Chapter 19

86 4 0
                                    

Ilang araw na siyang ganyan. Nakatingin ako sa kanya habang inaalagaan niya ang mga bulaklak na nasa harden niya. Kung titigan siya sa malayo para siyang isang malungkot na prinsepe na iniwan ng prinsesa niya.

“Sino ba kasi ang kapatid niya? Kawawa naman 'yon.” Napabuga nalang ako ng hangin.

Pumunta na ako sa kama ko at tinapon ko ang sarili ko sa kama habang nakatingin sa kisame. Hinawakan ko ang hikaw ko.

“Bakit ba nangyari ito sa buhay ko?” I asked.

Pero wala naman sasagot. Come to think of it. Kay Gallen 'to galing ang hikaw. Nakuha ko 'to sa bahay, so nandoon din ang sagot sa mga tanong ko.

•••

Umuna na akong lumabas at hindi ko na siya hinintay. Akala ko nga eh susundan niya ako pero himala kasi hindi niya ako sinundan. Mukhang nasa isip pa rin niya ang nangyari kahapon. Ang bilis ko kasi maubusan ng pasensya. Bibilhan ko nalang siya ng ice cream.

“Cal.” I looked at the back and I saw Gallen looking at me with a serious look habang iyong isa niyang kamay ay nakapasok sa bulsa niya.

“Y-yes?” Mamamansin lang talaga si Gallen no kapag hindi ko inaasahan?

Nagulat na lamang ako ng agad niya ako hinala and he hugged me?!

What is he doing? Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa gulat. Ang lakas ng tibok ng puuso ko.

Mahal ko talaga siya dahil kahit narinig kong playboy daw siya ay hindi pa rin ako naniniwala. To see is to believe nga.

“Bakit bigla nalang kita namimiss, Cal?” mahina niyang tanong sa akin.

“What are you talking about?” dahan-dahan kong tinulak siya. Kahit hindi man ako nakatingin sa salamin ngayon. Alam kong ang pula na ng mukha ko ngayon.

Si crush na ang nandyan eh.

“Cal... I like you.”

What the fuck?! Hindi ko talaga maano ang kilig ko ngayon. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko to the point na parang sasabog na ito.

“Ano bang pinagsasabi mo?” wala sa sarili kong tanong.

Kumalas na siya sa pagkakayakap and shit! I can't even look him in the eye.

“I like you as a friend, Cal.”

Para akong nabagsakan ng langit at lupa dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman may gusto na siya sa akin. Nangangarap lang pala ako ng gising.

“What?”

Kumunot ang noo niya na para bang hindi siya sigurado sa sagot niya. Ano bang laman ng isip ng lalaki na 'to?

“I don't know why, Cal. But I suddenly realized that namimiss na kita. Nalilito na ako sa sarili ko, Cal. Can we... Can we just be friend?” malungkot niyang tanong sa akin.

Friends? Hanggang kaibigan lang ba kami? Seryoso akong napalingon sa kanya habang nakakuyom ang kamao.

“No.” Halata sa reaksyon ng mukha niya na nawalan ito ng pag asa. “Hindi mo ba alam hanggang ngayon, Gallen? Ganun ka na ba talaga ka manhid?”

“What do you mean, Cal?” Halata sa reaksyon ng mukha niya na nagtataka ito.

“I love you, Gallen,” seryoso kong sabi sa kanya. Hindi ito makagalaw. Mukhang hindi niya inaasahan na maririnig niya sa akin iyun. “Matagal na kitang gusto, Gallen.”

Of course, he will never know dahil naka focus siya kay Nesrin, my other self. Pero bakit ba ako nasasaktan? Ako at si Nesrin ay iisa. But I am aware that i want him to love me as totoong ako. I want him to love Cal not Nesrin.

“Cal, I'm sorry. I didn't know—” Hindi pa man niya natapos ang sasabihin niya ay agad ako nagsalita.

“Of course hindi mo alam. Naka focus ka sa kanya, hindi ba?” Mukhang nagulat siya dahil sa sinabi ko.

Totoo 'ata ang sinasabi nila na playboy daw 'tong lalaki na 'to. Ang sabi-sabi kasi ay may mga iba't-iba raw siyang babae na iniimbitahan sa bahay niya.

“How—”

“Nakalimutan mo sigurong kilala ko si Nesrin.” Hindi nga niya talaga ako iniisip.

Then why is he suddenly approaching me and then suddenly said na namimiss niya ako?

“I'm sorry.” Yumuko ito tinatago ang lungkot sa kanyang mukha. Mukhang nagui-guilty ito. “I didn't expect this to happen. Akala ko talaga kaibigan lang ang tingin mo sa akin.”

“Of course, hindi mo mapapansin. Hindi ka interesado sa akin diba? The one you're interested in is Nesrin.”

Hindi lang siya nagsalita. Malungkot lang itong nakatingin sa akin. Alam ko naman kung bakit hindi siya nagsalita dahil tama lahat ang mga sinabi ko. I gave him a fake smile at umalis na.

Nang tuluyan na akong makalayo ay bigla nalang tumulo ang luha ko at napaupo sa sahig.

“Kung magiging Nesrin ka lang habang buhay. Hindi ka na makakaramdam niyan.” I looked at the guy who wore a black hoodie and black mask.

“What are you doing here?” seryoso kong tanong.

“I'm just trying to lead you to the right path.” Kahit hindi ko man kita ang mukha niya ay alam kong nakangiti ito ng nakakaloko.

Lumapit ako sa kanya habang seryosong nakatingin. Kahit hindi pa ako nagsasalita ay halata sa aking mata na nagdududa ako sa kanya.

“Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Bakit feeling ko you're trying to manipulate me to give up my life as Cal and be Nesrin instead.” Hindi lang ito nagsalita at nakatingin lang sa mukha ko.

“Hindi mo na kailangan pang malaman.” He put his hand on his pocket habang paatras ito ng paatras while looking at me with his cold eyes. “I'm just here to help you para hindi ka maging kagaya ng iba.”

After niyang sabihin iyun ay bigla na naman siyang nawala. Hindi na ako magtataka. Hinawakan ko ang earrings. I'm trying to take it off pero ayaw talagang matanggal.

“Cal?” I looked at Isaiah and I immediately wipe my tears para iwas na rin na mag alala siya sa akin.

Agad siya lumapit sa akin with a worried expression in his face. Tinulungan niya akong makatayo.

“What happened to you, Cal?” nag alala niyang tanong.

Nakakapagtaka lang. Bakit ba ang bait ng lalaki na 'to sa akin?

Nights With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon