92

112 11 1
                                    

Hindi ako magkanda ugaga sa gagawin ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ako magkanda ugaga sa gagawin ko. Nakatayo ako doon at niligpit muna ang pinagkainan.

Hindi na siya muling lumabas, matapos niyang pumasok sa kuwarto. Mukha siyang stress sa muka palang, pero sabi ng babae kanina ay hindi pa siya kumakain. Hindi puwedeng ganoon.

Matapos kong ligpitin ang pinagkainan, kaagad akong parang mababaliw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Baba at makihalubilo sa baba, sa mga tao? Pero wala akong kakilala ni isa doon. O kakausapin si Chester na mukhang walang balak kumausap ng kahit na sino kahit ako.

Napahawak ako sa buhok at maingat na naglakad papunta sa gawi ng kuwarto, There's no way, I'll go down there. Kung galit man siya sa akin, at least kakilala ko naman siya. After I said sorry to Him, I can go home.

Dahan-dahan kong idinikit ang tenga sa saradong pintuan. I don't know.

Tulog ba siya? Umiiyak?

Hindi ko alam ang gagawin. Tatanggalin ko na sana ang tainga ko sa pintuan ng dahan-dahan kong maramdaman ang pagbukas ng pintuan.

Fuck!! Just Fuck!!

Napalunok ako at kaagad nag-angat ng tingin sa bagong ligo na Chester.

Naka kulay Black na t-shirt ito at itim na board short.

Ngumiti ako at hindi alam ang gagawin. Mukhang hindi niya nagugustuhan ang nakikita.

Nakakunot ang noo nito at naiinis na nakatingin sa akin.

"What do you want?" Malamig na pagkakasabi nito at sabay deretso sa may kama ng kuwarto, hindi sinarado ang pintuan kahit nasa labas pa din ako.

Namutawi ang matagal na katahimikan nang hindi ko alam ang sasabihin.

"I.." Hindi ko matuloy ang sasabihin.

Nasa labas padin ako at hindi magawang pumasok manlang sa loob. Puwede naman na akong umuwi ngayon, o magpakain sa lupa.

"Come in." Mas malamig na sabi nito habang abala sa pag-aayos ng gamit at wala manlang balak balingan ako ng tingin.

Dahan-dahan akong naglakad papasok at isinara ang pintuan, mas naglakad pa ako doon at tumayo sa harapan ng kama. Hindi alam ang gagawin.

"I'm sorry." Nauutal at nangangatal kong pagsasalita.

Parang binagsakan ako ng langit at lupa ng hindi manlang ako nakaramdam ng kahit anong response sa kaniya.

"I'm really sorry. I didn't know." Mas lalo akong kinabahan at nakakaramdam ng pangingilid ng luha. "I'm sorry. I'm sorry for slapping you, I'm sorry for everything that I said. I'm sorry sa lahat. I'm sorry." Tuluyan kong hindi napigilan ang emosyon at tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha.

Kung hindi niya ako mapapatawad then so be it. I just need to say sorry. Hindi yata ako mabubuhay ng maayos kung may nakatanim sa akin na guilt.

"Hindi ko alam na namatay--"

"So kung hindi namatay ayos lang?" Malamig nitong pagsasalita.

Umiling ako ng sunod sunod. I'm trying to hold an eye contact with him, pero hindi siya naglalaan sa akin ng tingin.

"No.." Hindi ko madugtungan ang sasabihin, hindi ko na alam. "I'm really sorry." Doon ay hindi ko napigilan ang paghikbi. Tuloy tuloy ito.

Nakita ko ang pagkatigil nito sa ginagawa, ngunit hindi padin nag-aangat ng tingin. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagpikit nito at pagbuntong hininga.

Pinunasan ko ang luha kahit napapahikbi padin.

"I really just want to say sorry, I'm not expecting you to forgive me--"

Nagulat ako sa biglaang pagtayo nito. Doon ay nakita ko ang namumula nitong mata. He's about to cry. Tila nagsasalamin kami ng emosyon sa isa't isa.

Naramdaman ko agad ang paghila nito sa akin. Mas lalo lang akong naiyak ng maramdaman ko ang mahigpit nitong yakap sa akin.

"I'm so sorry." Tila nagsusumbong na bata ako habang ang mukha ay nasa dibdib niya.

"I miss my Mom." He cried.

Doon ay naramdaman ko ang paggalaw ng balikat niya. Walang tigil sa pag-iyak. Nag-angat ako ng tingin habang yakap-yakap ito.

He looks so miserable.

"I know. I Love you." wala sa sariling pagsasalita ko. Nauunahan ako ng emosyon.

But I know that I meant it.

Natigilan ito at dahan-dahang tumingin sa akin.

Mas lalo akong naiyak ng makita ang hindi maipaliwanag niyang ekspresyon.

"I love you since then." Pag-aamin ko. Naiyak ako at kumalas sa yakap niya. "I'm so sorry sa lahat. Feeling ko sobrang unfair ko sayo. You didn't do anything bad to me. Hindi mo deserve yung pang iiwan ko sayo six years ago. Hindi mo deserve ung malamig na trato mula sa akin matapos nating magkita. You don't deserve me."

Marahan niyang hinawakan ang siko ko at lumalapit sa akin kahit palayo ako ng palayo. Nakita ko ang paglamlam ng mata nito.

"Kaya kung ayaw mo sa akin, naiintindihan ko. You deserve a better person. You deserve someone who will love you not the way I do.."

"What are you saying--"

"I just want to say Goodbye If you don't want me--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng hatakin ako nito nang mas malapit sa kaniya.

Without a word, Chester cupped my face. Our lips met in a tender dance. Time seemed to pause as the kiss unfolded a delicate blend of vulnerability and passion.

A soft murmurs of shared affection echoed on my mouth, weaving an unspoken language that only Him and I understood.

Kaagad kong nasuklian ang halik niya sa akin na mas lalong lumalala habang tumatagal. Parang adiksyon na ayaw ng matigil pa.

Mas lalo kong naramdaman ang paghawak niya ng mahigpit sa bewang ko. Umupo siya sa kama habang dala dala ako sa kandungan. Naramdaman ko pa ang pagbaba ng halik nito sa bandang leeg. Ramdam ko ang pagkasabik niya sa mga halik.

"I love you." namumungay na sambit nito.

Muntik na akong maiyak sa sobrang sinsero nito. Ngunit bago ko pa iyon mailabas muli kong naramdaman ang nanabik niyang halik.

The Day We MetWhere stories live. Discover now