"Nasaan ka?" Nakita ko ang sariling nakikinig mula sa telepono.
Boses iyon ni Shia‚ bagamat naririnig ko ang ingay sa kaniyang paligid‚ naririnig ko parin naman siya ng malinaw.
"Uuwi na ako." Tipid kong sagot.
"Huh? Ano? Bakit? Anong nangyari?" Si Shia na halata sa boses ang pagpapanic.
Lumunok ako at walang ganang sinagot siya sa katanungan.
"Masama pakiramdam ko‚ para akong mag c-collapse." Alam kong nagsisinungaling ako pero nagiging totoo din naman ako. Ipinagpasalamat ko ang baradong ilong dahil mukhang sinisipon na ako sa tono ng boses ko.
Nanghihina din ako sa hindi malamang dahilan‚ pero ipinagpatuloy ko ang paglalakad.
"Huh? Eh ano kotse dala mo?"
"No‚ maaga pa naman. I'll commute."
Narinig ko ang kumusyon ng mga pinsan ko sa kabilang linya‚ pero pinatay ko na agad ang cellphone.
Natapos ang tawag at sinilid ko ang cellphone sa maliit kong bag. Nagpatuloy ako sa paglalakad at tumigil sa gitnang kalsada. Nabablangko parin ang isipan ko sa nangyari sa loob ng arena na iyon. Tanaw ko parin ang buong stadium‚ pero ayoko nang sulyapan pa.
Pumara ako ng taxi at madaming tinanggihan ang pag para ko. Napalunok ako ng mahigit twenty minutes na akong nakatayo sa kalsada at wala paring taxi na maaring masakyan ko.
Bigla ay nakaramdam nanaman ako ng pag-init mula sa gilid ng mata. Kumurap-kurap ako upang mapigilan ang nagbabadyang pagpatak ng kung ano mang likido sa mata.
Nanginginig akong umupo sa gilid na kalsada at nagpapasalamat na walang tao don. Tanging mga sasakyan na dumadaan pero hindi alintana dahil masyadong malayo mula sa kinatatayuan ko.
Napalunok ako at naglakas loob buksan muli ang telepono. Nanginginig akong inopen ang twitter account at tinipa ang pangalan ng taong dahilan ng panghihina ko ngayon.
Ngunit bago ko pa matapos ang pagtitipa sa pangalan niya‚ nakita ko na kaagad ang trendlist sa twitter na ngayon ko lang nakita at napansin ang lahat-lahat.
"Sasakay ka ba miss?" Bago ko pa buksan ang trendlist na iyon‚ narinig ko na ang pagbusina ng isang taxi.
Napaangat ako ng tingin at hindi na naghintay pa ng iba‚ sumakay na kaagad ako don at nagsimulang umandar ang taxi.
"Kuya sa Buendia po." Mahinang usal ko. Hindi ko narinig sumagot ang driver ngunit nagpatuloy lang siya sa pagda drive.
Hinayaan kong umandar ang taxi at inopen ang nangunguna sa trendlist. Kaagad kong nakita ang iba't ibang mga post doon.
Napalunok ako nang makita ang picture doon na tweet ng isang fan.I am about to open the tweet to read the replies when I instantly heard the stereo from the taxi‚ playing 'I Want You So Bad' by Chester.
Talagang para sa kanila yang kanta na 'yan no?
"Kuya‚ pakilipat naman po yung song." Mahinang bulong ko‚ nakita ko ang pagbalin nang tingin sa akin ng driver.
"Huh? Ma'am huwag ho‚ aba'y hindi ho ba kayo fan ng singer na iyan? Fan ho ang anak ko niyan ni‚ sino nga iyan? Si Shion? Ziyon? Zy?"
"Zion po‚ Chester‚ Zilo." Ako na ang nagtama sa kaniya.
"Aba'y oo. Fan ho ang anak ko niyan. At grabe makabili ng postcard ho niya‚ at fan daw siya ni Zion at Ma'am Lilly. Ngayon ay ay may concert daw sila. Ayon nalulungkot at di nakapunta."
Agad akong yumuko at napapikit sa topic namin. Halatang gusto pang magsalita ni kuya at ang sama naman siguro ng ugali ko kung patatahimikin ko siya.
"Nasa Arena ho ba kayo kanina Ma'am? Galing ho yata kayo don eh? Ganda pa ng ayos niyo ho?" Si kuya na nagiging matanong na.
"Opo." Ako sa maikling sagot.
"Gano'n ho ba? Aba'y apaka swerte niyo naman ho? Sabi ng anak ko'y may spisyal guest. Sino nga ho ba iyon?" Siya habang nakikisabay pa sa I want you so bad.
Sure bang ang anak niya ang fan ni Chester o siya mismo?
"Hindi ko po alam‚ hindi ko na po tinapos ang concert."
"Ayy ma'am? Ano ho? Aba'y sayang naman? Bakit hindi niyo ho tinapos?" Napasigaw ang mama doon at naghisterikal.
"Boring po."
YOU ARE READING
The Day We Met
Short StoryAN EPISTOLARY: Zaira, a girl who downloaded an app for her language lessons, where she connects with a mysterious user named ziLo. Little does she know, ziLo is actually Zion Chester Lopez, a world-famous singer keeping his identity a secret to find...