“What did you say?”
Mukhang nabalik naman ito sa realidad at napatingin sa akin. Halata sa itsura niya na kulang ito sa tulog.
“What?” Base sa inasal niya hindi niya alam kung anong sinabi niya. Mukhang wala siya sa kanyang sarili.
“Ano bang ginawa mo kagabi? Bakit ang laki na ng eyebags mo? Sinabi ko naman sa'yo eh. Na wag mo muna unahin iyung ka chat mo. Malay mo hindi ka pa ipu-pursue niyan. Nagsasayang ka lang ng oras.” Sinamaan niya ako ng tingin dahilan para mag peace sig ako at napangiiti ng awkward. “Hehe peace!”
“What are you talking about? Wala akong ka chat,” walang gana niyang sabi sa akin.
“Ako pa talaga niloloko mo?” Sinamaan niya lang ako ng tingin dahilan para mamilog ang aking mata. “You're kidding, right?”
“Ewan ko sa'yo.” Umiling siya at umuna ng maglakad sa akin.
Kumunot lang ang noo ko. Problema nun? May ginawa ba akong hindii magandda sa kanya?
Agad ko siya sinundan habang binigyan siya ng matamis na ngiti. Ngunit tumingin lang ito ng saglit sa akin at masamang nakatingin na naman sa harap.
“Sinong lalayuan ko beh?” I asked habang may nakakaasa na tingin.
“Wala.”
“Sus wala raw tapos ganyan makaasta.” Tinignan naman niya ako kaya tinignan ko rin siya ng nakakaasar na tingin. “Selos ka no?”
“Ako? Nagseselos? Tsk!” Aba! Grabe talaga itong lalaki na ito makalait. Minsan talaga magtataka ako sa kanya kasi gusto niyang i-boost iyong confidence ko tapos pag nag joke ako na gusto niya ako ipapamukha niya naman sa akin na panget ako.
Ano ba talaga? I just rolled my eyes.
“Ewan ko sa'yo.” Umuna na akong naglakad at hinabol niya naman ako.
Siya na naman ang nanunuyo sa akin. Umiwas lang ako ng tingin habang pinipigilan ang tawa ko.
Napahinto ako ng mapansin kong may nakatingin sa akin. Hinanap ko iyon and nagtagpo ang mata namin ni Gallen.
Para bang nag slowmo ang mundo ko ng makita siya. Always naman eh. Sa tuwing nagtatagpo ang aming dalawang mata o nakikita ko lang siya parang nag slo-slowmo ang paligid ko.
“Hali ka na.” Hinila niya ako dahilan para agad ako napatanggal ng tingin kay Gallen at napatingin kay Isaiah na gulat na gulat.
Nang makalayo-layo na kami ay binitawan niya na ako habang hindi pa rin ito nakatingin sa akin. Napakunot lang aking noo dahil sa mga inasta niya.
Ang weird naman ng lalaking 'to.
Hindi nalang ako nagtanong kasi alam ko naman babaliwalain niya lang ang tanong ko.
•••
Nakatingin lang ako sa buwan habang sumasabay sa hangin ang aking blonde na buhok. Nandito ako sa rooftop ng school namin. Sinabi ko na kay Isaiah na mauna na siya kasi may gagawin pa ako sa school. Alam ko ng nagtataka siya bakit nakita niya si Nesrin sa loob ng kwarto ko.
And I hope hindi niya maisip na si Nesrin at ako ay iisa. Napabuga nalang ako ng hangin at napahilot sa sintido ko.
Agad ako napalingon sa pinto ng marinig kong bumukas ito. I saw Isaiah looking at me with his cold eyes na para bang inaasahan niya na nandito ako.
Bumuntong hininga na lamang ako at umiwas ng tingin. Napalingon nalang ako sa magandang view at nilasap ang masariwang hangin.
Aawayin na naman niya ako. Kahit alam kong he just want to protect her feelings. Pero beh! Nasasaktan pa rin ako kasi si Nesrin at ako ay iisa.
So parang inaaway niya rin ako. It's just the same. Ako iyong sinasabihan niya eh.
Magsasalita na sana siya pero agad ko na siya inunahan.
“If nandito ka para awayin ako. Wag mo na ituloy,” walang gana kong sabi sa kanya.
“I'm not here para humanap ng away. I'm just here because I want to ask you something.” Lumingon ako sa kanya at ngayon ay nakatingin siya sa akin ng seryoso. “Bakit nasa kwarto ka ni Cal?”
“Pardon?”
“Stop acting like you don't know anything.” Napapikit ito at bumuntong hininga. “Just answer my damn question.”
Hindi raw siya naghahanap ng away tapos ganyan ang tono ng pananalita niya. May saltik ba ito sa utak?
“Okay fine. Me and Cal are bestfriend and kaya ako pumunta doon kasi may hihiramin sana ako pero wala naman siya doon and I was shock kasi hindi ko alam na same pala kayo ng bahay.” Mukhang hindi pa ito naniniwala sa akin but I tried my hardest to look innocent.
He heavily sighed, “I didn't expect for you two to be bestfriend.”
“Why? Kasi may something sa amin ni Gallen?” I asked. I just chuckled. “You know if you really love that person you should let her/ him go kung hindi naman siya masaya sa'yo.” Kumunot ang noo nito na para bang hindi niya magets ang sinabi ko. I just smiled at him. Inosente talaga siya pag dating sa love. “You want to make that person happy, right?”
“Yes.”
“Come to think of it. Sige sabihin natin na nagkatuluyan si Cal at Gallen. But is she going to be happy kung si Gallen ay nagpapanggap lang na masaya sa kanya?” I asked dahilan para mapahinto siya. “Mas lalo niyang ikalungkot iyon kaya instead pinaubaya niya nalang sa akin ang taong mahal niya. Hindi mo ikakasaya ang pagiging selfish mo, Isaiah.”
Hindi nalang siya nagsalita at nakatingin lang ito sa akin. Why do I feel like may masamang nakatingin sa akin?
•••
“Ihatid na kita sa bahay mo.” Namilog ang aking mata sa kanyang sinabi.
“You don't need to.” Kumunot ang kanyang noo and hindi ko talaga pinahalata na kinabahan ako. I just act confused.
“And why not?”
“You're telling me why not? After everything you've done to me now you're being nice?!” Napamewang ako habang tinaasan siya ng isang kilay. “Are you being serious, Isaiah? Hindi ka talaga marunong umitindi.”
Umuna na akong maglakad and I just rolled my eyes. He chuckled.
“May naalala tuloy ako.”
“Si Cal na naman.”
“How did you know?” Bumuga nalang ako ng hangin.
“Si Cal lang naman palagi iyung iniisip mo eh na para bang wala ng iba. Tell me, is Cal really that special to you?” What am I to you Isaiah?
“Yes.”
BINABASA MO ANG
Nights With You
Romance(Completed) Calla Sali ang babaeng lumaki na palaging tinatawag na panget. Buong buhay niya hindi niya naranasan na mahalin ng tama. She was not anyone's favorite and she will never be chosen. Until one day her life changed. Gumanda siya bigla dahi...