89

203 12 1
                                    

Napapikit nalang ako ng kusa matapos makahinga ng maluwag ng tuluyang makasakay sa eroplano

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napapikit nalang ako ng kusa matapos makahinga ng maluwag ng tuluyang makasakay sa eroplano. I immediately turn off my phone.

Wala na akong balak pang buksan iyon hanggat maari. The next time I will open it paniguradong para lang malaman kung nasaan siya.

I don't want to have any connections with the work team, I don't care if mawalan man ako ng trabaho, ang tanging tumatakbo sa utak ko ngayon ay ang makita siya at makahingi ng kapatawaran.

Hindi magandang nag dulot pa ako ng dagdag sa problema niya.

Napalabi ako at pinikit ang mata, pinilit matulog pero hanggang pikit lang talaga ang kaya ko dahil sa dami ng tumatakbo sa isipan.

Hindi muli ako nakatulog sa byahe hanggang sa tuluyang lumapag ang eroplano.

"Thank you so much uncle." Sinserong bigkas ko matapos makita ang titong piloto at agad itong pinasalamatan.

"It's nice meeting you again hija. Mag iingat ka ha. Ikumusta mo nalang ako sa mga magulang mo."

Ngumiti nalang ako doon at agad nagmadali.

Agad kong tinahak ang loob ng airport at doon mas lalong binilisan ang lakad. Kahit maaga ay marami-rami paring tao doon. Kahit buong muka ay takip, nakita ko ang pag baling ng ibang tao sa gawi ko. Napalunok ako at halos patakbo ng naglakad palabas ng airport.

Agad akong nakaramdam ng kabog sa dibdib ng makita ang iilang camera ng telepono sa gawi ko, napansin ko iyon mula sa ibang mukhang nakalimutang may flash ang camera.

Hindi ko alam paano at bakit nila ginagawa ang bagay na iyon.

Nakahinga ako ng tuluyan ng makalabas mula sa airport, kaya lang kaagad muli akong napalingon ng bigla ay makaramdam ako ng ingay sa paligid, hindi kalayuan sa akin.

"Ma'am can we execute an interview for a moment?"

"What's your opinion po about Mrs, Lopez Death?"

"Ma'am, Is it true na galing kayo sa Boracay to follow, Mr. Zion? Upon knowing about His mom?"

"Ang ganda nya grabe."

"Hala, kumusta kaya sila ni Zion."

Napaismid ako at tinignan ang paligid, doon ay napansin kong hindi saakin nakadirekta ang mga telepono at camera.

Napalunok ako at kaagad nakita sa isang gawi ang mga taong nagkukumpulan at nakapalibot sa isang tao. Isinirit ko ang mata at napalunok sa nakita.

She's a tall girl wearing a black dress and a black stiletto, habang nakalugay lamang ang ginger nitong buhok st kung titignan ay sobrang lambot.

Napalunok ako nang may maalala sa kulay ng buhok na iyon, gayundin ang pamilyar na mga pangalang naririnig ko mula sa kapaligiran.

"Please give them privacy."

"You should stop the interview."

"Respeto naman."

"Hey! Stop the camera.

Nagkakaguluhan na ang mga tao doon at laking pasalamat ko ay biglang may humintong taxi mula sa tapat ko.

"Kuya papunta po sa--" Kaagad akong napahinto sa pagsasalita sa driver ng bigla ay padausdos akong naitulak mula sa loob ng taxi, doon ay natanggal ang cap na suot ko at lumugay ang buhok, lumingon ako sa taong tumulak sa akin at balak ng singhalan nang may mapagtanto.

"Kuya, please, name your price, just drive me to this direction." Nakita ko ang paglahad nito ng telepono. "It's like two hours po ang byahe, It's a funeral around QC. Kuya please, thank you. I will pay any amount." Pagpapatuloy niya.

Tila nakalimutan yata ako ng babaeng ito matapos walang ano-ano'y nilahadan kaagad ang driver ng direksyon.

Ang pagiging lito ko ay mas lalong nabahidan ng pagkagulo matapos maramdaman ang mga ilaw na lalo yatang dumami sa paningin ko.

Nakabukas pala ang window ng taxi at doon ay tumambad ang hindi magkamayaw na camera sa mismong harapan ko o harapan ng katabi ko.

"OMG!!"

"Hala!!

"It's pink hair girl."

"Oh Gosh!! That's her!"

"Pink hair girl with Ms. Lilly?"

Doon ay kumabog ang dibdib ko, natanggal pala ang cap ko.

Humarap ako sa kabilang banda at iniwas ang muka sa nakapalibot na mga camera. Tuluyang sumara ang window ng taxi, at saka ko naramdaman ang pag-andar ng sasakyan.

"Gosh!! Those paparazzi are crazy!!" Sabi ng naiinis kong katabi.

The Day We MetWhere stories live. Discover now