ISANG LINGGO ganon ko katagal pinagisipan ang pagkikitakita kay Bram. Nagpatulong ako kay Faylon at kaagad naman niyang sinabi na magkikita kami sa Heaven Restaurant. Nanginginig ang mga kamay ko nang maalala ang huling punta ko sa lugar na ito.
" Reservation for Bram Villarreal." sabi ko sa waitress kaagad naman niya akong inanyayahan papunta sa VIP room kung saan siya naghihintay.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at ganon nalang ang gulat ko ng makilala kung sino ang naghihintay sa akin. Hindi si Bram kundi si Mrs. Villarreal kapansin-pansin ang pagpayat ng ginang.
" Era how are you now," sabi ni Mrs. Villarreal hindi ko alam ang ire-reaksyon ko kaya naman napayuko nalang ako. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. " I-I'm really sorry Era. I did a stupid mistake at hindi ko alam kung kaya mo pa akong mapatawad."
" A-Ano po," naguguluhan kong tanong sa ginang sunod-sunod na naglandas ang luha ng ginang.
" I'm sorry kung nagawa ko kayong paglayuin ng anak sarili kolang kasi ang iniisip ko kaya nagawa ko iyon. Pero sana sa mga oras na ito ay mapatawad mo ako," sabi niya at akmang luluhod ng pigilan ko siya.
" Hindi nyo na po kailangang gawin iyan Mrs. Villarreal. Huwag po kayong maga-lala dahil napatawad kona kayo matagal na," sabi na mukhang lubos niyang ikinagulat. Mula sa aking maliit na bag ay inilabas ko ang wallet ko at kinuha don ang cheque na naglalaman ng limang milyon.
".. Ibinabalik kona din po pala ang perang ibinigay nyo sa akin noon. Huwag po kayong maga-lala dahil hindi kopo tinangkang gastuhin ito dahil nagsikap po ako ng sarili ko.." muling napaluha ang ginang at niyakap ako.
" Now I want to say; my son deserve a woman like you Era. Nasa California siya ngayon," napayuko ako dahil sa sinabi ng ginang.
" A-Ano pong ginagawa niya dun.." tanong ko sa malamlam na boses napatingin ako sa ginang ng bahagya siyang natawa.
" Puntahan mo ang lugar na ito. Please baka sakaling mapabago mo ang isip ng anak ko." sabi ng ginang at iniabot sakin ang isang papel. Naglakad na siya palabas ng restaurant at tulad noon ay sumakay siya sa kanyang magarang sasakyan.
UMUWE ako sa apartment na tinutuluyan namin. Nakita ko ang anak ko na nakalumbaba sa labas ng bahay, kaagad akong lumapit sa kanya. Tumakbo siya papalapit sa akin ng makita niya akong papalapit sa kanya.
" Momma! Na miss po kita." magiliw nitong sabi pinupog ko ng halik ang kanyang pisngi. " Momma nakita nyo na po ba si Dada? " wala sa sariling tumango na ikinamilog ng kanyang asul na mga mata.
" Pero hindi pa natin siya makakausap ngayon dahil marami pa siyang work okay lang ba sayo? " tumango siya at saka nagtatalon. Kinwento kaagad niya kay Rai at sa mga kapwa niya bata ang tungkol dun.
" Mabuti naman at napabago ko ang isipan mo Era. Nakita mo naman kung gaano kasaya ni Bream dahil sa sinabi mo sa kanya." lumapit ako kay Ella at mahigpit siyang niyakap.
" Thank you besh."
Naghanda na ako para sa pagpunta sa lugar kung saan naghihintay si Bram. Sana nga hindi niya ako ipagpatabuyan. Nakasuot ako ng Embroidery contrast lace ruffles dress at itim na high heels.
A N N E - K A G A B L E
YOU ARE READING
OBSESSION 3: Bram Griffin Villarreal
HumorMATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED The Villarreal family was known as the third richest in the world. Even the Villarreal Business Empires are known in business tycoons. Bram Griffin Villarreal are literally a womanizer he flirt and sex of them but h...