Chapter 3

197 14 0
                                    

“Actually hindi ako taga dito eh. I'm just borrowing this uniform dahil may humahabol sa akin.”

“Sino naman?” he asked.

“C-calla yata ang pangalan.” Medyo nagulat siya ng marinig niya ang pangalan ko.

“Oh si Cal.”

“By the way, nakita ko kayo kanina nag uusap. Ano mo ba siya?” tanong ko.

“Ano? What do you mean?” he asked.

“Kaano-ano mo ba siya? Jowa mo ba or crush mo or kapatid mo?” I asked.

Gusto ko lang naman malaman kung anong turing niya kay Cal which means ako.

“Kaibigan.” Kumunot ang kanyang noo. “Why do you ask?”

“Wala lang.” Ah kaibigan lang pala. Medyo na hurt ako do'n ah.

Alam ko naman ang sagot eh. Sino ba naman ang magkakagusto sa mukha kong 'yon? Lahat sila gusto 'yong ganitong mukha.

“Are you okay?” he asked.

“Oo. Uuwi na muna ako.”

“Gusto mo ihatid kita.” Binigyan ko lang siya ng pekeng ngiti.

“No thanks, kaya ko na ang sarili ko.”

Tumango nalang siya kahit alam kong nagdadalawang isip siya na sumunod sa akin o hindi. Aalis na sana ako pero napahinto ako ng bigla siyang nagsalita.

“Can we meet again?” he asked.

“Sure. Kung coincidence tayong magkikita.” I gave him a warm smile bago umalis.

•••

Wala sa sarili akong naglalakad. Hindi pa rin nakakalimutan ang sinabi niya. Hindi ako maka move on beh! Kahit walang kami ay kailangan ko na mag move on.

Napahawak ako sa dibdib ko.

“Ang sakit naman pala sa puso. Hindi lang medyo na hurt ako do'n—nasobrahan pa.”

“Hoy! Babae!” Napalingon ako sa tumawag sa akin at nagulat na lamang ako ng may paparating na kotse sa akin. Agad naman niya ito inilagan.

“Nako po.” Napakagat nalang ako ng labi.

Inis naman siyang humarap sa akin, “May plano ka bang magpakamatay ha?!”

“P-pasensya na.”

“Sa susunod! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!” irita niyang sabi.

Pumasok na siya sa kotse at umalis. Napakunot ang aking noo na sinundan ng tingin ang kotse niya. Lumingon ako sa tubig at ganun pa rin naman ang mukha ko. Hindi ba siya nagagandahan sa akin? O sadyang hindi lang talaga lahat na aatract sa kagandahan ko?

•••

Nakatingin lang ako sa kanya sa bintana habang masaya siyang nakikipag chika sa mga kaibigan niya sa baba. Hanggang pangarap nalang talaga na magugustuhan niya ako.

“Calla, hinahanap ka ng principal natin.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Huh? May kasalanan ba ako?

Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilan ang kaba na nararamdaman ko. Hindi niya naman siguro ako i dro-drop out diba? Wala naman kasi akong natatandaan na may kasalanan ako.

Nights With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon