“Ang init naman ng ulo ng jowa ko.” Niyakap niya ako dahilan para magulat ako. Tumawa lang ito pero alam kong peke ito. “May dalaw ka ba ngayon dahil ganyan ka kasungit?”
Hindi lang ako nagsalita. Gulat ako sa inasta niya i thought he will get mad at me pero he just treats me like his old wife.
“Jowa? Don't call me that. We already broken up.” Nawala na kanyang ngiti sa kanyang labi at ganun pa rin ang tingin ko sa kanya. Hindi mo na ako matatakot, Gallen. Tumawa na naman ito at ginulo ang buhok ko dahilan para mas lalo akong mainis sa kanya.
“Broken up? I didn't know about that. And hindi ako sumang ayon, Cal. Paano ba iyan?” Sinamaan ko lang siya ng tingin. Niyakap niya naman ako ulit dahilan para mas lalo akong mainis. Ayaw niya talaga akong pakawalan.
“Wala ka talagang balak na pakawalan ako?!”
“Wala.” Mukhang nasasayahan pa ito sa sagot ko na para bang naglalaro lang kami. Agad ko hinawakan ang pisnge niya gamit ang dalawang kamay ko habang seryosong nakatingin sa kanya. Nagulat naman ito. “Wow, Cal. That's a bold action.”
“Listen to me, Gallen! I'm sick of this. I'm not the girl that you're finding for!”
“Then why are you still alive?” he asked while wearing a fake smile and has an emotionless eyes.
“Pardon?” Anong ibig niya sabihin?
“You know if you're not her. Then matagal ka ng patay, Cal.” Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.
“What do you mean matagal na akong patay?” Naguguluhan na ako sa sinasabi niya.
Napatawa naman ito at ginulo ang aking buhok habang tumatawa ito.
“Wag kana magtanong. I don't want to hurt you honey.” Natigilan ako sa kanyang sinabi. Now i get it.
Ang ibig niya sabihin kung hindi ako iyung babae na iyun ay matagal na niya akong pinatay. Just like the rest.
Hindi nalang ako nagsalita. Nang matapos na niya akong kausapin ng kung anong-ano na nonsense ay umalis na siya. Napailing na lamang ako. Humiga ako at tumingin sa kisame. Hinintay ko talaga lumipas ang ilang oras bago ako tumayo.
Tumayo na ako at napalunok ako ng laway. Ni hindi ko man lang nahawakan pa ang doorknob pero nakaramdam na ako ng takot. Napailing na lamang ako at inalis sa akin ang takot na nararamdaman ko.
“Kaya mo 'to, Cal. I know you can escape this.”
Binuksan ko na ang pinto. I know nanginginig na ang tuhod ko dahil sa kaba at takot, knowing na walang magliligtas sa akin kung hindi ako lang. that guy, wala na talaga siyang pag asa. I can't believe that I fell for his trap. I heavily sighed.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang dilim talaga. Mabuti nalang talaga at may mga malalaking glass window dito kundi hindi ko na talaga alam kung may makikita pa ako sa sobrang dilim ng bahay na ito.
Bumaba na ako sa hagdan. Sobrang laki talaga ng bahay kahit naglalakad lang ako ay ramdam ko na ang pagod.
Makakatakas kaya ako dito? Bakit pakiramdam ko ay mali ang ginagawa ko. Napalunok na lamang ako ng laway at umiling.
Napailing ulit ako nadidistract lang ako. Ni hindi ko na matandaan kung saan ang labas dito. Hayst! Ano na bang nangyayari sa akin?!
Nang binuksan ko ang pinto. Nandito na naman ako kung saan ang bangkay ng taong pinakamamahal niya.
“I wonder kung dito niya rin ako papatayin.” I just chuckled.
Naalala ko na naman ang mapait na kahapon. I can't believe na tumakas pa ako sa bahay ng kapatid ko para lang makipagkita sa kanya.Naglibot libot lang ako sa paligid. Naghahanap kung anong daan ang palabas pero napahinto na lamang ako ng may nakita akong maliit na pintuan malapit sa drawer.
Kumunot ang aking noo. Ewan ko ba pero may bumubulong sa akin na pumasok. Binuksan ko ang pinto at sobrang dilim. Para bang nakalimutan ko ang takot na nararamdaman ko at pumasok na lamang ako.
Kahit madilim ay nagpatuloy pa rin ako hanggang sa may nakita akong green na ilaw dahilan para mapangiti ako. Nang tuluyan na akong makalabas ay napatingin ako sa paligid. Feeling ko ay hindi ito ang daan palabas.
Pero kahit masama na ang kutob ko dito ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napakunot pa ang aking noo dahil nagtataka ako kung bakit amoy kandila ang paligid. Ewan ko ba kapag mas naglalakad pa ako papasok ay mas lalong tumitindig ang balahibo ko.
Muntik pa ako mapasigaw ng bigla nalang may kung ano ang nabasag pero mabuti nalang talaga at tinakpan ko ang bibig ko or else delikado talaga.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang mga buto-buto sa swimming pool. Lahat sila ay nakasuot na white dress. I wonder if ako na ang susunod niyan. Napabuga na lamang ako ng hangin at pilit pinapakalma ang sarili ko. Ilang babae na ang nabiktima niya at alam kong hindi natatahimik ang kaluluwa nila.
Poor souls.
At isa pa talaga ako sa nabiktima. Napatawa na lamang ako at napailing. I can't believe I ruined my own life just to fight a man that is not worth it. Ni hindi man lang ako nakinig sa kapatid ko and he even sacrifice his life just to save me but failed.
I wonder kung bakit kailangan pa ako mabuhay. What's the purpose of my life kung wala na ang taong nagmamahal sa akin dito sa mundo?
Napahinto ako sa paglalakad at napakunot ang aking noo. A necklace?
Bigla nalang nag ilaw ang aking earrings. Sa sobrang init na nararamdaman ko ay bigla ko nalang hinubad ang earrings ko. Wait?! Nahubad ko ang earrings ko?
Nahubad ko ang earrings ko?! Napatakip na lamang ako ng bibig dahil sa nangyari. Narinig ko ang biglang pagbukas sa pinto kaya agad ko sinuot ang singsing at nagtago.
Napatingin siya sa paligid at bumaling ang atensyon niya sa kwentas. Sumeryoso ang ekspresyon nito dahilan para mas lalo akong kabahan.
BINABASA MO ANG
Nights With You
Romance(Completed) Calla Sali ang babaeng lumaki na palaging tinatawag na panget. Buong buhay niya hindi niya naranasan na mahalin ng tama. She was not anyone's favorite and she will never be chosen. Until one day her life changed. Gumanda siya bigla dahi...