Chapter 8

128 6 0
                                    

“Nakita ko kayong nag uusap ni Gallen kahapon? Ayos na ba kayo?” Lumingon ako sa kanya.

“Selos ka naman.” He laughed playfully sa sinabi ko. Sasabihin na naman nito na assuming ako.

“Ako? Magseselos? Bakit? Sino ka ba?” Napangiwi nalang ako sa sinabi niya.

“Sabi ko nga eh.” Ako? Pinagseselosan? Sus! Sa panaginip nalang 'ata iyan mangyayari!

Na realtalk pa tuloy ako.

“Wag ka magpout diyan. Hindi bagay sa'yo.” Sinamaan ko naman siya ng tingin dahilan para matigilan siya. “Ano na naman problema mo?”

“W-wala.” Umiwas siya ng tingin at umiling pa. “Namamalikmata lang ako. Gutom lang siguro 'to.”

“Ang yaman-yaman mo tapos hindi ka man lang makabili ng pagkain mo,” bulong ko.

Napamewang naman ito, “Narinig ko iyon.”

“Ay, narinig mo pala? Sorry po. Isang malaking kasalanan ang nagawa ko.”

Nagbow pa ako daahilan para mas lalong sumama ang kanyang tingin sa akin.

“Nakikita ko sa'yo ang babae na iyon.” Natigilan ako sa sinabi niya.

“Huh?”

“Iyung babaeng viral na naka blonde hair. Nakita ko siya kagabi.” Napalunok ako ng laway sa kanyang sinabi.

“Nakikita mo siya sa akin?” hindi makapaniwalang tanong ko. Hinawakan ko ang bibig ko at nagpupumigil na tumawa. “Nababaliw ka na ba?! Kapag narinig ka ng iba nating kaklase sigurado akong pagtatawanan ka nila.”

Tumawa lang ako ng tumawa. HIndi pinapahalata na peke lang ito Nakakunot pa rin ang kanyang noo, Malalim ang kanyang iniisip.

Napahawak siya sa kanyang noo at bumuntong hininga. Mabuti naman at hindi siya nagdududa sa akin.

“Tama nga, siguro nababaliw na ako.” Tinapik ko ang balikat niya at napabuga ng hangin.

“Ganun na ba talaga ako kaganda sa paningin mo kaya mo ako napapagkamalan na siya ay ako?” natatawa kong tanong.

“Oo.” Natigilan ako sa sinabi niya. Seryoso siyang lumingon sa akin habang ako ay hindi na makagalaw. “Mas magaanda ka pa do'n.”

Walang gana ko siyang tinignan at sinapak ng mahina ang kanyang braso.

“Ilang babae na ba ang nasabihan mo niyan? Wag mo akong pinagloloko, Isaiah ha. Panget na nga ko, hindi pa ako mahal ng pamilya ko tapos uutuhin mo lang ako.”

He heavily sighed, “Bahala ka sa buhay mo.”

Nagsimula na siyang maglakad palayo. Magsasalita na sana ako pero napahinto ako ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. I looked at him at saktong nagtagpo ang aming mga mata ay sinalubong niya ako ng ngiti.

Umiwas lang ako ng tingin at sinundan si Isaiah.

•••

“I know you're here.” Lumingon ako sa lalaking nagsalita and I saw Gallen looking at me with a sweet smile.

Wag kang ganyan beh! Mas lalo akong mafa-fall sa'yo eh!

“Gallen? Akala ko umuwi ka na.”

“Hindi ako uuwi hanggang sa hindi kita makita, Nesrin.” Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay.

Ewan ko ba. Alam ko sa sarili kong gusto ko siya pero hindi ako komportable sa kanya. Kinuha ko ang aking kamay at binigyan siya ng pekeng ngiti. Alam ko naman na hindi niya iyon mahahalata.

Nights With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon