Sa isang iglap nasuot ko na ang earrings sa tenga ko. Hala siya? Anyare?! Napakagat nalang ako ng labi. Paano ko ba i explain na kusa nalang gumalaw ang katawan ko at sinuot ang earrings na 'to?!
Pero sabagay maganda siya. Bet ko.
Pumunta ako sa may salamin at hindi ko inakala ang makita ang isang sobrang gandang babae sa salamin. What the f*ck?!
Pale white skin, blonde hair, blue eyes, medyo pink na orange 'yong lips. Napahawak ako sa buhok ko at mukha ko.
“Ako ba 'to?”
Napahinto ako ng biglang bumukas ang pinto kaya agad ako nagtago. Napalingon ako kay Gallen na napahinto rin ng makita ang nasa harapan niya na nawawala ang earrings.
Mga ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas na siya kaya hindi ako nagdalawang isip na lumabas na rin. Napagdesisyunan kong lumabas ng bahay.
Bukas ko nalang i-explain sa kanya kung bakit ako umalis. Ewan ko nalang talaga kung maniniwala siya.
Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan na pagtignan ng mga tao. Mapababae o mapa lalaki ay tumitingin sa akin. Dahil hindi ako sanay ay naiilang ako sa tuwing tinitignan nila ako.
Hindi rin ako pwede umuwi dahil alam ko naman na hindi maniniwala sila mama at papa, pati na rin si ate na ako ito.
Saan ako matutulog nito?
Napakagat nalang ako ng labi. Lumapit ako kay manang at binigyan siya ng matamis na ngiti dahilan para matigilan siya.
“Excuse me, manang. May space pa ba kayo na pwede matutulugan? Kahit maliit lang po.” Ano pa bang inaasahan ko? Sa panahon ngayon hindi na tumutulong ang mga tao nadadaan na ito sa pera.
“Kay ganda naman bata. Oo, iha. Pwede kang matulog dito kaso maliit ang kwarto eh.”
“Okay lang po! Sanay na po ako.” Hindi ko inaasahan na tutulungan niya ako.
“Hindi halata, iha.” Tumawa pa ito ng marahan. “Kahit simple ang iyong damit hindi ka pagkakamalan na mahirap.”
Ngumiti na lamang ako.
•••
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at napahinto ako ng aksidente kong matingin ang aking sariling repleksyon sa bilog na salamin.
Brown hair and green eyes.
Bumalik na sa dati ang itsura ko. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at umalis na.
Pagkarating ko sa bahay ay sampal agad ang aking natanggap sa mama ko.
“Ikaw talagang bata ka! Wala ka ng ibang ginawa kundi maglakwatsya! Gayahin mo naman ang ate mo!” Lumingon ako sa ate kong naka cross arm habang nakangiti ng nakakaloka.
Ilang taon na ba nila akong kinokompara sa ate ko? Lahat nalang talaga ng ginagawa ko ay mali sa paningin nila.
“Ma, may emergency lang talaga kaya hindi ako nakauwi. Pasensya na—”
“Pasensya?! Wag ka na magsinungaling! Wala ka talagang kwentang anak!”
Hindi nalang ako nagsalita at pumunta nalang sa itaas. Umiyak lang ako ng umiyak, hindi alam ang gagawin.
•••
Walang gana akong naglakad papasok sa gate ng school. Hindi pa man ako makapasok ay bigla nalang ako inakbayan ni Gallen kaya agad ko palihim na tinakpan ang aking tenga at napalunok ng laway.
“Is there something wrong?” he innocently asked.
Binigyan ko naman siya ng matamis na ngiti at umiling. Shit! May plano pa naman ako na sabihin sa kanya ang nangyari pero eto ako ngayon dinedeny na.
“N-no.”
“Bakit ka nga pala umalis kagabi ng walang paalam?” malungkot niyang tanong.
Paano ko ba 'to i-explain?
“Pasensya na. Tinatawag na kasi ako ng parents ko eh. Hindi ako pwedeng magtagal.” Napatango nalang siya.
“I'm sorry if pinilit kita.”
“Nako wala 'yon, ayos lang.”
Nang makarating na kami sa classroom ko ay hinawakan niya ang balikat ko.
“See you next time, Cal.”
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay lumingon ako sa classroom ko at lahat sila ay natigilan. Iyung tatlong babae naman ay masamang nakatingin sa akin.
Sinasabi ko na nga ba eh ang malas ko talaga.
“Boys! Look at this! Damn! She's so hot!” Ang aga-aga ang iingay ng mga lalaking 'to.
At dahil medyo may pagkachismosa ako ay nilingon ko ang cellphone nila at nagulat ako ng makita ang magandang version ng itsura ko na nakapost sa fb at nag vi-viral ngayon.
“They said siya ang pinakamaganda dito sa pilipinas para talaga siyang anghel pag nakita niyo.”
Napalunok nalang ako ng laway. Hindi ko napansin na may kumuha pala ng litrato sa akin at ang worst ay hinahanap nila ang babae na 'yon.
•••
Aalis nalang ako sa bahay ko. Hindi naman kasi ako pwede mag stay doon kasi kapag nalaman nilang ibang tao ako siguradong matatakot sila sa akin.
Napakagat nalang ako ng labi. Napahinto ako sa paglalakad ng mapatingin ako sa malaking orasan dito sa school. 5:50 na pala hindi ko napansin na matagal na pala akong hindi lumalabas sa school na 'to.
Namilog ang aking mata ng makita ko ang repleksyon ko sa glass window. Blonde hair and blue eyes? Bumalik na naman ako sa magandang version.
Mas lalo akong kinabahan ng makita ko si Gallen na nakatingin sa akin.
“Y-you...” Dahan-dahan akong umatras at tatakbo na sana palayo pero hinawakan niya ang wrist ko dahilan para matigilan ako. “Wait! I won't hurt you.”
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at natigilan siya ng magtagpo ang aming mata.
“Totoo nga ang sinasabi nila. Ang ganda mo,” mangha niyang sabi.
Natigilan ako. Ewan ko ba medyo nasaktan ako pero in other side sumaya ako kasi alam kong nabibighani siya sa akin.
“What's your name?” he asked.
“I'm...” Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at napahinto ako ng may nakita akong poster. “N-nesrin Clemente.”
“What a beautiful name... Nesrin.” Tumikhim siya and nilahad niya ang kamay niya sa akin. “I'm Gallen—Gallen Salcedo. How old are you by the way?”
“I-i'm uh... 16.”
“Same age lang pala tayo.” Nagsimula na kaming maglakad at nakatingin lang ako sa kanya.
Kahit pinatay na ng mga guard ang ilaw ng school, lumiliwanag pa rin siya.
“Dito ka ba nag aaral?” Tumingin siya sa uniform ko. “Suot mo kasi ang uniform namin.”
Lumingon ako sa suot ko at napakagat ng labi. Kung magsisinungaling ako, wala rin naman Nesrin ang pangalan dito sa school eh.
BINABASA MO ANG
Nights With You
Romance(Completed) Calla Sali ang babaeng lumaki na palaging tinatawag na panget. Buong buhay niya hindi niya naranasan na mahalin ng tama. She was not anyone's favorite and she will never be chosen. Until one day her life changed. Gumanda siya bigla dahi...