Chapter 19 🌹

2.4K 37 3
                                    


"make sure na naka lock ang gate pagka-alis ko."

"yes sir."

Tumaas ang kilay ko ng marinig ang habilin niya kay Mang Fidel na isa sa mga Guard na nagbabantay sa gate. Kaba-baba ko lang kasi galing sa Art studium sa second floor ng maabutan ko sila.

"akala ko nakaalis kana." sabi ko na agad nakuha ang attention niya. ngumiti ito at dahan-dahan na naglakad papalapit saakin.

"Mine I told you to rest. Why are you here?" tanong nito ng makalapit saakin at agad na pumulupot ang braso nito sa beywang ko. napapikit ako ng maramdaman ang labi niya sa teynga ko. "you smell so good."

mahina kung sinapak ang dibdib niya dahil nagsisimula na naman siya. "tumigil ka, pumasok kana nga." saway ko at ang loko tumawa lang.

inangat nito ang mukha ko at ginawaran ng halik sa labi. sandali lang yun pero nagulo na naman nito ang sistema ko.

"expect me to be here at 4:00 pm sharp."sabi nito na ikinataka ko. Bakit 4:00 pm? usually umuuwi siya ng mga 6:00 pm. pero ngayon ba't ang aga?

tumango nalamang ako at inayos ang necktie niya. baka san pa mapunta to pag sumagot pa ako. halos araw-araw ganito ang nagiging eksena namin. kaya naman alam na alam kona kapag sumagot pa ako may mangyayari kaya ang ending hindi na siya papasok.

Biglang nag init ang mukha ko ng maalala ayun.

"Mine you're blushing. care to share what's on your pretty mind?"

"n-nothing..." sagot ko at bahagya siyang naitulak "Sige na Lux baka ma late kapa Goodbye." paalam kona dito at tumakbo papunta sa library. Narinig ko pang sumigaw siya na huwag akong tatakbo at baka madulas ako pero hindi kona yun pinansan.

"oh Ma'am shairah..." nagulat pa si Ate Gina sa biglang pagpasok ko sa library.

"ayos lang po ba kayo ma'am? bakit po kayo tumakbo? baka magalit po si Sir Lux pag nalaman niya tumakbo kayo." bakas sa boses niys ang pagkabahala kaya naman pinakalma ko siya.

"ayos lang ako ako ate Gina. tiyaka si Lux naman ang dahilan kung bakit ako tumakbo kaya there's nothing to worry about." I assured her.

Nakahinga naman siya ng maluwag. Wait bakit ba sila ganyan kung maka react. para namang kakainin sila ng buhay ni Lux para matakot sila ng ganyan.

out of nowhere bigla nalang sumagi sa isip ko ang pambubugbog ni Lux kay Geo at ang narinig ko nung may katawagan siya. alam ko naman na short tempered siya pero parang may mali kasi eh.

"Ate Gina matagal na po ba kayong nagtra-trabaho kay Lux?" tanong ko. malay mo may malaman ako tungkol sa kaniya.

"tatlong taon po ma'am. Bakit po?" balik na tanong ni ate Gina saakin habang pinupunasan ang mga Cover ng libro.

"ano po ba si Lux dati? I mean yung time na hindi pa ako nag e- exist sa buhay niya." tanong ko ulit.

"hindi ko po alam ma'am eh. Kasi nung dumating ako dito nag e-exist kana sa buhay niya." sagot nito at mukhang kinikilig pa. Pero wait...

bigla akong nalito sa sinagot ni Ate Gina. tatlong taon na siyang nagtra-trabaho kay Lux at nag e-exist na daw ako sa buhay niya? like what? how did that happened ? wala pang isang taon nang makilala ko si Lux pano naman ako mag e-exist sa buhay niya a years ago!?

"Ate Gina... Pano niyo po nasabi?" tanong ko pa. Gumuhit naman ang pagtataka sa mukha niya

"Ma'am diba matagal na kayong magkasintahan ni Sir Lux? ang dami niyo po kasing pictures sa kwarto niya nung minsan ay naglinis ako roon. Ang ganda-ganda niyo po ma'am sobra."

M I N E ( L. L. obsession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon