Umaga ng magising ako mula sa sakit ng tiyan. Nalamigan yata ang tiyan ko.
Dumiretso kaagad ako sa cr upang umihi. Saktong pag-upo ko ay tumambad sa isipan ko ang nangyari kagabi.
Nakita ko sa salamin ang mukha kong nagmistulang kamatis sa sobrang pula.
Napahilamos ako ng muka matapos lumabas ng cr. Umupo muli ako sa kama at wala sa sariling pinukpok ang sarili ng unan.
What the fuck!!
Paano ako haharap sa kaniya ngayon?
Naghintay ako ng ilang minuto bago maisipang walang magagawa ang pagtunganga ko dito at pagwawala‚ dahil makikita at makikita ko padin siyang ngayon at sa mga susunod na araw dahil sa trabaho.
Tumayo ako at tuluyang nag-ayos ng sarili‚ ang call time namin ay ala una ng hapon‚ katirikan ng araw pero iyon ang gusto ni direk.
Naligo ako at nagsuot muli ng summer dress‚ hinayaan kong nakalugay ang buhok‚ at nagsuot ng sunglass.
Papalabas palang ako ng pintuan nararamdaman ko na ang kabog sa dibdib.
At sa sobrang kaba nga‚ natisod pa ako sa paglabas ng pintuan. Napahawak ako sa noo at napasinghap.
"Good afternoon Ma'am Montez‚ sabay na po tayo."
Napalunok pa ako ng marinig ang boses ng babae na tumawag sa akin. Kaagad akong napalingon doon at nakita ang isang babaeng staff. Napatikhim ako ng mukhang nakita niya pa ang pagkatisod ko.
Ngumiti ako at bumati.
"Good afternoon." Nginitian ko siya.
"Ma'am hindi ka po namin nakita kagabi? Nakapagpahinga po ba kayo?"
Napalunok muli ako ng magtanong ang staff ng personal na tanong‚ feeling ko alam niya ang nangyari kagabi.
Pero hindi.
"Ahh‚ oo nakapagpahinga naman‚ I mean yes‚ maaga lang akong nagpahinga." Nauutal pa na sagot ko.
Tumango ito at nagsimula na siyang magtanong tungkol sa trabaho.
YOU ARE READING
The Day We Met
Short StoryAN EPISTOLARY: Zaira, a girl who downloaded an app for her language lessons, where she connects with a mysterious user named ziLo. Little does she know, ziLo is actually Zion Chester Lopez, a world-famous singer keeping his identity a secret to find...