88

164 16 6
                                    

Ang akala kong tubig na nagmumula sa tubig ng ulan ay nagdulot ng pag-init ng aking mata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang akala kong tubig na nagmumula sa tubig ng ulan ay nagdulot ng pag-init ng aking mata.

It's a tears.

Kaagaran kong pinahiran iyon at nagalit muli sa sarili. Anong iniiyak-iyak ko??

Naglakad ako pabalik ng hotel ng basa. Buti nalang at madaling araw na at wala nang gaanong gumagalang tao at mangilan-ngilan nalang.

Pumasok ako sa silid at kaagad dumiretso sa bathroom. Hinubad ko ang pantulog na basa at nagsimulang mag shower. Naramdaman ko naman ang pagtaas ng mga balahibo ko sa sobrang lamig.

Pinatay ko ang shower at nagbihis ng oversized na t shirt at isang short, dahil wala na akong ibang baon na pantulog.

Kaagad akong nagtungo sa kama at binuksan ang cellphone. Binuksan ko agad ang message doon at hinanap ang contact ng taong hindi mapagpakali saakin.

Ako:
I'm sorry

Iyon ang sinulat ko na kaagad kong dinelete at hindi na sinend pa.

Nakailang attempt ako ng mensahe para sa kaniya pero hindi ko na ginawa pa at ilang oras na din akong pa delete-delete sa lahat ng messages na isinulat ko.

Humiga ako sa kama at pumikit. Puro ako pagulong-gulong sa kama pero hindi na talaga ako mapakali. Muli akong bumangon at napahilamos ng muka galing sa kamay. Unti-unti ko ng nakikita ang liwanag at sisikatan na kami ng araw, hindi padin ako nakakatulog sa sobrang pagkabalisa.

"Shit!!" Mahinang sigaw ko at tumayo at sinimulang iimpake ang gamit.

Alam kong mali tong ginagawa ko pero wala na akong pakielam. I still have work at hindi pa tapos ang shooting, but I don't care.

I want to see him.

Agad kong inayos ang gamit ko at hindi na nag abalang magsuot pa ng kahit anong damit. I am still wearing an oversized shirt and short. I wear black face mask and a cap.

Kaagad akong lumabas ng silid ng maingat at walang ibang ginawang ingay.

Agaran akong pumunta sa lobby at nag check out. May binayaran ako doon at nagmamadali naglakad.

Alam kong malabong makauwi ako lalo na't walang masasakyan, but connection to people will do.

I have my uncle na piloto sa Philippine airlines and I texted him for that. Kaagaran naman akong nireplayan nito at sinabing libre pa ako sa eroplano upang makaluwas ng Manila.

Hindi ko sinayang ang oras at kaagad bumyahe.

I will see u.

The Day We MetWhere stories live. Discover now