CHAPTER 27: PROPOSAL

949 7 0
                                    

KANINA pa akong palakad-lakad sa loob ng banyo habang hinihintay na lumabas ang magiging resulta ng pregnancy test. Two months ago nung may huling nangyare sa aming dalawa ni Bram kaya naman kaagad akong gumamit ng pregnancy test.



" P-Positive.." nauutal kong saad habang hawak ang tatlong pregnancy test at lahat iyon ay positive. Kaagad akong lumabas ng bahay at nakita ko si Bream na naglalaro.



" Momma okay kalang po? " malambing niyang tanong sakin kaagad naman akong tumango at saka tinawagan ang number ni Bram.



Nandito ako sa balkonahe nang aming silid sa Villarreal mansion. Naka-apat na tawag ako sa kanya pero hindi niya iyon sinasagot nakaramdam naman ako ng pagkainis.



" Are you okay, Era." napalingon ako at nakita ko si Mrs. Villar--este Mom nakatingin siya sa akin.



" Opo okay lang ako mukhang busy si Bram sa opisina kaya hindi masagot ang tawag ko sa kanya," malungkot kong lintaya.




Napagpasyahan kong puntahan si Bram sa kumpanya ngunit nasa kalagitnaan ako ng biyahe ng tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong kinuha sa dashboard at binasa kung kanino ang message.




Honey

- I'm sorry for not answering your calls honey. But can we meet in Paradise valley😘




Taka akong nakatingin sa message ni Bram napatingin ako sa paligid at madilim na pala. Binaybay ko ang daan papunta sa Paradise valley..nang makarating ako dun ay wala naman akong natagpuang tao.




" Bram.." tawag ko napatigil ako ng may naapakan akong isang bagay. Dahan-dahan ko itong tiningnan at nagtaka ako dahil pulang rosas iyon kaya naman kaagad kong pinulot.




Habang naglalakad ay puro rosas ang nakikita ko kaya naman nakaipon na ako ng sampung tangkay ng pulang rosas. Nang malapit na ako sa pinakadulo ng valley ay dun nagliwanag ang buong kapaligiran.




Nagpakurap-kurap ako nang makita ang  magandang ilaw sa isang puno. Napangiti ako ng makita si Bram na nakatayo sa may tabi ng lamesa, dinner setups.




" Honey do you like my surprised. I made this for us," hinawakan niya ang kamay ko palapit sa kanya. Nagtaka ako dahil pinasadahan niya ng tingin ang suot kong dress, kita na kasi ang dibdib ko.





" Ang ganda naman ng lugar na ito. Ang daming bulaklak," mangha kong sabi habang inililibot ang paningin ko.





" Let's sit." inalalayan niya akong maupo ang romantic ng set-up dahil merong candle light, red wine at vegetables salad.





Saglit na merong kinuha si Bram sa tabihan at saka may iniabot na bouquet of flowers. Napakagat-labi ako ng tanggapin ko ang bulaklak at dumukwang din siya ng halik sa akin.





" Ang sweet mo pala. Pero may surprised din ako sayo," sabi ko sa kanya. Tumayo ako saglit at ganon din naman siya, ipinulupot niya ang kanyang bisig sa beywang ko.





" And what is it honey sweetie.." sabi niya sa nangaakit na boses. Kinuha ko ang red box kung saan nakalagay ang pregnancy test. Binuksan niya ang red box at ganon nalang ang gulat sa kanyang mukha.





" .. Is this for reals. I-I'm gonna be a father!!!! " malakas niyang sigaw at hinalikan ang labi ko.





" I'm three weeks pregnant honey." masaya kong wika at tinugon ang halik niya. Mahigpit niya akong niyakap.





" I'm so happy to have you Era. You change my life, hindi na ako papayag na mawala kapa sa akin." sabi niya.





Napatakip ako sa aking bibig ng dahan-dahang lumuhod sa harapan ko si Bram. Inilabas niya ang blue box at nakangiting nakatingin sa akin napaluha naman ako.





" Estrella Marietta Salazar my honey, my queen, my everything. I want to spend my life with you  . WILL YOU BE MY WIFE FOREVER.." napaluha ako habang nakatingin sa diamond engagement ring.





" Y-Yes honey. Papakasalan kita Bram. Yes honey.." sunod-sunod kong sagot sa kanya.




Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at hinawakan ang isa kong kamay at saka isinuot ang singsing. Hinalikan niya ako sa labi na kaagad kong tinugon sobrang saya ko.





Panay ang kwentuhan naming dalawa tungkol sa mga nangyare sa amin sa nakalipas na taon. Sinubuan niya ako ng steaks na kaagad ko namang tinanggap.





" I love you, honey sweetie,"





" I love you too my handsome honey sweetie..." sabay kaming napangiti at nagpatuloy sa pagkain.





Handa na akong matali sa buhay na kasama ang lalaking handa g ibigay ang lahat sa akin. Hindi lang materyal na bagay kundi pati ang pagmamahal sa aming dalawa ng aming anak.





A N N E - K A G A B L E

OBSESSION 3: Bram Griffin Villarreal Where stories live. Discover now