ISANG LINGGO ganon katagal na kaming namamalagi dito sa maynila ni Bream. Halos araw-araw akong nagdarasal na sana ay huwag magtagpo ang landas naming dalawa ni Bram dahil hindi pa akong handa na harapin siya. Katatapos kolang magturo at mabuti nalang din at mababait ang mag estudyante ko.
Nasa labas ako ng Hamilton University na dapat ay papasukan ko noon pero hindi natuloy. Panay ang tingin ko sa aking relos dahil baka nagaalala na ang aking anak 6pm nadin.
" Nasaan naba ang mga sasakyan ngayon? Nakakainis." inis kong sabi at saka inayos ang pagkakahawak sa folder na naglalaman ng mga school records ng aking mga estudyante. Ilang saglit pa ay may tumigil na Bugatti sa tapat ko at ganon nalang ang kabang naramdaman ko na baka si Bram iyon.
" Estrella nice to see you again." napatingin ako sa lalaking nakasuot ng brown polo at pants napangiti ako ng makilala iyon.
" Faylon anong ginagawa mo dito? " taka kong tanong sa kanya panay ang sulyap ko sa paligid dahil baka biglang sumulpot si Bram.
" I'm here to pick up my girlfriend. She's studying here and wow Era you changed a lot.." sabi ni Faylon. Siya din naman maraming nagbago. " Ihahatid na kita okay lang ba? "
Luminga-linga ako sa paligid baka may tumigil na trysikle pero talagang wala ewan koba. Wala akong choice kundi ang sumakay sa magarang kotse ni Faylon pero ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang isang underwear.
" Oh! Fuck d-dont mind it.." nahihiya nitong sabi at mabilis na itinago sa bulsa ng pants ang panty. Ang wild din pala niya. " Ahmm how are you now it's been four years,"
" Maayos naman ako at isa nang teacher pero napalipat ako dito sa Hamilton University." kwento ko sa kanya. Gusto kong itanong kung kamusta na si Bram pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
" Aren't you asked me about Bram." taka akong tumingin sa kanya anong ibig niyang sabihin. " I mean it's been a year hindi mo manlang ba itatanong kung buhay pa si Bram.." natatawa niyang lintaya.
" K-Kamusta naba siya." naluluha kong sabi sa kanya ngunit pinigilan kong hindi pumatak ang mga iyon.
" He left Philippines two years ago at ang alam ko ay baka dun na siya manirahan for goods." hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating sa apartment namin.
Nang umalis ang sasakyan ni Faylon ay dun na ako napahagulgol ng iyak. Ang sakit sa dibdib para akong mababaliw na n-nagakala akong pwede pa kahit simula palang ay alam kong impossibleng mangyare iyon.
" Besh okay lang yan." napalingon ako kay Ella at siguradong kanina pa siyang nanonood sa akin. Niyakap niya ako habang umiiyak ako sa kanyang balikat.
" A-Akala p-pwede pa.." umiiyak kong sabi sa kanya. Mas humigpit naman ang yakap niya sa akin.
" Besh sigurado akong kakayanin mong palakihin si Bream nang wala si Bram sa buhay nyong mag-ina. Nandito lang kami para samahan kayo, " sabi niya kaya naman agad akong napangiti.
" Momma are you crying po? " agad pinunasan ang luha ko bago humarap sa aking anak na mukhang nagising dahil magulo pa ang kanyang buhok.
" No baby bakit naman iiyak si momma. Here may pasalubong si momma sayo, " napangiti siya ng makita ang dala kong Dunkin'donuts.
Napansin ko na nakatitig siya sa magaamang Rai, Elaine at Ron naglalaro sila at pare-parehong nagtatawanan.
" Momma gusto kona din pong makipaglaro kay Dada. Gusto kopo siyang makita.." sabi ni Bream para akong nanlambot ng makita ang luhang naglandas mula sa kanyang mga mata.
" B-Baby kasi hindi alam ni momma kung nasaan si D-Dada.." niyakap ko siya at ganon nalang ang gulat ko ng humagulgol siya ng iyak habang nakayakap sa akin.
" Momma please po.." napahawak ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko ay nahihirapan din akong huminga.
" I-I'm sorry baby." naluluha kong sabi sa kanya. Dahan-dahan kong inihiga sa kama si Bream mahimbing na siyang natutulog mabilis kong pinunasan ang luhang naglandas mula sa kanyang mga mata.
" Hindi mo ba talaga ipakikilala si Bream sa kanyang Ama? " napatingin ako sa may pintuan at nakita ko si Ella na nakatayo dun at hawak ang limang buwan na tiyan.
" Hindi ko alam pero sinabi ni Faylon na nasa ibang bansa na si Bram. Ayoko nang guluhin pa ang buhay niya.." sagot ko at saka pilit na ngumiti.
" Pero si Bream paano siya deserve niyang makausap at mayakap manlang ang kanyang Ama. Tanggapin man niya o hindi ang mahalaga ay nakilala siya ni Bream." napabuntong-hininga ako at saka inisip ang mga binitiwang salita ni Ella.
Para sa anak ko gagawin ang nararapat at yun ay ang makilala ni Bream ang kanyang Ama.
A N N E - K A G A B L E
YOU ARE READING
OBSESSION 3: Bram Griffin Villarreal
HumorMATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED The Villarreal family was known as the third richest in the world. Even the Villarreal Business Empires are known in business tycoons. Bram Griffin Villarreal are literally a womanizer he flirt and sex of them but h...