PROLOGUE

9.2K 86 2
                                    

After kung magbayad sa counter binuhat ko na ang pinamili ko at lumabas na ng grocery store.
hindi naman marami ang pinamili ko kaya inilagay kona kang sa backseat, bubuksan kona sana ang driver seat ng tumunog ang phone ko. agad kona itong sinagot.

"hello?"

"love, where are you?"

Si Geo lang pala... Akala ko si Coleen, kinukulit kasi ako nun na sumama sa kaniya sa party ni Khalil.

"nasa grocery store ako.. Papauwi narin ako sa condo ko, Ikaw? kumusta ang meet up niyo ng uncle mo?" balik na tanong ko at pumasok na sa loob ng kotse.

"Ok na naman, we talked a lot of things. Most of them related to business you know." I heard him chuckle, Which make me happy.

"ohh i forgot to tell you , sa sabado na pala ang birthday ni khalil and he invite us to come."

"kinukulit nga ako ni Coleen na sumama sakaniya.. Geo alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganyan." sabi ko habang kinakabit ang seatbelt.

"alam ko.. Pero sana pagbigyan mo ako this time. You always refused whenever i asked you to go out on a party." may pagtatampo sa boses nito

"at least hindi ako tumatanggi kapag niyaya mo akong mag date."

Totoo naman. kapag nagyaya siya na magdate kami. naglalaan talaga ako ng oras makasama siya. Pero pagdating sa mga gatherings and parties... I'm off.

"fine, hindi na kita pipilitin." pagsuko niya na ikinatawa ko.. "I'll hang on now love, love you.. drive safely ok."

"ok, i love you too"

After kung maibaba ang tawag pinaandar kona ang kotse.

Medyo maganda na ang takbo ng buhay ko ngayon, may Mapagmahal akong boyfriend, makulit na bestfriend ,may sarili narin akong condo.. Ayoko na kasing tumira sa bahay ng daddy ko Lalo na't nandun ang bago niyang asawa kasama ang dalawa nitong anak.

wala naman akong problema sa step sisters ko. hindi kami nagpapansinan which is good for me kaysa naman mag-away kami diba?. yung mommy lang talaga nila na halos ipagtabuyan ako sa sarili naming pamamahay. laging pinapamukha sakin na sampid lang ako at napilitan lang palakihin ni daddy which is totoo naman. kaya nananahimik nalang ako.

may perang iniwan si lolo sakin bago siya namatay. Yun ang ginamit ko para maipatayo ang maliit na cafe..kahit maliit lang yung cafe ko mahal na mahal ko yun.. Ang dami kung isinakripisyo maitayo lang yun.. hindi rin naging madali ang lahat para sakin.
nung una subrang nahirapan akong patakbuhin ang Coffee shop pero kalaunan rin ay nasanay na ako...nang makapag ipon bumili na ako ng sarili kung condo at dumistansiya sa family ko..

After kung iparada Lumabas na ako sa sasakyan at binuksan ang back seat at kinuha ang pinamili Ko. Maglalakad na sana ako papasok ng makita ang familiar na kotse... Napapikit nalang ako ng makumpermang koste nga ni Coleen ang naka park sa gilid. nandito na naman siya..

Ng makasakay sa elevator madali kung pinindot ang 4th floor.

saktong pagbukas ng elevator ay bumungad sakin si Coleen na biglang sumigla ang mukha ng makita ako.

"goshhhh andiyan kana pala.. Ang tagal mo naman." salubong niya ng makalabas ako. Hula ko pipilitin niya na naman akong sumama.

"kanina kapaba dito?" tanong ko sakaniya Sabay dikit ng keycard para ma unlock ang pintuan.

"nahh kadarating ko lang din " sagot niya at naunang pumasok. Hay naku feel at home ang gaga.

"bess sige na pumayag kana.." pangungulit na naman nito. Dumeritsiyo ako sa kusina para ilagay ang pinamili ko pero sunundan niya ako.

M I N E ( L. L. obsession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon