Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa bahay ni Gallen. Gusto kong pumasok pero masama ang kutob ko eh.
“Am i just a coward?” Napailing nalang ako sa naisip ko.
Lumapit ako sa pinto. I'm Nesrin right now kaya hindi niya mapapansin na si Cal ako. Hinawakan ko ang doorknob at bigla nalang sumakit ang ulo ko. Napailing na lamang ako at agad na pumasok.
I looked at Gallen at nakainom siya ng beer nasa sofa nakaupo at wala itong emosyon. He looked at me and his expression changed. It became sad and worried na para bang iiyak na ito.
“Gallen?” What happened to him?
Agad siya lumapit sa akin habang umiiyak. I don't know what's the reason pero nalulungkot ako sa sitwasyon niya. Ayaw ko talaga siyang nakikitang malungkot. Hinaplos ko ang kanyang likod at ng humarap siya sa akin. I gave him a fake smile.
“I miss you, Nesrin. Akala ko mawawala ka sa akin.” Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi.
“Bakit mo naman naisip na mawawala ako sa'yo?” I asked. Hindi maiwasan na hindi mapakunot ang noo dahil sa pagtataka. Bakit ba nasa isip niya iyan?
“I just dreamed of it na nawala ka sa akin...” Napalunok ito ng laway. “I don't want to. I saw in the way you look how you hated me.”
Kumunot ang aking noo ng makitang malungkot ito, "Bakit naman kita kinamumuhian sa panaginip mo?"
Natigilan ito sa tanong ko pero umiling naman ito at niyakap ako pabalik dahilan para taasan ko siya ng isang kilay.
“I don't know. Hindi ko matandaan. I know it's just a dream pero ayaw ko na maulit iyon. Nakatatak na iyon sa utak ko.” Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkayakap sa akin to the point na halos hindi na ako makahinga.
“G-gallen, ang higpit.”
Agad niya ako binitawan at hinaplos ang buhok ko. Ewan ko talaga pero bigla nalang ako natakot sa nakikita ko.
“I'm sorry.” Hinawakan niya ang buhok niya at bumuntong hininga.
Umupo siya sa sofa at hinilamos ang sarili niya. I heavily sighed at umupo sa tabi niya at hinawakan ko ang likod niya.
“Just calm down, Gallen. It's just a dream wala naman mangyayaring masama sa reality.”
Ngumiti nalang ito pero alam kong napipilitan lang siya.
“I'm sorry, Nesrin. Can you— can you stay here tonight and be with me?” Napahinto ako sa kanyang tanong.
“No... i can't, Gallen. I'm sorry.”
Kumunot ang kanyang noo at mukhang hindi ito papayag na hindi ako mag stay dito. If he founds out about me?! Being a Cal! Lagot talaga ako?!
“Why is that? Never talaga kita nakikita sa umaga. Bakit wala ka sa umaga, Nesrin?” malungkot niyang tanong.
“It just... hindi ko talaga pwede sabihin sa'yo.”
“Hanggang kailan mo ba sasabihin sa akin ang totoo, Nesrin? I'm your boyfriend pero hindi mo sinasabi sa akin ang lahat. Ano bang silbi ko sa'yo?” malungkot niyang tanong. Magsasalita na sana ako pero agad na naman siya nagsalita. “Hindi kaya wala kang tiwala sa akin?”
“No, it's not like that,” alala kong sabi sa kanya.
“Totoo, Nesrin. You're not willing to trust me. You don't trust me at all even if it's the slightest. Wala akong nalalaman sa'yo na impormasyon even if girlfriend kita.” Kumunot ang kanyang noo. Halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na malungkot ito. “Do you even love me?”
“Of course, i love you, Gallen.” Hinawakan ko ang pisnge niya habang hindi nawala sa isip ko ang pag alala sa kanya. “You don't know how much i love you, Gallen.”
Mukhang natigilan pa ito sa sinabi ko. Halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na nagulat ito and I just giggled. He's so cute.
He kissed my forehead and he smiled warmly, “Alam mo talaga paano ako utuin.”
He hugged me again at nawala na ang ngiti ko. I need to break up with him ako na mismo ang naaawa kay Gallen. I'm such a selfish brat.
Ano na bang ginagawa ko? Gusto ko na talaga umiyak.
•••
“Isaiah.” Lumingon si Isaiah sa akin habang hawak na hawak niya ang lapis niya at papel. Nandito kami sa library at gumagawa ng homeroom.
“What? Mukha ka ng multo. Matulog ka ng maayos, Cal,” suway niya sa akin.
“Panget na ba ako?” Agad ko hinawakan ang pisnge ko but he just looked at me innocently na parang pinapamukha niya sa akin na wala naman nag iba sa mukha ko dahilan para samaan ko siya ng tingin. Muntik ko na nakalimutan hindi pala ako maganda.
“Wala naman pinagbago.” Sinamaan ko naman siya ng tingin at ganun pa rin siya para bang wala siyang alam kung ano ang ginawa niya. “Maganda ka pa rin naman.”
Napangiwi nalang ako dahil sa sinabi niya at umiling. Siya lang ang nagsasabi ng maganda ako and the rest they tell the truth.
“Sus, magsisinungaling na nga lang halata pa,” bulong ko.
Pero mukhang hindi niya ito narinig dahil nagsulat na naman siya sa homework niya. Nung nalaman ko na na magkapatid kami ay mas lalo niya pang ginalingan ang pag eskwela niya. Sanaol nalang talaga.
Slow learner kasi ako kaya kahit anong turo niya pa sa akin hindi ko talaga maintindihan. Napabuga nalang ako ng hangin.
•••
“Why are you doing this, Gallen?! This isn't you?! Hindi mo na ako tinatrato na tao! I look like a doll to you?! I'm not a doll! Gallen! Please stop this! Let me go!” Walang tigil ang pagtulo ng luha ng babae habang nakatingin sa kanyang nobyo na halos hindi na niga kilala ngayon.
The boy looks like a monster na may mantsa na dugo sa kanyang white long sleeve. Sinipa niya ang upuan dahilan para mapahiga ang babae dahil sa sakit na natama sa kanyang likod ay napapikit ito.
“If you didn't cheat on me hindi sana mangyayari 'to. Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito. Kasalanan mo 'to lahat! All I did was to love you and you fool me?! How dare you?!”
Agad ko naimulat ang aking mata at napakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Nights With You
Romance(Completed) Calla Sali ang babaeng lumaki na palaging tinatawag na panget. Buong buhay niya hindi niya naranasan na mahalin ng tama. She was not anyone's favorite and she will never be chosen. Until one day her life changed. Gumanda siya bigla dahi...