80

445 17 1
                                    

Kung kanina ay pawis na pawis ako sa init na dulot ng araw‚ ngayon naman ay halos magkaroon ako ng sipon at ubo sa sobrang lamig na dulot ng buwan at gabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kung kanina ay pawis na pawis ako sa init na dulot ng araw‚ ngayon naman ay halos magkaroon ako ng sipon at ubo sa sobrang lamig na dulot ng buwan at gabi.

"Congrats everyone!!" Nakita ko ang sigawan ng mga tao sa paligid ko‚ agad akong nakisali sa palakpakan at natuwa sa unang set ng commercial na natapos ngayong araw. It's good and they all did well.

"Ano gusto nyo? Sa labas kumain or sa bahay namin? Deliver nalang?" Si direk iyon na kaagad nag-aaya para sa pag ce-celebrate na rin nang natapos namin na film sa unang pagkakataon.

"Sa bahay niyo nalang direk."

"Dito nalang sa BGC direk‚ may masarap--"

"Hindi direk doon tayo sa night club!"

"Hala oo nga!!"

"Shet tara na!"

"Saan?"

"Doon Direk sa XYLO at the palace."

Agad akong napahawak sa noo ng mukhang mag ba-bar pa ang mga kasamahan.

I can't stay longer around him

"What? Can we go there without reservation?" Si direk iyon habang nakataas ang kilay.

Yup I think bawal.

"Walk-ins are allowed direk. Pero wala tayong table." Ang isang staff doon.

Napalunok ako at nagsalita.

"Huwag nalang doon kung ganon--"

Ngunit agad naputol ang sasabihin ko ng biglang sumabat ang lalaking iniiwasan ko buong araw.

"My buddies are there; I was invited but declined due to the shoot. You can come with me under my name." Malamig ang pagkakasabi niya noon but it seems natural to everyone. Baka ako lang talaga ang overthinker at ako naman siguro ang may atraso sa kaniya.

Napalunok ako at napailing ng palihim.

I want to go home.

"Eh 'yun naman pala. OMG let's go!!" Ang ibang artista ay nagsimulang mag enjoy."

"What!!" Si direk na natutuwa at nagsimula ng maglakad upang sumakay sa sasakyan.

"Uhmm direk..." Binasag ko ang kaingayan ng lahat nang tawagin ko si direk.

"Uhh‚ uuwi nalang ako direk. I think--"

Napapikit ako ng muli nila akong putulin. God! I can't handle this stress.

"No!!"

"First night natin 'to Miss Montez‚ sumama kana."

"Kaya nga ma'am."

"Let's go‚ dito kana sa sasakyan ko‚ para sure akong hindi ka tatakas." Ang intensyon na pumalag ay hindi ko na nagawa nang simulan akong kaladkarin ni Direk patungo sa kotse niya.

The Day We MetWhere stories live. Discover now