MABILIS na pinaharurot ni Jaynard ang sasakyan. sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya napapabusina nalang yung mga sasakyan na nadadaanan namin. at this point hindi ako natatakot na baka mabangga kami dahil mas nakakatakot pa ang mangyayari kapag naabutan kami.
"Shit." napamura si Jaynard at mabilis na iniliko ang manibela ng makasalubong namin ang itim na kotse. "mukhang nakita na tayo."
"bilisan mo lang ang pagmamaneho. para hindi tayo masundan!"
pareho kami ni Lina na nakaupo sa back seat. halos hindi na ako nagsasalita sa sobrang kaba... para kaming nakagawa ng isang malaking krimen na pilit naming tinatakasan.
"nasa port na ang yatch ni Hexia... kaka text niya lang. on the way narin siya para salubungin tayo para may back up tayo incase."
tango lang ang nagawa ko kay Lina dahil hindi ako makapagsalita. at mas lalo pa akong kinain ng takot ng may nagpaputok mula sa likoran namin.
agad akong napayuko at napahikbi sa takot. naramdam ko naman agad ang pag cover sakin ni Lina. "Wag kang matakot Shairah...hindi nila mapapatumba ang sasakyan na to dahil nandito ka." she embraced me.
nakita kung binuksan ni Jaynard ang bintana ng kotse at ginantihan sila ng putok habang nagmamaneho.
"Jaynard leave them to me.... "sabi ni Lina at kumalas mula sa pagkakayakap saakin at kinuha ang baril na hawak ni Jaynard. Binuksan ni Lina ang pinto ng back seat habang patuloy na umaandar ang sasakyan at nanlaki ang mata ko ng humiga siya sa paanan ko mismo habang ang kalahati ng katawan nito ay nasa labas ng sasakyan.
dalawang baril ang hawak nito at walang tigil niya itong pinagbabaril hanggang sa maubos ang bala. narinig ko nalang ang malakas na ingay mula sa likoran kaya napatingin ako sa side ng mirror ng sasakyan at nakita kung hindi na tumatakbo ang itim na sasakyan na nakasunod saamin.
"nice shoot baby..."nagawa pang mag compliment ni Jaynard.
"ako pa..." tugod naman ni Lina at umayos na ng upo at isinara ang pinto ng kotse. "mabuti nalang talaga hindi main road tung dinaanan natin."
"yeah walang inosenteng nadamay."
"Shairah it's ok... Wala na sila... Wala n----"hindi naituloy ni Lina ang sasabihin ng may dalawang sasakyan ang nag take over sa harap namin.
"bwesit!" mabilis paring nakabig ni Jaynard ang Manibela kaya nakaliko kami pero sa nakikita ko sa digital map sa harap maling daan na ang tinatahak namin. "I think he already placed his pawn in every corner... that man is really cunning!"
biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Dellan na baka mamatay si Lina at Jaynard ng dahil sakin.
no way!!!
"L-lina ibaba niyo nalang ako... T-Tumakas nalang kayo." hinarap ko siya at hinawakan sa magkabilang balikad. "Please b-baka mapahamak kayo ng dahil saakin... P-Please hindi ko kaya.."
ayoko na... Ayoko nang madamay pa sila. Hindi yun kakayanin ng konsesiya ko. Susuko na ako bahala na.
"nababliw kana ba? Shairah he's a psychopath!! kung ano man ang sinabi niya sayo puro kasinungalingan lang yun!! hahayaan mo ba na lumaki ang anak mo sa marahas niyang mga kamay!?"
Gusto kung sabihin sa kaniya na hindi naman ako sinasaktan ni Lux. pero hindi ko magawa...
"Listen to me... kahit sumuko ka na sa kaniya papatayin niya parin kami. hindi mo ba napapansin na isa-isa niyang ini-illiminate lahat ng tao sa buhay mo!!?"
para akong na windang sa sinabi niya... oh my god.
"kaya please..." inalis nito ang kamay ko na nakahawak sa balikad niya at mahigpit yung hinawakan. "Wag mong hayaan na magtagumpay siya."
BINABASA MO ANG
M I N E ( L. L. obsession)
Misteri / Thriller*** Shairah was Living happy and contented in life with her boyfriend and bestfriend...Not knowing that someone was lurking around and patiently waiting for the right time to appear and take over what's his...Mine. Luxerious Locksward known for bei...