84

409 18 6
                                    

"Saan ka nanaman nanggaling?" Hindi parin nawawala ang inis sa boses ni Direk matapos niya akong makitang lumabas ng hotel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Saan ka nanaman nanggaling?" Hindi parin nawawala ang inis sa boses ni Direk matapos niya akong makitang lumabas ng hotel.

Napalunok ako at pinili nalang manahimik‚ hinahayaan ang tinginan ng ibang mga staff. Now I understand bakit kailangan ganito ang mga tinginan ng lahat.

Tumikhim ako at sumunod sa mga staff. Nag iingay ang mga ito at nagtatawanan‚ isama mo na rin ang mga artistang gaganap sa commercial.

I can see Chester right through my peripheral vision‚ but I just don't want to look at him. Tila'y nawalan ako ng gana sa mga nakita mula sa internet‚ at feeling ko alam niya din ang tungkol doon. It's just so awkward.

Kahit gabi na at madilim sa nilalakaran namin‚ napaka dami paring mga turista ang gising at ang nga nasa dagat‚ kaya ang akalang payapang paglalakad-lakad ngayong gabi ay tila kasalungat nito ng makita ko agad ang mga mapanghusga o kaya naman nakikichismis na mga mata ng mga tao mula sa gawi namin. Lalo na ng mga nakikita kong mga lokal. Some foreigner must know about Chester but not me. Pero ibahin mo ang mga Pilipinong natural na yatang ma chismis kahit saang sulok ng mundo.

"Hi Zion!!"

"Zion can we take a picture?"

"Hello."

"Zion OMG!!! I didn't know that you're here."

"Can we take a picture?"

At ang inakala ng lahat ay nangyayari na‚ dinumog nanaman si Chester ng mga tao. Napatikhim ako at piniling lumayo mula sa kinatatayuan ng mga staff at lalo na kay Chester.

Kaya lang ang desisyong pag galaw ay mas lalong nakakuha ng atensyon mula sa tao. Napalunok ako at nakaramdam ng kaba.

"OMG!!"

"Hala si ate."

"OMO Pink Hair Girl????"

"Hi ate."

"Ate picture po?"

Napalunok ako ng kusa nalang lumapit ang mga tao sa akin kaya kahit may mga nag f-flash ng mga camera doon‚ hindi ako makatingin o makangiti manlang. Iginala ko ang paningin at nakita ang pag tingin sa akin ng mga staff at ibang artista‚ parang wala naman silang pake doon‚ at may mga sariling mundo sila‚ si ate Kiesha ay nasulyapan kong tumatawa at sumusulyap sa gawi ko‚ nakita ko pa ang pagngiti niya. Si Direk ay nahagip din ng paningin ko at nakita ko na ang pamumula sa muka nanaman niya.

Napayuko ako at walang ibang ginawa habang nag pi-picturan sila doon katabi ako. I don't know how to act around people. Hindi ako sanay sa ganito. Yes I have exposure on some other platform‚ such Instagram pero hindi naman ganon karami iyon‚ at kapag lumabas ako hindi 'yung tipong magpapa-picture na ang mga tao‚ talagang kakaiba ang isang ito.

"Tama na po iyan."

"Ma'am dito na po kayo."

"Hello‚ Let's just give them privacy."

The Day We MetWhere stories live. Discover now