Chapter 16 🌹

2.5K 35 0
                                    

KINABUKASAN dumating na nga si Doc Rina at kasama niya ang therapist... Tininggnan muna ako ni Doc Rina bago simulan ang therapy session.

Lumipas pa ang mga araw ay paunti-unti ko nang naigagalaw ang mga daliri ko sa paa.. kapag oras na ng therapy ko biglang uuwi si Lux galing trabaho para lang bantayan at tulungan ako which melt my heart. I never imagine na may ganito pa palang tao sa mundo. He's always there to cheer me up kapag natutumba ako.

I can't believe na ang isang Luxerious Locksward ay may ganitong side at nagsisisi ako na tinawag ko siyang masamang tao kasi hindi naman pala siya ganun. infact napaka maalaga niya.

Unti-unti ko nang nabubuksan ang puso ko sa kaniya at kapalit nun ay ang unti-unti nang pagkawala ni Geo sa Sistema ko.

Lumipas ang isang Buwan ay nakakatayo na ako. Pero hindi pa maihakbang ng maayos ang mga binti ko kaya heto kami ni Lux.

"Yeah, good job baby... Yung isa naman." sabi nito habang naka hawak sa dalawang kamay ko para alalayan na makahakbang.

"Lux k-kaya ko ng humakbang ng limang beses."

"good job Mine... May kiss ako mamaya."

"Lux!!!" pinalo ko ang braso nito na ikinatawa lang niya.. humakbang pa ako pero nawalan na ako ng balance kaya napasandal ako sa dibdib ni Lux na agad akong niyakap.

"good job,Mine... Bukas na naman." naramdaman ko ang paghalik niya sa Noo ko bago buhatin at ipinaupo sa Sofa.

"sala----" he cut my words using his lips. "kiss lang sakin." paos  na sabi nito at kumindat pa. lok0 talaga toh.

"Oo na tumigil kana." umiwas ako ng tingin sa kaniya. "wala ka bang trabaho? o gagawin ngayon?" tanong ko.

Tatlong araw na kasi siyang hindi pumapasok. dati Pumapasok naman siya at Sumasadlit lang dito para lang sa oras Therapy ko. Tapos sabay kaming Kakain ng Lunch then mag-papaalam na siya para bumalik sa trabaho niya at Uuwi ng 6:00 PM para sabay kaming mag dinner.

"bukas na ako papasok... magpahinga ka muna dito"sagot nito at tumayo mula sa tabi ko. "Mine, gym lang ako." hinalikan nito ang Noo ko bago naglakad palabas.

Sa ilang buwan naming magkasama. masasabi kung hobby talaga niya ang Pag e-ehersesiyo. kaya nga maganda ang hubog ng katawan niya. goshhh pakiramdam ko namumula na ang mukha ko. habang naiisip ang malaki niyang braso.

Sa laki ng mansion na ito. apat pa lang ang napupuntahan ko. Sa Art studium, library, veranda at sa garden. Wag na natin isama ang Living Room At Kitchen dahil lagi naman akong nandun.

Habang nakaupo ay biglang dumating si Ate Myren na may dalang tubig at inabot saakin. "salamat ate Myren."

"Ma'am shairah excited na po ba kayong makalakad ulit?" tanong nito.

"Oo naman... Gusto ko ng makalakad para hindi na ako maging pabigat sa inyo nina Manang Esper.. lalong lalo na kay Lux." sagot ko.

"Ma'am hindi ka naman pabigat.. Wag niyo pong isipin yan. Alam niyo naman na ayaw na ayaw ni Sir na sinasabihan niyo ang sarili ng mga ganyan."

Umayos ako ng Upo at hinawakan ang mga tuhod ko. "kunti nalang... Makakalakad na ako ulit." sambit ko.

"ma'am gusto niyo po bang manood ng TV? para po hindi kayo ma bagot dito."

"wag na ate Myren. Ayos lang po tiyaka andato kanaman... Kaya hindi ako mababagot." sagot ko.

Uminom ako ng tubig at inilapag na ito sa babasaging mesa sa harap ko. "Ate Myren... May anak kana po ba?" tanong ko.

M I N E ( L. L. obsession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon