say it again?" mahinahon niyang tanong sa akin.
Hindi nalang ako nagsalita at umiling na lamang dahilan para mas lalo siyang matuwa. I'm so tired. Nakakapagod na ang ganitong buhay na paulit-ulit nalang.
Nang makarating na kami sa lake ay napahinto na lamang ako. Naalala ko na naman nung bigla niyang lunurin ang babae na iyon dito. Napalunok na lamang ako ng laway.
"What's the matter, Nesrin?" he asked.
Bakit hindi pa siya dinala sa mental hospital? Nakakaloka naman ang lalaking 'to. Baka ako na sunod lunurin niya?
"Wala bigla lang sumama ang nararamdaman ko." Hinawakan ko ang dibdib ko na mas lalo niyang ikinatuwa.
Kumunot ang noo ko sa kanyang reaksyon. What's with that look? Para pa siyang nanalo ng lotto dahil sa reaksyon niya.
"Do you not have a memory what happened to my wife here back then?"
BINABASA MO ANG
Nights With You
Romantik(Completed) Calla Sali ang babaeng lumaki na palaging tinatawag na panget. Buong buhay niya hindi niya naranasan na mahalin ng tama. She was not anyone's favorite and she will never be chosen. Until one day her life changed. Gumanda siya bigla dahi...