CHAPTER 1

2.3K 16 0
                                    

TULALA akong nakatingin sa mga labas ng classroom namin. Katatapos lang ng unang klase namin, napatingin ako sa aking mga kaklase na may kanya-kanyang mundo. Wala akong kaibigan; hindi ako maganda at hindi kaputiang balat habang ang classmates ko ay magaganda at mapuputi.




Napagpasyahan kong pumunta sa open garden kung saan pwede akong tumambay. Tuwing sabado at linggo ay nagta-trabaho ako sa MINA CALLAHAN COFFEESHOP, ang sinasahod ko dun ay ginagastos ko para sa aking araw-araw na pangagailangan.  Kung meron mang nagtitira ay ipinapadala ko sa probinsya namin.




" Ang gaganda talaga ng mga bulaklak dito," masaya kong wika habang nakatingin sa ibat-ibang kulay ng mga bulaklak. Saglit akong napatigil ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.




( Era alam kong bukas kapa makakapag-trabaho kaya lang kailangan ka dito sa coffeeshop. Absent kasi si Jasmin, at maraming costumer dito ngayon )




" Sige ate Sara dadaritso ako diyan after class namin.." nadinig ko ang pagsang-ayon niya. Narinig ko ang bell hudyat na magsisimula na ang huling klase.




NAKARATING ako sa Coffeeshop ng 5pm na ng hapon dari-daritso akong pumunta sa locker at nagbihis ng uniporme. Totoo nga ang sinabi ni ate Sara hindi mahulugang karayom ang mga costumer ng coffeeshop.




" Estrella pasensiya kana talaga. Pansin mo naman kung gaano karami ang mga customer ngayon," sabi ni ate Sara. Estrella Marietta Salazar, fourth year highschool na ako at dalawang taon nalang ay gagraduates na.




" Okay lang ate Sara. Saka kailangan kodin ng extra job para sa nalalapit naming exam, " ngumiti naman siya sa akin.




" Era pwede mo ba itong dalhin sa opisina ni ma'm Mina. Kailangan kona talagang mag-banyo e.. " hindi magkaintindihang sabi ni Vina. Tinanggap ko ang isang tray na merong laman na coffee and sandwiches.




( Ang takaw mo kasing lumamon )




Dinig kong bulong ni ate Sara. Naglakad ako sa isang hallway at sa dulo nun ay ang opisina ni ma'm Mina, kumatok ng dalawang beses bago ito bumukas. Nakita ko si ma'm Mina katabi si sir Vance at sa isang sofa ay nakaupo ang nagga-gwapuhang apat na lalaki.




" Good morning ma'm Mina," ngumiti naman sakin si ma'm at napatingin naman ako sa kanyang mga tiyan na kanyang hinihimas.




" Era akala ko bukas kapa makakapag-trabaho? " takang tanong sakin ng amo naming babae. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa maganda niyang mukha.




" Nakiusap po kasi si ate Sara na magtrabaho ako ngayon dahil maraming costumer," nagpatango-tango naman siya. Pagtalikod ko ay napansin ko ang isang lalaking nakasuot ng gray shirts at pants, nakatitig ito sa akin pero hindi ko nalang pinansin.




Nang maisara ko ang pintuan ay narinig kopa ang usapan ng mga bisita ni ma'm Mina sa loob ng kanyang opisina.




( Fuck men's! Hindi ako pumapatol sa mas bata sa akin, sakit iyon sa ulo )




Bumalik ako sa coffee counter at saka humarap sa mga customer. Pinusod ko ang mahaba kong buhok saglit akong napatingin ng may lumabas mula sa hallway at lumapit sa counter.




" Good evening sir," magalang kong bati sa lalaki. Napalunok ako ng makita kung gaano siya ka-gwapo pwedeng-pwede siyang maging modelo sa isang clothing lines.




" Hey, I said give me cappuccino and vanilla sandwich," nabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi niya. Jusko lupa bumuka at lamunin mo ako. Kaagad akong lumapit sa coffee maker at tinimpla ang cappuccino.




" H-Heres your coffee and sandwich sir. Enjoy your coffee ." nang iabot niya ang card niya ay aksidenteng naglapat ang balat ko sa kanya.




Napalunok ako dahil parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng lumapat ang balat niya sa palad ko. Napakagat-labi ako ng iswipe ang card niya sa machine at muntikan ng lumuwa ang mga mata ko ng makita kung magkano ang laman ng red card na hawak ko. 1 B-BILLIONS!




" 590 pesos lang po ang inorder nyo. Meron po ba kayong cash," sabi ko sa kanya. Nagpatango-tango naman siya dahil sa sinabi.




" I don't have cash " sabi nito sa baritonong boses. Pasimple akong tumingin sa wallet ko at nakita kong meron pa naman akong pera na saktong 590 pesos.




" Okay napo sir binayaran kona muna ang inorder nyong iyan." sabi ko at inilagay sa kaha ang 590. Napatingin naman siya sa akin.




" Are you saying..you pay my ordered because you don't want to accept my red card," sabi nito sa akin. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.




" P-Parang ganon po sir," nakangiti kong tugon. Napaiwas ako ng tingin ng tumitig siya sa akin.




" You're so generous. Well here's my calling card, called me anytime if you need money so I can pay you." sabi nito at saka naglakad papalabas ng Mina Callahan Coffeeshop.




Napatingin ako sa hawak kong calling card na iniabot ng lalaki. Narinig ko ang pagharurot ng kotse sa labas ng coffeeshop.




" Bram Griffin Villarreal." basa ko sa hawak kong calling card. Napatingin naman ako sa likod ng card at muntikan ko ng mabitawan ito.




" VILLARREAL BUSINESS EMPIRES COMPANY "



A N N E - K A G A B L E

OBSESSION 3: Bram Griffin Villarreal Where stories live. Discover now