“What are you talking about?! At bakit magkamukha tayo?!” takang tanong ko.
Puno ng katanungan ang nasa isip ko. Umiiyak siya habang kaharap ako. Nakaputi na dress habang nakaharap sa akin. Sobrang ganda niya kahit umiiyak siya pero ang pinagtataka ko lang bakit sobrang kamukha niya ako kapag naging Nesrin ako.
“Wag ka magpadala sa kanila! Please save yourself! Save yourself!”
•••
Agad ako napabangon sa hinihigaan ko. Napakunot ang aking noo ng makita si ate na naka cross arm habang nakatingin sa akin.
“Mabuti naman at naisipan mo rin umuwi,” seryoso niyang saad sa akin.
“Ate, I—”
“Andito na lahat ng gamit mo.” Sinipa niya ang maleta ko dahilan na mas lalo kong pinagtaka.
“If you're wondering bakit nandito ang maleta mo sa harap mo. Pinapalayas ka na ng magulang natin,” nakangiti niyang sabi.
“What?”
“May dalawang tenga ka naman diba? Narinig mo naman sinabi ko. I said pinapalayas ka na ng magulang natin. Gosh!” Natigilan ako sa kanyang sinabi.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at tinaasan niya lang ako ng isang kilay.
“Hindi niyo talaga ako mahal hindi ba?” I asked.
She just smiled playfully habang nakasandal sa pader at naka cross arm.
“Is it obvious?” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. “Let me tell you a secret... Ampon ka lang.”
Sinampal ko siya at napatayo. Galit na galit ako sa kanya. Ilang taon na ba akong hindi niya matanggap bilang kapatid niya.
“Oo! Alam kong panget ako! Pero wag mo naman ako ganyanin! Kailan mo ba matatanggap na kapatid mo ako?!”
“Hindi nga kita kapatid! Ano ba?! Don't you understand what i just said?! I said you're adopted!”
Napahawak nalang ako sa tenga ko at napatalungko habang patuloy pa rin sa pag iyak. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko.
•••
Lakad ng lakad lang ako. Napahinto ako ng tumunog ang cellphone ko at nagulat nalang ako sa nakita. It's a dna result at pinakitang hindi talaga nila ako anak.
I just cried and cried. Nagulat na lamang ako ng muntik na akong mabangga ng kotse. I looked at the driver at nakitang gulat na gulat si Isaiah na nakatingin sa akin.
“What happened?” Agad siya lumapit sa akin at hinawakan ang balikat ko.
Hindi lang ako nagsalita at patuloy lang sa pag iyak.
“Hali ka. Iuuwi kita sa bahay.” Hindi lang ako nagsalita at napaghila nalang sa kanya.
Nang makarating na kami sa bahay niya ay pinaupo niya ako sa sofa at umalis. Mga ilang segundo ay nakabalik siyang may dalang tubig.
Umupo siya sa tabi ko habang hindi nawala sa ekspresyon ng kanyang mukha ang pag alala.
“What happened, Cal? Why are you crying?” malungkot niyang tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Nights With You
Romance(Completed) Calla Sali ang babaeng lumaki na palaging tinatawag na panget. Buong buhay niya hindi niya naranasan na mahalin ng tama. She was not anyone's favorite and she will never be chosen. Until one day her life changed. Gumanda siya bigla dahi...