Biglaan akong napabangon nang mapagtanto ang ginagawa ko bago ko ipikit ang mata.
"Hala." Napahawak ako sa ulo at agad kinuha ang cellphone.
Napasinghap ako nang mapansin na pitong oras nang umaandar ang tawag namin at nakatulugan ko iyon.
Itinapat ko ang cellphone sa tenga ko at wala akong naririnig doon tanging paligid lang at ang isang malalim na paghinga.
Nakatulog din siya?
I immediately checked the clock at nakitang alas tres na ng madaling araw‚ at nakatulugan ko ang pakikipag usap kay Z.
Bagama't gusto ko siyang sabihan ayoko naman siyang magising ngayon at baka pagod din siya.
Hindi ko alam ang gagawin kaya minabuti kong tinuloy ang tawag at nag leave muna ng message sa kaniya para malaman niya.
Pinatay ko ang cellphone habang umaandar ang tawag at muli nalang humiga para matulog.
Papikit na ang mata ko ng may marinig akong kaluskos mula sa telepono.
"Love." Isang malalim na boses at halatang galing lang sa pagkakatulog. Agad kong idinilat ang mata at napabangon.
"Z?" Tipid kong sagot na patanong. Ewan ko‚ parang base sa boses wala pa yata siya sa katinuan.
"Hmm."
Umulit iyon ng tatlong beses at ilang beses ko din siyang tinatanong pero hindi siya sumasagot.
YOU ARE READING
The Day We Met
Short StoryAN EPISTOLARY: Zaira, a girl who downloaded an app for her language lessons, where she connects with a mysterious user named ziLo. Little does she know, ziLo is actually Zion Chester Lopez, a world-famous singer keeping his identity a secret to find...