"OMG!!! Are you going in the same direction or like, madadaanan ba namin ang destination mo?? I didn't know na may sakay ka pala kuya?" Kaagad siyang bumaling sa driver. Balak ng magsalita ng driver nang dagdagan niya pa ang sinasabi. "I'm so sorry, talagang need ko lang makaalis sa kamay ng mga camera." Mukha na siyang maiiyak sa reaksyon niya at halatang namomoblema.
Napalunok ako ng sa sobrang lapit niya sa akin ay tila mayayanig ang utak ko.
She look so beautiful. Flawless at walang ka pores pores sa muka. Ang kanyang ginger na buhok ay tila kumikinang. Akala mo'y may glitters ang buhok. She looks normal naman sadyang maganda talaga ang taong ito at sobrang bango pa.
Palagi ko lang siyang nakikita sa social media, not because I am interested, pero kasi lagi silang trending lalo na sa Twitter at ibang mga platform, at kung anong itsura niya sa media, hindi maikakaila na ganoon din ang itsura niya sa personal, mukhang mas maganda pa nga.
Kaagad akong napaiwas ng tingin at nakaramdam ng hiya.
Alam mo yung kahit mukha siyang stress, ang elegant niya pading tignan.
Kaagad akong hindi makasagot at natahimik hindi ko alam ang sasabihin.
Should I just volunteer to be dropped off in the middle of the road?
Pero hindi ko din alam ang pupuntahan, and knowing her, at tungkol sa direksyon na sinabi niya sa driver. Hindi naman ako bobo para hindi malaman na parehas kami ng pupuntahan ngayon.
Sabihin ko bang kakilala ko si Chester at sasabay ako sa kaniya?
Kaagad tumanggi ang utak ko.
I might end up looking foolish in front of her, and I'm not even sure if this girl recognizes me. She might just think I'm another die-hard Chester fan wanting to show support to the family.
"Uhh, maaga pa naman siguro, It looks like, mas important ang pupuntahan mo, uh, maybe. Puwede ka namang mauna--"
"Omg, thank you so much girl. Kuya I will add payment for her as well, please drop her sa destination niya after ko makababa. Thank you kuya." Nakita ko ang pag ngiti niya at mukhang nakahinga na siya ng maluwag.
Pasimple akong napakagat labi ng maisipan ang binabalak. I'll also get off after she leaves the car.
Kaagad din naman akong napaisip, bakit siya lang mag isang bumabyahe, knowing na she's a famous star? Hindi siya nag-iingat na maari nga siyang harangin ng mga paparazzi.
Napayuko nalamang muli ako. Namutawi ang malakas na katahimikan sa loob ng sasakyan, tila nakakaramdam ako ng panginginig at para mabawasan iyon, minabuti ko nalang iopen ang cellphone ko at naglakas loob na buksan ang mga social media platform. Kahit pa mukhang inaasahan ko naman ang mga headline, hindi parin ako masanay sa mga nababasang komento mula sa publiko.
YOU ARE READING
The Day We Met
Short StoryAN EPISTOLARY: Zaira, a girl who downloaded an app for her language lessons, where she connects with a mysterious user named ziLo. Little does she know, ziLo is actually Zion Chester Lopez, a world-famous singer keeping his identity a secret to find...